Chapter 21

68 5 0
                                    

~ TWO YEARS LATER ~

Mayera's POV

Dalawang taon na ang nakalipas.

Hindi na ako bumalik kay Doc nang matapos ang CT Scan ko... Honestly, natakot ako sa resulta.Tyaka... Hindi ko na siguro kailangan yun. Alam ko naman sa sarili kong wala akong sakit eh. Makakalimutin lang talaga ako.

Nakatapos na ako ng Masteral ko, at ngayon isang ganap na akong Architect. May project kami ngayon, isang  commercial building ang ginagawan ko ng blue print.

Maayos naman ang naging relasyon namin ni Dominic. Exam nalang din ang hinihintay niya at magiging lesinsyadong doktor na rin siya. Ganun din naman si Ryota. Bumalik na siya ng Japan 2 years ago dahil sinabihan ko siya na okay lang naman ang naging resulta kahit na hindi naman. Magulo ba? Basta igets nalang natin ha? XD si Reyna at Kyle naman, medyo matagalna ring may trabaho at kasalukuyang nagiipon para sa kasal nila.

Naging masaya kami sa aming pagsasama ni Dominic. Kahit na limitado at naging madalang ang aming paglabas ay sigurado akong nananatiling malusog ang relasyon namin. After all, we promised each other that we'll get married after we both have a job. Pero syempre, pag iipunan pa namin ito...

Nasa kalagitnaan ako ng pagdadrawing ng disensyo ng building nang naputol bigla ang lapis na gamit ko. Kinuha ko ang pantasa nang biglang nagtaka ako sa sarili ko...

Paano nga ba ito gamitin?

 

 

 Hindi ko na alam kung paano magtasa. Sinubukan ko ang iba't ibang paraan pero hindi ko talaga alam. Anong nangyayari?

Siguro stressed lang ako.

 

Dahil dito ay binitiwan ko muna ang lapis ko, iniwan ang lamesa ko at humiga sa kama.

Ano bang nangyayari sakin?

Habang nakahiga ay naisipan kong tawagan si Nic. Sa mga oras na ito sigurado akong wala siyang ginagawa. Idadial ko palang sana siya, pero hindi na natuloy dahil biglang may kumatok sa pintuan ng bahay ko.

Lumabas ako at nakita ko si Nic.

"Hey..." And we kissed each other's lips.

"Rest day ko bukas remember? The next day after tomorrow is my board exam. I would like to stay with you and relax before stressing the hell out of me." Ipinakita niya sa akin ang bag na dala niya. Malaki ito, at sa malamang damit ang laman non. I hugged him.

"Sure. Welcome home."

Dominic's POV

Nasa sala kami ni Mayera ngayon. Nanonood ako ng TV habang siya naman, dinadagdagan ang mga litrato sa Blue Book namin.

BOOK 3: The Forgotten Vow (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon