Ryota's POV
Si Mayera Suarez... Ang babaeng mahal ko... 3 years na kami. Sa wakas. I'll wait for 2 more years, kapag ganap na akong doktor, pakakasalan ko siya. Gabi-gabi, laging nasa isip ko ang kinabukasan ko na kasama siya...
Yung tipong bubuo kami ng sariling pamilya, aalagaan at palalakihin namin ng maayos ang mga anak namin, bibigyan namin sila ng magandang kinabukasan, at tatanda kami ni Mayera ng magkasama.
Lunch break ay tuwang tuwa ako dahil pinagbaunan ako ni Mayera ulit ngayon. Noon, pinagbaon niya ako. Nalimutan niya akong pagbaunin ng kutsara at tinidor. Nung nakaraan naman, nalimutan niyang ilagay sa bag ko yung baon. Nung kahapon naman, nilagay niya sa bag ko pero nalimutan niyang takpan.
She's so clumsy, forgetful, and fragile...
But in my eyes, she's actually adorable and perfect...
Pero ngayon, ano na naman kaya ang nakalimutan niya? XD
Umupo na ako sa usual spot ko sa cafeteria. Inilabas ko ang baon ko at natuwa... May takip ito, may kutsara at tinidor. Dalawang Tupperware lagi ang pinapabaon niya sa akin. Yung isa ulam, yung isa naman, kanin...
"Mabuti ngayon, dalawang Tupperware na." Bulong ko sa sarili ko. May mga times kasi na kanin lang ipinapabaon niya. Minsan naman, ulam lang. Nakakalimutan niya raw kasi. Isn't she cute?
Nang buksan ko ang isang lalagyan, kanin...
"Ano kayang ulam inilagay niya?" Nang buksan ko ang pangalawang Tupperware. Kanin din ang laman. Napangiti ako.
"Si Mayera talaga."
Hindi nagtagal ay natapos na ang klase ko. 6pm ang graduation ni Mayera pero 8pm na. Patapos na rin ang programme kaya naisipan kong daanan muna ang regalo na 3 days kong pinagawa...
Isang engagement ring.
- - - - -
"See you at the usual place. 10pm."
I texted Mayera as I arrived here at the biggest playground in Tokyo. Gabi na kaya ako nalang ang tao dito.
"Time to set things up." Inilabas ko ang mga pinamili kong romantic candles at inilagay sa paligid. Pagkatapos nun ay inilabas ko ang singsing na nakabox sa bulsa ko, at nagpractice ng sasabihin,
BINABASA MO ANG
BOOK 3: The Forgotten Vow (Completed)
Teen Fiction(FIRST BOOK: The Pain I knew) (Continuation - SECOND BOOK: The Battlefield) (Continuation of Book 2 - LAST BOOK: The Forgotten Vow) The last part of Mayera's story. Know how it ended happily with a twist that is not found in any other tales.