Chapter 17

63 5 0
                                    

Mayera's POV

Nagulat nalang ako, tumutulo na pala ang mga luha ko... Hindi ako makagalaw. Hindi ko maialis ang mga tingin ko sa kaniya. Nang mga panahong iyon, pakiramdam ko, tumigil sa pagtibok ang puso ko. Tumigil sa pagiisip ang utak ko...

Itinaas ni Nic ang kaniyang kamay at pinahiran ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa pisngi ko.

Before I knew it, Nic was already crying too...

"Kamusta ka na?" Tanong niya sa akin gamit ang malalim niyang boses na nagbibitak bitak na halos bulong nalang.

May narinig akong yapak ng mga paa kaya umayos ako upo at pinahiran ang mga luha ko. Ganun din ang ginawa ni Nic. Napalingon kaming parehas at nakitang isang street sweeper lang pala ang dumaan.

Yamot.

Nagkatinginan naman kami at agad na natawa.

"Walanya ka! Hindi kita nakilala. Mukha ka nang matandang mamâ sa itsura mo!" Medyo natawa rin siya.

"Oo nga eh. Ikaw, ang haba na ng buhok mo, mas kuminis kutis mo ah! Ano? Kamusta na? Ano nang hilig mo?"

"Ganun parin! Lilies, sa aso, kahit anong pagkain, sweets... I'm happy with those things. They're still my favourite things. What's yours?" Masayang sagot ko.

Nagulat ako nang may kinuha siyang isang piraso ng Calla Lily mula sa bag niya at iniabot sa akin. Napangiti ako ng husto. Kinuha ko ang Lily gamit ang kaliwang kamay ko.

"Singsing?" Tanong niya sa akin.

Napatingin ako sa kaliwang kamay ko. Soot ko dito ang engagement ring na binigay ni Ryota sa akin.

"Ahhh... Oo. Engaged na kami ni Ryota." Nawala ang ngiti sa labi ni Nic at bigla siyang tumayo.

"Nic." Pagtawag ko sa kaniya.

"It's when you're happy..." Walang-lingon niyang banggit.

"Ha? Hindi ko gets Nic..."

 

 

 

"It's when you're happy... That's my favourite thing until now." At naglakad siya papalayo. Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang mga paa ko at sinundan siya.

"Nic, sabay na tayong bumaba." Tumingin sa akin si Nic at pilit na ngumiti. Ngumiti nalang din ako.

Sa pagbaba namin ay marami kaming napagkwentuhan. Tungkol sa college life, sa mga professor na daig pa ang pari kung manermon, at kung anu-ano pang bagay. Nang makababa kami doon sa hagdan na mataas na akala mo'y daan papuntang langit ay napatigil ako sa paglalakad. Napatigil din si Nic...

BOOK 3: The Forgotten Vow (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon