Mayera's POV
Nakahiga na ako ngayon sa kwarto ko...
"Umiiyak ka na naman Mayera. Wala ka nang ibang alam gawin."Pagkausap ko sa sarili ko.
Nadurog ang puso ko dahil sa pag-uusap namin ni tito kanina... Hindi niya ako pinasama sa reunion. Dala nga ng hindi pagkaalala sa akin ni Nic. Makaka apekto raw ito sa kalusugan niya. Alam ko naman yun, at masaya akong susunod. Para ito kay Nic. Pero may iba pa kasi siyang sinabi na talaga namang masakit...
"You are kind, beautiful and cheerful. You can make my son happy, I know. Pero Mayera... My son needs a woman, not a clown."
Paulit-ulit ito sa utak ko... Hindi ba ako karapatdapat kay Nic? At pinagiisipan ko ngayon ang sinabi ni tito. Ayaw niya na maalala ako ni Nic, at magkadevelopan pa kami kaya pinapapunta na niya ako ng Japan at huwag na raw akong babalik hanggang sa ikasal si Nic.
Alam ko mahal niya ang anak niya at kinabukasan lang niya ang iniisip ni tito, pero sino siya para paalisin ako? Sino siya para magdesisyon kung sinong mamahalin ni Nic? Oo tatay siya ni Nic. But that does not give him the right to decide for Nic's heart.
Pero ano nga ba ang maipaglalaban ko? Nung retreat nga lang, dineny niya sa harap ng lahat na hinalikan niya ako. At... Nung bago siya maaksidente, malapit na silang maghalikan ni Nic. Siguro right from the start, si Reyna naman talaga ang mahal niya. Hindi ako deserving kay Nic. Kung tutuusin, kasalanan ko kung bakit siya naaksidente. Ako dapat yung nasa pwesto niya ngayon... May banta ang kalusugan, hindi pwedeng gawin ang lahat ng bagay na gusto kong gawin, sumasakit ang ulo, at hindi malaman kung ano yung bagay na nalimutan ko.
Tama na rin siguro so tito. Para sa damdamin naming lahat, ni Reyna, ni Kyle at ni Nic... Lalayo nalang ako. Tatapusin ko nalang yung 1st year ko sa AAU tapos magpapakuha na ako kay tita sa Japan.
Mabuti na rin siguro 'to. Para naman kay Dominic.
Sana nandito si mama at papa... Wala akong mapagtanungan ng dapat kong gawin. Walang nagtatanggol sa akin. Wala akong mayakap na magulang ngayon...
Kyle's POV
We had lots of fun. Or maybe it would be better to say, they had lots of fun. It was no fun to me, none at all. Lalo na at excluded si Mayera sa Reunion at bawal banggitin ang pangalan niya. Para kaming mga estudyante ng Hogwarts na bawal banggitin ang pangalang Voldemort at pag pinaguusapan namin si Maye, You-Know-Who ang gamit namin. -_-
Hindi ko maitindihan kung bakit parang ayaw na ayaw ni tito kay Mayera. Nagumpisa ata ito nang mabanggit ni Reyna kay tito na bago maaksidente si Nic, sinundan niya ang umiiyak na si Mayera, at nasagasaan. Who knows kung ano pa ang pinagusapan ng dalawa? Baka sinabi ni Reyna na ramdam niyang may gusto si Nic at siniraan niya si Mayera. After all, ayaw niyang mapunta si Nic kay Maye. Hay ewan. Ang gulo ng mga pangyayari. Ang hirap nang paniwalaan ang mga bagay. Hindi na malaman kung alin ang totoo at alin ang hindi. Isama mo pa yung mga kasinungalingan na ginawagawa namin ni Reyna.
Ngayon, may bago na naman akong umaga. Pagdilat ng mga mata ko ay isa lang ang ninais ko...
BINABASA MO ANG
BOOK 3: The Forgotten Vow (Completed)
Novela Juvenil(FIRST BOOK: The Pain I knew) (Continuation - SECOND BOOK: The Battlefield) (Continuation of Book 2 - LAST BOOK: The Forgotten Vow) The last part of Mayera's story. Know how it ended happily with a twist that is not found in any other tales.