Mayera's POV
"Ma... Dito po ba?"
"Sige DM. Pakilagay dyan..."
"Mhie. Ayos lang ba?"
"Great work Romenic."
"Ma, singsing mo." Iniabot sa akin ni Yera.
''Nalimutan ko. Salamat nak."
Ngayon ay nasa hilltop kami, nagaayos kami ng isang surpresa para kay Dominic... We're celebrating his 45th birthday. Ang laki na ng inilaki ng mga bata. May boyfriend na nga ang panganay kong si Darah, at isang taon nalang, ay magtatapos na siya ng kolehiyo.
Nang matapos ang operasyon sa akin, ay naging okay ako, at nabulag si Nic. Nang mga panahong iyon ay low blood na siya ngunit itinuloy parin niya ang pagbibigay ng dugo sa akin. Dahil doon ay naapektuhan ang kalusugan niya, at ang unang bumigay ay ang kaniyang paningin. Kapag naman daw naging malusog ulit si Nic ay maaaring bumalik ang paningin niya.
Kahapon lamang ay galing kami ni Nic sa libing ni Dr. Castro. Oo... Wala na siya. Lubos ang pagiyak naming mag asawa dahil malaki ang naitulong ng doktor sa amin at itinuring ni Nic na pangalawang ama na niya iyon. Si tito Adam naman ay sobrang tanda na ngunit buhay pa. Naka wheel chair na nga lang siya kapag lumalabas. 81 years old na rin kasi.
Nang matapos na ang pagaayos namin ay dumating na ang mga bisita na inanyayahan ko...
"Mayera... Good to see you again." Ryota hugged me. He's with his wife, Harika. She's from Japan.
"Wazzup Mayera!!! You're fine!!!" Bati sa akin ni Paul. Kasama niyang dumating si Christelle na nakatuluyan niya.
"Shet! Sabi ko na nga ba noon pa, kayo talaga eh!" Sabi naman ni Jim na hindi na nagbago. Kasama niya ang asawa niyang si Shiella at ang dalawa nilang anak na malaki na rin.
Sunod na sunod na dumating pa sina Xander, Ghail, Claire at iba pa naming mga kaklase noong highschool pa kami. Syempre, hindi pwedeng mawala si Kyle at Reyna kasama ang ibiniyayang dalawang anak sa kanila.
Nakakatuwa na pagkatapos ng madaming mga pangyayari ay hindi parin kami nagkakalimutan, at patuloy ang pagkakaibigan namin dahil minsan sa aming mga buhay, kaming 30 ay nagkasama sa loob ng iisang paaralan sa loob ng apat na taon. Ang iba ay halos 10 taon pa nga eh. Mula elementary.
BINABASA MO ANG
BOOK 3: The Forgotten Vow (Completed)
Teen Fiction(FIRST BOOK: The Pain I knew) (Continuation - SECOND BOOK: The Battlefield) (Continuation of Book 2 - LAST BOOK: The Forgotten Vow) The last part of Mayera's story. Know how it ended happily with a twist that is not found in any other tales.