Chapter 14

71 4 0
                                    

Mayera's POV

Ang tagal naman ni tita...

 

 

Sa tagal niyang bumalik ay na-bore ako at lumabas na ng kwarto. Sa pagsara ko ng pinto ay may naalala ako...

"Yung card..." OH NO! Naiwan ko sa loob!!! Sinubukan kong buksan ang pinto pero ayaw na. Kusa na nga pala itong nailolock kapag isinasara. Mabubuksan lang ito kapag may nagbukas nito mula sa loob, o kung mayroon ka nung card.

"Hala... Hala yung card."

 

 

Nagulat ako nang may bumukas na pinto sa likod ko. May lumabas sa kwartong katapat ng kwarto namin.

"Ryota? Room 203 ka pala." Nagulat rin siya sa akin at napangiti.

"Oh. Tandaan mo room number mo ha. Room 202 ka, baka malimutan mo."

"Grabe ka Ryota..." At nagpout ako.

"Makakalimutin ka parin ba?" Tinawanan naman niya ako sabay hawak sa kamay ko. He dragged me.

"Saan tayo pupunta?" Lumingon lang siya sa akin at ngumiti...

Saan niya ako dadalhin?

Nagpunta kami sa isang park. At hindi lang ito basta park lang... Ang ganda ng mga puno... Puro  Cherry blossoms. Ang lalago nila...

Buong gabi ay nag kekwentuhan kaming dalawa sa isang bench doon... Pinagmamasdan ang cherry blossoms. Sa buwan na ito raw sila pinaka malago.

Nasabi na sa akin ni Ryota ang tunay na dahilan ng break up namin noon. Naikwento ko naman sa kaniya ang lahat ng nangyari sa akin. Mula sa pagkasunog ng bahay namin kasama ang nanay ko, ang pagkamatay ni Papa dahil sa sakit, ang aksidente ni Nic, ang naganap na kalimutan, at ang ginawang pag papaalis sa akin ng mag amang Tamayo...

Sa tagal ng pagkekwentuhan namin ay hindi namin namalayan ang na hating gabi na.

Nakatulog ako... My head resting on his shoulders, his hear resting on my head... We were so close...

Nang sumikat ang araw ay hindi ko alam ang nangyari...

Nang idilat ko kasi ang mga mata ko, magkadampi na ang mga labi namin... Nakapikit ang mga mata ni Ryota.

BOOK 3: The Forgotten Vow (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon