Chapter 23

65 5 0
                                    

Mayera's POV

"Alzheimer's Disease? Pero... Pero sabi po ng asawa ko malusog ako... Doktor din siya, sa kanya ako nagpa CT-Scan nung nakaraang buwan. Ibig sabihin, kamakailan lang ako nagkaroon ng ganyan?"

 

"No Mayera... Even the result before, yung hindi mo kinuha, ganito din yung lumabas... I'm sorry."

 

Ibig sabihin... Yun yung iniyakan ni Nic noon? Hindi niya sinabi sa akin ang totoo? Pero bakit??

"Alzheimer's Disease... Paki... Paki explain naman po..."

 

 

"A mental death will come before the Physical one. Malilimutan mo ang lahat. Your family, friends, your husband, and even yourself..."

 

 

Naguguluhan ako sa nangyayari.

"Bakit po ako may Alzheimer's? Hindi ba, pang matanda lang yon? Doc 23 years old lang ho ako..." Nanginginig na ang boses ko, yung mata ko, nagbabadya nang maglabas ng luhang walang katapusan.

 

 

"Age doesn't matter sa Alzheimer's. The cause is highly genetic..."

 

 

"Ano pong gamot? Bigyan niyo ako ng resulta Doc. Gaano katagal bago ako gumaling?"

 

 

"Medicine can slow it down, but nothing can cure it."

 

 

Para akong inipit ng langit at lupa... Nothing can cure it? Tama ba yung pagkakarinig ko?

"Surgery... Kung operahan po ako?"

"May trabaho ka ba ngayon?" Pagiwas niya sa tanong ko.

"Opo. Architect po ako."

 

"You must stop it. Balang araw malilimutan mo na rin kung paano humawak ng lapis, paano magtype, paano gumamit ng cellphone at lahat ng mga bagay."

Hindi ko na alam ang sasabihin ko... Natulala ako sa sinabi niya. Muli siyang nagsalita...

"No one with Alzheimer's disease survived for more than 14 years. Balang araw pati paghinga malilimutan na rin ng utak mo... I'm sorry... Mrs. Tamayo..." Dahan-dahang gumalaw ang sarili kong mga paa at lumabas ng pintuan.

Tulala akong naglakad. Hindi ko alam kung saan ako papunta basta lumakad lang ako ng lumakad. Muntik na akong mabangga ng kotse, ilang tao na ang nakabunggo ko, pero ewan ko. Wala akong pake...

Naninikip ang dibdib ko.

This is bullshit...

 

 

BOOK 3: The Forgotten Vow (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon