Dominic's POV
Umaga na naman... I had another dream. Elementary daw ako. Kasama ko na naman yung babaeng kasama ko sa bawat panaginip ko, pero blurred parin yung mukha niya. Nasa retreat daw kami. Nawala daw siya. Alalang alala naman ako kaya hinanap ko siya at tumakas ako sa teachers. Nakarating ako sa isang cave, sa isang minahan, naakyat yung bundok na malapit sa amin, at nahulog sa dagat. Lumangoy ako at nagbakasakaling nasa dagat siya pero pinulikat ako at nalunod... Nagising raw ako, nasa pangpang na ako, kasama ko ang mga teachers, classmates ko, at naroon na yung babang hinahanap ko. Tumakbo ako at niyakap ko siya. Nawala raw siya sa kakahuyan.
Tapos, biglang nagpalit ng lugar... Ewan ko ba ang gulo eh.
Mukhang... Malaki-laki na kami nung babae. Blurred parin yung muha niya shet. Naghaharutan daw kami sa field ng school ko nung Highschool.. Tapos...
"Kuyaaa."
Tapos...
"Kuyaaa!!!"
Tapos...
"Hoy kuya!"
"Ano bay un Lotlot?!" Nakakainis naman. Inaalala ko yung panaginip ko eh.
"Bumangon ka na. 5:30 na oh." Ay oo nga. Bumangon na ako sa kamay at nilapitan si Lotlot na nakatayo sa may pintuan ng kwarto ko. I kissed his forehead.
"Thanks Lot." And I rushed to the bathroom.
Mula nung araw na nagkakilala kami ni Mayera ay ginanahan na akong pumasok ng maaga. Lagi kaming nagkekwentuhan, nagpipicture picture, naglilibot at nagbabasa sa library tuwing umaga. 7am kami nagkikita, bago magklase. Sa hapon naman ay sina Reyna at Kyle ang kasama ko.
. . . . .
"Second sem na Nic. Ang bilis no?"
"Oo nga eh. Pabaliktad nga yung panahon eh."
"Panong pabaliktad?" Tanong naman niya.
"Lumiliit ka kasi eh. Dati nasa utak lang kita... Ngayon... Nasa puso na." Bigla niya akong kinurot sa pisngi.
"Luma na yan! Luma na yan!"
"Osige nga! Ikaw nga! Ikaw nga!"
Halos ganito lagi ang usapan namin ni Mayera. Biruan, banatan- na minsan, para sa akin, totoo na yung sinasabi ko... Never pa kaming nagkwentuhan tungkol sa mga personal naming mga buhay. Pwera nalang yung tungkol doon sa aksidente ko at yung mga injuries ko. Well, I can tell na parehas naman kaming nageenjoy sa mga panahong magkasama kami. Komportable ako sa kaniya. Minsan nga naisip ko, hindi kaya nakilala ko na siya dati?
"Uhh.. Mayera... Hindi ba kita nakilala noon pa bago ako magka-amnesia?" Napatigil siya sa pagdadrawing. "Pakiramdam ko kasi nagkakilala na tayo dati. Ang komportable ko sa'yo."
"A-Ano ka ba?" Tumawa siya ng sarcastic. "Hindi no. Feeling mo lang 'yan! Hindi tayo nagkakilala dati! Hindi mo'ko kilala, hindi kita kilala. Ngayon lang tayo nagkita at nagkakilala no! Grabe ka naman! Hindi talaga no!" Bakit ganon? Pakiramdam ko, hindi siya nagsasabi ng totoo?
BINABASA MO ANG
BOOK 3: The Forgotten Vow (Completed)
Teen Fiction(FIRST BOOK: The Pain I knew) (Continuation - SECOND BOOK: The Battlefield) (Continuation of Book 2 - LAST BOOK: The Forgotten Vow) The last part of Mayera's story. Know how it ended happily with a twist that is not found in any other tales.