Kyle's POV
Isinakay nila ako sa kotse. Pinapaturo sa akin ni tito ang bahay ni Mayerang bago. Nabanggit ko na magisa lang si Mayera doon. Wala na ama at ina niya, nasa Japan ang nagiisang tita niya sa father's side, at patay na ang mga tito at tita niya sa mother's side, kabilang ang mga lolo at lola niya.
Nabubuhay si Mayera dahil sa perang naitabi ng mga magulang niya noong nabubuhay pa siya, at pag nagtagal, sigurado akong mapipilitang mag working student si Mayera.
Nagtaka ako kay tito kung ano ang gagawin niya at pupunta siya sa bahay ni Maye. Hindi siya sumasagot. Ang tanging sinasabi niya ay gagawin niya ang nararapat gawin. Nang makarating kami doon ay nagulat si Mayera sa pagdating ni tito. Nagakapan sila. Pati na rin si Reyna... Hindi rin siya nakatiis. Nagyakapan sila, at negkwentuhan. Kitang kita naman ang kasiyahan at pagkasabik ni Mayera.
Isinama ni tito si Mayera. Akala ko naman kung saan kaming apat pupunta, sa isang resort pala. Nang makarating kami doon ay nagulat kami nang makita ang mga kaklase namin. Sina Jim, Christelle, Tian, at marami pang iba. Halos lahat nandoon. Bumaba kaming apat at nakipagyakapan, at batian sa mga dati naming mga kaklase.
"Tito, hindi niyo naman pop ala sinabing may plinano kayong Reunion ngayong araw!" Sabi ni Mayera.
"Well. It's Saturday, so I bet everyone was free, and I was right! Everything's on me. Just enjoy!" At ang lahat ay naghiyawan. Nagunahan kami sa pagpasok ng resort na iyon. Nagbihis at daretso talon sa pool.
Si Mayera, ako at si Reyna ay hindi makapg swimming dahil hindi kami ininform ni tito. Wala kaming dalang kahit na ano.
"YEHEEES! REUNION!"
"Tangina tangina kumpleto tayo!"
Kaniknaiyang sigawan ng mga kaklase namin.
"Si Nic. Wala si Nic." Sabi ni Faith. Natahimik ang lahat. Tumingin ako kay Mayera. Ang bilis nawala ng mga ngiti niya. Napatungo ang lahat at nanahimik. Nagsalita si tito.
"I believe, hindi pa ito alam ng lahat... Tinipon ko kayong lahat ngayon para ibalita sa inyo na... Nagising na si Nic! Okay na siya!" Naghiyawan ang lahat.
"But... You see. The damage of that accident was great. Nagkaroon siya ng temporary amnesia." Biglang lumapit sa akin si Mayera.
"Sabi mo permanent?" Bulong niya sa akin ng galit. Shit oo nga pala, sabi ko permanent na yun.
"May mga bagay siyang nalimutan na. Katulad ni Mayera... Si Mayera hindi na niya kilala."
Ang lahat ay nagreact.
"Awww..."
"Ang sakit non."
"Sa dinami-dami ng lilimutin si Mayera pa!"
"Oo nga! Oo nga!"
"Dapat si Jim nalang yung nalimutan eh!"
"Bakit ako? Mahal ko si Loid!"
"Nako. Paano yan?"
BINABASA MO ANG
BOOK 3: The Forgotten Vow (Completed)
Teen Fiction(FIRST BOOK: The Pain I knew) (Continuation - SECOND BOOK: The Battlefield) (Continuation of Book 2 - LAST BOOK: The Forgotten Vow) The last part of Mayera's story. Know how it ended happily with a twist that is not found in any other tales.