Mayera's POV
Mag-isa lang ako ngayon sa kwarto... Nakaupo sa kama. Nag-iisip.
"Ano kayang ido-drawing ko?"
Biglang pumasok si Kyle sa kwarto ko.
"Ay tuko! Kyle naman eh! Ba't nandito kaaa?!" Sira ulo 'tong lalaki na'to bigla biglang pumapasok sa bahay at sa kwarto ko! Lumapit si Kyle sa akin at hinugot ang earphones ko.
"Kanina pa ako kumakatok hindi mo binubuksan yung pinto! Pumasok na ako ng bahay pati na rin dito sa kwarto mo!" Makasigaw naman 'tong si Kyle akala mo naka earphones siya. Kaharap ko lang siya pero makasigaw akala mo naman nasa kabilang planeta ako. -_-
Bumuntong hininga ako.
"Bakit ka nandito?"
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at kinuha ang sketchpad na hawak ko.
"Ano 'to?" Tinignan niya yung drawings ko.
"Kailangan ko gumawa ng sketch ng isang bahay. Top view. Wala akong maisip na design, bukas na pasahan niyaaaan." Tumawa si Kyle.
"Architecture pa kasi kinuha mo eh." Pakialam ba niya? Ito gusto ko eh...
"Teka... Bahay? Eh bakit puro, ano to—-"
Kinuha ko sa kaniya yung sketchpad... Wala kasi akong maisip na design. Ang dinodrawing ko kanina pa ay puro landscapes, lalaking tumatawid ng kalsada, couples, babaeng nagpipiano, calla lilies at kung anu-ano pang hindi related sa bahay.
"Isipin mo muna kasi. Gaano ba kalaki ang bahay na gusto mo?"
Napaisip ako. Biglang naging seryoso ang atmosphere.
"Hindi ko kayang magdesign ng bahay... Naaalala ko yung bahay namin na nasunog..." Gumalaw si Kyle. Napatakip ako ng mukha ko kasi akala ko sasampalin na naman niya ako at sasabihing tanggapin ang katotohanan!
Pero hindi...
Instead... He hugged me....
He hugged me tight.
"Siguro magdedesign ako ng bahay na walang kusina." Natawa naman kaming parehas sa sinabi ko. Hay... Wala ako sa wisyo magdrawing.
"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko ulit sa kaniya.
"Binuksan ko facebook mo kanina." Nang marinig ko yung sinabi niyang yon ang binatukan ko siya agad. Pakialamero! Porke nahulaan niya yung password ko!
"Sorry na... Accidentally, nabuksan ko yung messages mo." Binatukan ko ulit siya.
"Minessage ka nung Emily Suarez." EMILY SUAREZ?!
"SI TITA?!" Tumayo ako at pumunta agad sa desktop ko. Binuksan ko agad ang facebook ko. Natuwa ako sa sinabi niya. Nagreply na siya sa naputol naming conversation last week.
BINABASA MO ANG
BOOK 3: The Forgotten Vow (Completed)
Novela Juvenil(FIRST BOOK: The Pain I knew) (Continuation - SECOND BOOK: The Battlefield) (Continuation of Book 2 - LAST BOOK: The Forgotten Vow) The last part of Mayera's story. Know how it ended happily with a twist that is not found in any other tales.