Chapter 19

57 5 0
                                    

Mayera's POV

Nang makauwi ako, ay huminto ako bago pumasok ng pintuan. Hindi ko ata kayang harapin si Ryota matapos ang ginawa kong paghalik kanina kay Nic.

Kusang kumilos ang katawan ko. I cheated! I CHEATED! Ugh... Sa kabila ng pagiging loyal ni Ryota. Pero ano nang mangyayari? All of a sudden, I think... I think I don't want to marry Ryota anymore.

Si Nic parin ata... Teka. Correction. Si Nic parin pala. Oo, mahal ko si Ryota. Pero bakit ganito? Mas matimbang parin si Nic. Ibig sabihin nagmamahal ako ngayon ng dalawa? Totoo ba yun? Pwede ba yun?

"AAAAISSSHHH!" Asar na ginulo ko ang buhok ko. Nakakastress! Feeling ko may pimples na'ko agad! Hindi pa naman ako sigurado sa nararamdaman ko. Maghihintay nalang muna siguro ako, bibigyan ko muna ng oras ang sarili ko para malaman at masigurado kung sino ba talaga.

'Yun din naman ang sinabi ko Nic kanina bago kami maghiwalay... Bigyan niya ako ng panahon.

Pero hindi tama... Kailangan kong aminin kay Ryota yung nagawa kong pandaraya sa kaniya. Kailangan kong magkumpisal sa kaniya. WAHHHH...  Sana kayanin ko.

Ryota's POV

It was almost dinner time when Mayera entered the house. I was sitting on the sofa. I was about to greet her when she came walking by, but she just passed by me, and sat beside me.

Kinuha niya ang remote at binuksan ang TV. Bakit hindi niya ako kinakausap? Baka badtrip siya. Kinuha ko nalang ang phone ko at tinext ko siya.

                Okay ka lang?

Nang tumunog ang phone niya ay kinuha niya ito agad at binasa ang text ko. Akala ko ay kakausapin na niya ako pero tumayo siya bigla. May sinilip siya sa bintana, sa pinto palabas, sa pinto ng kwarto niya at pumunta ng kusina. Parang may hinahanap siya. Nang bumalik siya ng sala ay nakita niya ako ngumiti.

"Ryota!" Lumapit siya at tumabi sa akin. "I was looking for you."

Ano daw?

"Bakit mo'ko hinahanap? Kanina pa ako sa tabi mo."

Natulala siya sa akin na parang nagiisip. Ilang saglit lang ay napatakip siya ng bibig niya.

"Hala. 'Di kita napansin."

I just smiled at her. I think something's really wrong with her.

"Nagpacheck-up ka na ba? Anong sabi ng doctor?"

 

 

"Oo. Nagpunta nako kanina. Tinanong niya ako ng ilang tanong. Ang weird nga eh. Bumalik daw ako after 1 week."

 

"Mmmm."

Matapos ang maikling paguusap ng iyon ay kumain na kami ng hapunan. Niyaya ako ni Mayera na pumunta sa kwarto niya dahil may kailangan raw kaming pagusapan. Ano kaya iyon?

BOOK 3: The Forgotten Vow (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon