Chapter 12

72 5 0
                                    

Mayera's POV

The day before my flight... I was excited, yet in pain. Wala man lang nagrereply sa gms ko. Walang naglike o nagcomment sa posts ko sa facebook group namin tungkol sa reunion na ipinagyayaya ko. Maki si Kyle hindi ko macontact. Sa tweets ko walang pumapansin.

Aalis kaya ako ng ganito? Wala man lang nakakaalala sa akin. Wala man lang maghahatid sa akin sa airport. Aalis ako at lalayo ng walang nakakaalam. Walang maghahanap sa akin.

Lahat kaya sila ayaw na sa akin? Pauwi ako ngayon galing ng mall, bought some stuffs. Magkasama kami ni tita pero sabi niya mauna na raw akong umuwi dahil may pupuntahan pa raw siya. Nang makauwi ako ay nagulat ako dahil hindi nakalock ang pinto, at bumulaga sa akin ang mga dati kong kaklase....

Oh may gad. T.T I threw my hands as I jumped and screamed out because of joy!

"Mayeraaaa!"

"Yera!"

"Bakit ka pupunta ng Japan!"

"Iiwan mo na kami?!"

"Shet sama ako maganda don!"

"Maye how dare you!"

Dinumog ako ng lahat.

"Nandito kayong lahat... Hindi ako makapaniwalang... kasya kayo! HAHAHA!"

"Head count guys!" Sigaw ni Kyle. Natapos ang bilang sa 29. Wala si Nic...

Pero nandito si Reyna. At isang bagay iyon na lubos na nakapagpangiti sa akin.

"Guys! Kainan na!" Sigawan nina Paul at Chirstian. Ang lahat ay nagtulong tulong sa paglabas ng pagkain at mga inumin. Ako naman, lumapit kay Reyna at hinatak siya palabas ng bahay.

"Reyna... Salamat at nagpunta ka, gusto ko sanang magkaayos tayo bago ako umalis..."

 

 

Habang binabanggit ko yun ay kabog ng kabog ang dibdib ko. Nakakakaba... WAH! Akala ko ay sisigawan, sasampalin, o kung anumang nakakasakit ang gagawin ni Reyna, pero hindi, niyakap niya ako.

"Shit naman Mayera. Namiss kita." Naluluha niyang sabi.

"Nana! I missed you so much!!" Well. That felt nice. Calling her Nana again, calling her by her nickname. After all, sobrang close kami dati. Halos hindi nga kami mapaghiwalay eh.

BOOK 3: The Forgotten Vow (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon