Kyle's POV
Anong sasabihin ko? Anong isasagot namin? Baka magduda si Nic sa sagot namin kailangan na naming sumagot ngayon na. Kailangan namin sabihin na parang totoo at kapanipaniwala. Pero ano?? Anong sasabihin namin?? Sino si Mayera sa buhay niya?? Magsisinungaling ba kami? O sasabihin namin yung totoo?
"Seryoso Nic? Hindi mo kilala si Mayera?" Tanong ni Reyna.
"Hindi eh. Shet sino si Mayera? Hindi kaya siya yung nakalimutan ko?" Nagulat si Nic at parang nataranta.
"Baka nga Nic... Kaklase natin yun nung 4th year. Valedictorian natin."
"Weh? Hindi ko siya maalala. Close ba kami?"
Sobra, Nic, sa sobrang close niyo, lahat ng bagay na tungkol sa isa't isa kabisado niyo na. Ito ang sagot ko sa utak ko, pero syempre iba ang sinabi ko.
"Hindi masyado Nic." Sagot ko sa kaniya.
"Eh si tita Mayessa kilala mo?" Usisa pa ni Reyna.
"Mayessa... Mayessa..."Pag iisip ni Nic. "Hindi eh." Hala. Hindi lang si Maye ang nakalimutan niya. Pati nanay niya?
"Eh si tito Ralph?" Tanong ko naman...
"Ralph? Hindi rin eh. Shet. Sino yung mga yun??" Natawa kami ni Reyna dahil parang baliw si Nic na humawak sa ulo niya at nagiisip ng malalim.
"Parents yun ni Mayera. Osya.. 3 na. Mauuna na ako ha? Magkikita pa kasi kami ni Maye— Mayessa. Oo ni Mayessa." Munitk ko na naman mabanggit si Mayera. Kaso masama naman yung naipalit ko, yung Maye naituloy ko sa Mayessa.
"Magkikita kayo ng nanay nung Mayera?" Tanong naman ni Nic. Rinig na rinig naman ang pagpipigil ni Reyna ng tawa. Nakakatawa pa siya sa lagay ng usapan namin ngayon ah? Ibang klase.
"Hindi Nic. Ka-blockmate ko yun. Kapangalan lang."
Bago ako umalis ay nakitext ako kay Nic. Tinext ko si Mayera. Kabisado ko naman number nun.
Matapos ang maraming kasinungalingan ay umalis na ako kena Nic.
Salamat. Nakahinga rin ng maluwang. The whole time para akong sinasakal. Pero mabuti nalang nakalusot kami kanina ni Reyna. Patay din kami sa tatay ni Nic pag nagkataon.
Gumala kami ni Mayera, and she seemed so happy. Kinamusta ko siya sa bahay na tinitiran niya kung saan magisa lang siya. Okay naman daw siya. Masaya din naman daw ang una niyang pagpasok sa AAU. Buong panahon na kasama ko siya ay nasa isip ko ang mga naging pag uusap namin kanina nina Nic.
Paano pag naalala na ni Nic si Mayera? Malalaman niya na nagsinungaling kami sa kaniya. At... Maaalala na niya yung "unfinished things" sa pagitan nila ni Mayera. Yung pagtanggi niyang hinalikan niya si Mayera, yung mga naging initan namin nung retreat, yung mga pinagsamahan nila ni Mayera, at higit sa lahat, maaalala na niya na hindi lang basta dating kaklase si Maye...
Kundi espesyal siya para sa kaniya...
Mahal niya si Mayera...
BINABASA MO ANG
BOOK 3: The Forgotten Vow (Completed)
Teen Fiction(FIRST BOOK: The Pain I knew) (Continuation - SECOND BOOK: The Battlefield) (Continuation of Book 2 - LAST BOOK: The Forgotten Vow) The last part of Mayera's story. Know how it ended happily with a twist that is not found in any other tales.