Chapter 71

294 9 0
                                    

ALTAIR

Kabado akong lumabas ng building. Medyo ginulo ko ang buhok ko sa may mukha ko para hindi ako ganoong kahalata. Mabuti rin na kunti lang ang nakadestino rito.

Nakarinig ako ng mga yabag. Yabag ng maraming tao. Agad akong tumayo ng maayos. Shemay.

Mayamaya ay dumaan ang grupo ng mga army. Iba’t ibang army ang magkakasama.

Nakita ko na kasunod nila ang isang commander. Si Commander Kyo. Siya yung Commander ng Opaque Army.

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang lumingon siya sa gawi ko. Kaso mukhang hindi naman niya ako nakilala. Mabuti na lang din at nakasuot ako ng uniform ng Green Army.

Napaigtad ako nang makarinig ako nang malakas na pagsabog.

“Alerto kayong lahat! Nandiyan na ang Air Force! Sinisira na nila ang pader ng EGA!” Sigaw ng isang army.

Kinabahan ako bigla. Ang buong paligid ay makakakitaan ng nagtatakbuhang mga army upang pumwesto.

“Uy, ikaw! Huwag kang tumayo-tayo riyan! Kailangan nating depensahan ang EGA,” sigaw sa akin ng isang Green Army.

“Y-yes, sir,” taranta kong sagot at bahagya kong iniba ang boses ko.

Pagkatapos ay tumakbo na ang Green Army na lalaki kaya tumakbo na rin ako palayo at humanap ng mapepwestuhan o makakasamang grupo.

Habang tumatakbo ako, sunod-sunod na pagsabog ang naririnig ko. Kahit saan na lang ako nagsususuot dahil hindi ko rin naman alam kung saan ako lulugar.

Aish. Parang nagsisisi na tuloy ako na nagpaiwan ako rito. Pero nandito na ako. Paninindigan ko ito. Sana lang talaga makita ko si Jerson at nang hindi mapunta sa wala ang pagpuslit ko.

Nakikita ko ang isang grupo ng army na siguro ay Colorless Army dahil sa kanilang kasuotan.

Tumigil muna ako dahil sa pagod. Kanina pa ako takbo ng takbo.

Hanggang sa isang napakalaking pagsabog ang narinig ko. Kasabay ng sigaw ng isang lalaki na nag co-command. Siguro isang commander iyon.

“Maging handa na ang lahat! Nasisira na ng Air Force ang pader!”

“Malakas na ang pwersa nila ngayon kaya nasisira na nila ang pader!”

Inilibot ko ang paningin ko. Nadako ang paningin ko sa bungad ng Trainee Section.

“Cannon!”

Nakita ko ang pagtulak ng ilang army ng mga cannon papasok sa Trainee Section.

“Wag hahayaang may makapasok na Air Force!”

“Fire!”

Napatakip ako ng tenga ko dahil sa pagpapasabog ng isang cannon na sinundan ng dalawa pa.

Umalingawngaw na naman muli ang sirena sa boung campus.

Alert! Alert! Alert! Air Force detected inside the campus.”

“Elemental Armies! Laban!”

Kasunod na nun ang walang humapay na pagtira ng ibang army tungo sa pader na nasira na at napapasukan na ng mga Air Force.

Dahil sa pangamba ko na mahalata nila na isa akong estudyante, nakisama na rin ako.

Sa totoo lang, di ko alam kung sino ang titirahin ko. Nahaharangan pa naman ng buhok ang paningin ko kaya di ko masyadong makita. Basta makita lang nila na nakikisama ako.

Ilang pagsabog na sunod-sunod ang narinig ko. Hanggang sa makita ko na unti-unti nang nawawasak ang matataas na pader ng EGA.

“LABAN ELEMENTAL ARMY!”

Sabay-sabay na sinugod ng mga army ang mga Air Force na pumapasok mula sa mga pader na sira na.

Wala akong ibang nagawa kundi ang umatras. Tumakbo ako ng tumakbo palayo muna doon hanggang sa nakapagtago ako sa mga makakapal na halaman. Malapit sa quadrangle.

Mula rito ay makikita ko ang labanan ng army at ng Air Force na tuluyan ng nakapasok sa EGA. Mukhang maraming parte ng pader ang nasira nila at nakapasok.

Hindi ako pwedeng magsayang ng lakas. Haharapin ko pa si Jerson.

THIRD PERSON

“Ngayon, kayo’y aking binabasbasang mga estudyante upang sa susunod at huli  niyong taon sa EGA ay maging matagumpay kayo sa inyong training,” deklara ng Heneral ng Elemental Army sa harap ng mga estudyante.

Walang kamuwang-muwang ang mga estudyante na sa kabila ng kanilang seremonya ay isang labanan na ang nagaganap sa academy.

Sa kaloob looban ng heneral ay takot---takot para sa mga army na nakikipaglaban ngayon sa EGA. Ayaw niya sanang labanan ang Air Force ngunit kung hindi niya palalabanin ang kanyang mga army, ang mga kabataan naman ang mapapahamak. Siguradong magagalit lamang ang mga army kung mangyari iyon. Mas gugustuhin ng mga army na makipaglaban kaysa makitang nahihirapan ang mga kabataan.

Naisin man ng heneral na lamaban sa EGA, hindi siya pinapayagan ng mga commander. Gusto nilang malibang ang mga estudyante kaysa sa puno ng takot ang kanilang kalooban.

Nariyan ang limang commander sa tabi ng heneral para sa siguridad ng mga estudyante kung sakali man na may lumihis na mga Air Force papuntang main campus.

ALTAIR

Habang nagkukubli sa mga halaman rito, nakita ko ang ilang commander na nakikipaglaban.

Parami na ng parami ang mga Air Force na nakakapasok. Sa kabila nun ay kabilaang pagsira ng mga building rito.

Nakita ko ang Commander ng Red Army. Si Commander Shin.

Nakikipaglaban siya sa mga Air Force sa quadrangle. Malakas ang commander. Kahit papalapit pa lang ang kalaban, nauunahan na niya ito.

Hanggang sa...

*****

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon