Chapter 1

36.9K 699 115
                                    

ALTAIR

Sakay ng kotse, papunta na kami ngayon ni papa sa bagong paaralan ko. Dala ko na rin yung gamit ko dahil mag do-dorm daw ako dun. Bawal raw kasi dun lumabas kahit summer. Makakalabas ka lang raw kung maka graduate ka na.

Ang saklap non ha! Paano na lang kung dalawang taon pa bago ako grumaduate? So, dalawang taon din ako dun? Naku naman! Nakakabagot siguro yun.

Itenransfer kasi ako ni papa sa ibang school after ko makatapos sa junior high. Wala naman akong mga bad reasons sa dati kong paaralan para i-transfer. Sa katunayan nga ay okay na okay ako sa dati kong paaralan.

"Pa, bakit mo nga pala ako itrinansfer ng paaralan?" Tanong ko kay papa na siyang nagmamaneho ng kotse.

"Pang ilang beses mo na 'yang tanong, nak," mahinahong reklamo ni papa.

"Eh sorry. Medyo nabigla rin kasi ako nang sinabi mo ngayong week lang na ini-enroll mo na ako sa ibang paaralan," sabi ko. Nakakahiya rin kasi na siya ang nag-enroll para sa akin. Dapat ako na lang yun e.

"Na-excite lang kasi ako, nak. Magandang paaralan kasi 'to. Walang babayaran kahit pagkain niyo. Libre lahat hanggang sa makapagtapo sa kanila."

"Pero okay naman tayo financially di po ba? Public school din naman yung dati kong paaralan."

Nilingon ako ni papa sandali at saka ibinalik ang kaniyang mga tingin sa harapan. "Hindi lang naman about sa financial ang rason kung bakit kita gustong itransfer. Mas bagay ka kasi sa paaralang ito. Dito ka nababagay. Maiintindihan mo rin ako balang araw."

"Pero.... Ano nga pala strand ko sa bagong paaralan?" Tanong ko pa.

"Strand?"

"Opo. Strand. HUMSS? STEM? ICT? Cookery?"

"Uhm... Walang strand doon e."

Napakunot ako sa noo. "P-Po? Paanong walang strand? T-Teka. Baka sa junior high niyo po ako in-enroll?" Hala!

Biglang natawa si papa. "Hindi naman. Basta tiwala lang. Maganda ang school na 'to."

Napabuntonghinga na lang ako at saka tiningnan ang phone ko. Tiningnan ko ang search history ko sa iba't ibang social media. Puro pangalan ng bago kong paaralan. Ngunit nagtataka lang ako dahil wala naman akong ma-search na ganoong paaralan. Kahit sa Google ay wala.

Mula sa highway, iniliko ni papa ang sasakyan namin sa isang rough road at medyo liblib na way.

"Ahm... Pa, sure po ba kayo na dito yung daanan papuntang paaralan?" Nag-a-alangan kong tanong kay papa.

Mukhang kasing walang naninirahan dito dahil sa wala akong makitang bahay. Puro puno lang ang nandito na malalaki.

"Syempre naman. Hindi pa ako ulyanin, anak," sagot ni papa habang deritso lamang ang tingin sa daan.

Sumandal na lang ako sa kinauupuan ko at pinag masdan ang dinadaanan namin. Ang weird.

Halos maka tulog ako sa biyahe dahil mag dadalawang oras ang itinagal pa bago huminto ang sinasakyan namin. Bumaba na kami ni papa at pinag masdan ko ang paligid.

Teka. Asan ang paaralan? Bakit puro puno at nag tataasang damo lang ang nakikita ko? Nakikipagbiruan ba si papa?

"Pa, asan ang paaralan?" Taong ko kay papa na katatapos lang sa pikikipag usap sa phone.

"Wag kang excited, nak. Mag hintay lang tayo rito. May darating kasi para sunduin ka," nakangiting humarap sakin si papa.

"Susundo? So, hindi mo na alam papunta pa dun, pa?"

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon