ALTAIR
Nakadungaw lang ako sa bintana ngayon habang sinusuklay ko ang basa kong buhok.
Iba ang araw na 'to ngayon. Walang training dahil sa nangyari kahapon. Nadakip na raw kahapon ang mga Air Force na sumalakay at wala namang naiulat na masamang balita tungkol sa mga estudyante at mga guro. Although may ilang nagkatamo ng mga galos at sugat, nagamot naman sila agad.
Todo bantay na rin ang mga teachers at may ilang army na ang pumunta rito para masiguro ang siguridad.
Narinig ko na may kumatok sa pinto. "Ako na," inunahan na ako ni Eunice na buksan ang pinto.
"Good morning. Magimpake na kayo ngayon mismo para sa pagtransfer ninyong lahat sa campus ng inyong army group," rinig kong sabi ng isang babae. Agad akong tumayo at lumapit kay Eunice.
"Ho? Magta-transfer kami?” Tanong ni Eunice.
Tumango ang babae na naka-military uniform na kagaya sa suot ng Gold Army. "Oo. Ang mga army ay nagsisidatingan na para sa pagtransfer ng mga estudyante sa kani-kanilang nararapat na army group. Kagaya ng Gold Army, andito na ang ilang army nila para sunduin ang mga estudyante patungo sa kanilang campus. Doon muna sila magpapatuloy sa kanilang pag-alam sa kapangyarihan nila.”
"Ngayong araw na aalis? As in ngayon?" Tanong pa ni Eunice.
"Oo. Ngayong 1:00pm ang pagalis ng lahat dahil hindi natin alam baka bigla pang may sumugod rito sa academy. Para na rin sa kaligtasan ng lahat ito. Aayosin din ang academy lalong-lalo na sa Trainee Section dahil sa pinsala na natamo nito."
Nagkatinginan naman kami ni Eunice.
"Mauna na ako. Marami pa akong pagsasabihan na mga estudante. Maghanda na kayo," paalam ng babae.
Pagkaalis niya, dumiretso na ako sa may cabinet para mag-impake ng gamit ko.
Ngunit napansin ko na umupo lang sa gilid ng kama niya si Eunice at tila lutang. "Uy! May problema ba?" Tanong ko.
Napatingin siya sa akin. “Kinakabahan talaga ako sa sitwasyon natin ngayon.”
Isinara ko ulit ang cabinet ko at umupo naman ako sa gilid ng kama ko.
“Ayoko sa vibe ng paaralan ngayong araw. Ang tahimik. Para sa akin, sobrang tahimik. Ang tamlay. Tapos naaalala ko pa ang nangyari kahapon. Nagpa-panic ang lahat na makalabas ng Trainee Section lalo na’t karamihan pa naman ay mga kagaya sa atin na kunti pa lang ang alam sa pagkontrol ng kapangyarihan,” pagpapatuloy niya.
“Normal lang yan. I mean, kakaiba nga ang araw ngayon. Maski ako ay medyo nabo-bother sa katahimikan ngayon. Pero huwag kang mag-alala. Dadalhin naman tayo sa campus mismo ng mga army group na mapapabilangan natin. Magpatuloy lang tayo sa pag-aaral para kung dumating man ang araw na kailangan na nating lumaban, makakalaban tayo. Tsaka nafe-feel ko na safe sa mga campus ng bawat army group.”
Ngumiti siya.
“Sya nga pala, alam mo ba kung nasaan ang mga campus? Kagaya ng campus ng Crystal Army,” tanong ko.
Umiling siya. “Basta ang alam ko, malalayo sila sa isa’t isa.”
Napatango lang ako.
“Aish. Mag-impake na nga tayo. Baka abutan pa tayo ng ala-una rito. Kailangan ready na tayo agad ngayon para deritso alis na tayo mamaya,” aniya.
Nagsimula na kami sa pag-impake.
Nakita ko ang jacket ni Lucian. Kinuha ko iyon at pinagmasdan. Sunod kong namalayan ay nakangiti na ako.
Umiling-iling ako. Isinama ko na rin yun sa mga gamit ko. Ibabalik ko pa yun e.
***
Ilang minuto na lang ay aalis na kaming lahat. Ready na kami ni Eunice. Naglalakad na nga kami papuntang quadrangle dala ang mga gamit namin. Ganun din ang ibang estudyante.
Pagkarating namin sa quadrangle, pinapapila kami batay sa kapangyarihan namin. Kaya magkakahiwalay na kami ni Eunice.
Pipila na sana ako ng hatakin ako palayo sa pila ni Eunice. "Eh? Bakit?" Tanong ko.
Hindi siya nagsalita at bigla niya akong niyakap.
Napangiti ako. "Eunice, magkikita pa tayo," sabi ko sa pagitan ng pagkakayakap niya sakin.
Kumalas muna siya. "Eh kasi gusto ko bago tayo magkahiwalay ay mayakap kita. Mami-miss kita."
"Haha. Mami-miss din kita, Eunice."
"Naman eh! Pero baka matagalan pa bago ma-restore ng tuluyan itong paaralan kaya dapat pagnagkita tayo ulit, malakas ka na ha!"
"Oo. Ikaw rin."
"Oo!"
Natawa kaming pareho.
"Ako rin." Napalingon naman kami ni Eunice sa nagsalita. Si... Si Lucas at Lucius. Magkasama sila.
"Hi Lucas!" Bati ko at ngumiti ako kay Lucas. Tapos lumapit ako kay Lucius na nakasimangot.
Inilapag ko muna ang isa kong bag at may kinuha sa loob. "Lucius, heto na pala yung pinahiram mong uniform sa akin. Salamat.” Inabot ko sa kaniya ang polo niya.
Ito yung pinahiram niya sa akin noon sa clinic noong nag-away kami ni Ryoran. Nakakalimutan ko na nga ito kung hindi lang ako nag-impake at makita ko ulit.
Kinuha lang ito ni Lucius at hindi man lang nagsasalita.
“Lucius,” tawag ko sa kaniya. “Bati na tayo. Please," pagmamakaawa ko.
"Bakit? Inaway mo siya, Altair?" Tanong ni Eunice. Tinanguan ko lang siya. Busy ako sa makipagbati.
"Ayoko," ani Lucius.
"Lucius naman e. Sige na please. Hindi ako makakaalis ng panatag ang loob kung may nagtatampo sa akin. Sige na. Hindi na talaga ako uulit. Sige na. Bati na tayo," pamimilit ko.
"Pilitin mo ko", sabi ni Lucius.
Ano ba tawag dito sa ginagawa ko? Nagpapa-cute? Namimilit na nga ako diba? Tsk.
"Sige na. Please. Bati na tayo." Binitawan ko muna ang mga gamit ko tapos hinawakan siya sa balikat at inalog-alog siya. "Sige na. Bati na tayo. Hindi ko na talaga uulitin. Promise."
"Aray ko naman. Naalog utak ko sa ginagawa mo e. Sige na! Oo. Bati na tayo."
Natigilan naman ako sa sinabi niya. "Woah! Bati na tayo? Talaga?"
"Tss. Narinig mo naman diba?" Pagsusungit niya.
"Yey! Thank you, Lucius!"
“Nye nye nye.” At tumingin lang siya sa ibang deriksyon.
Bahala siya kung mag-iinarte siya. Basta sabi niya bati na kami.
"Mga estudyanteng under sa Red Army ang kapangyarihan, pumunta na rito. Kayo ang susunod na aalis," rinig kong anunsyo nung teacher na may hawak na megaphone.
Agad kung pinulot ang mga gamit ko. "Paano yan, alis na ako. Ba-bye!"
Nagpaalam na ako sa kanila at tumakbo na tungo sa pila ng mga kaklase at kadivision ko para umalis na.
*****
BINABASA MO ANG
Elemental Gunji-teki Academy
Fantasy15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A story that all about magic. Magic that will truly exist here. Magic that controlled by Elemental Army. Elemental Army na binubuo ng tinatawa...