ALTAIR
"Ayos ka lang?" Tanong ko kay Eunice na tahimik na nakaupo sa gilid ng kama niya.
Tumango lang siya habang tila tulala.
Napabuntonghinga muna ako bago magsalitang muli. "Dahil ba yan sa crush mo?"
Dahan-dahan siyang tumango. Kumuha siya ng unan niya at biglang isinubsob ang mukha niya rito. Narinig ko siyang tila umiiyak. Mayamaya ay tiningnan niya ako.
"Ang sakit, Altair. Nakakadurog ng puso," aniya at naiyak.
Napakamot ako sa ulo ko. Hindi ko alam paano siya ico-comfort.
Nilapitan ko siya at saka tinapik-tapik ko ang balikat niya. "Tahan na. Kailangan na nating pumasok sa division natin. Baka malate tayo."
Ibinalik niya ang unan niya at nagsimulang mag-ayos ulit. "Sige na. Tara na," walang ganang sabi niya.
"Ayos lang yan. Magiging okay ka rin," pabulong kong sabi sa kaniya.
Lumabas na kami sa dorm namin at saka tumungo na sa Trainee Section. Tahimik na nakakapit sa kanang braso ko si Eunice habang naglalakad kami. Hanggang sa nakasalubong namin si Ryoran na papunta na rin ng Trainee Section.
"Good morning, Altair!" Masiglang bati niya sa akin. "Oh. Bakit walang buhay ngayon si pangit?" Tanong niya.
Sinamaan lang siya ng tingin ni Eunice.
"Aba! First time kitang makitang ganiyan ah? May sakit ka?" Nakangiting tanong ni Ryoran kay Eunice.
"Bakit? Concern ka?" Pataray na tanong ni Eunice.
"Heh! Di ako maco-concern para sayo. Karma mo yan kung may sakit ka. Inaaway mo ko kahit di naman kita inaano."
Biglang bumitaw si Eunice sa pagkakakapit sa braso ko at hinarap si Ryoran. "Hindi mo kasi alam yung sakit sa pakiramdam," aniya at naiiyak na.
"Luh. Di ko talaga alam kung ano mang hinanakit meron ka kasi di mo naman sinasabi. Kaya nga ako nagtatanong kanina para malaman ko diba? Parang tanga lang e."
"So ako pa ngayon tanga?"
"Hays. Minsan talaga hindi ko maintindihan logic ng mga tao," pailing-iling na komento ni Ryoran.
"Masakit kasi. Masakit sa puso," naiiyak na sabi ni Eunice.
"Ano? May sakit ka sa puso?"
"Masakit sa puso na malamang may mahal na pala siyang iba."
"Shh. Tahan na," pagpapatahan ko kay Eunice.
"Ha? Sinong siya? Yung crush mo?"
Ako na lang ang tumango bilang sagot sa tanong ni Ryoran kay Eunice.
"Eh? Para yun lang?" Tanong ni Ryoran.
"Anong para yun lang?" Tanong naman ni Eunice.
"Para yun lang, magdadrama ka na nang ganiyan?"
"Hindi mo kasi ako maiintindihan. Hindi mo maiintindihan ang sakit."
"Luh. Ang OA mo naman. Bakit? Kayo na ba? Crush mo lang siya diba? May label kayo? Kilala ka ba niya? OA mo ha."
Biglang nagseryoso si Eunice at deriktang nakatingin kay Ryoran.
"Tsk. Ang OA mo. Kahit wala namang kayo, iniiyakan mo. Ang weird mo."
Nanatiling tahimik, seryoso, at nakatingin kay Ryoran si Eunice.
"Uhm... Alam niyo, tara na s---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang hinawakan ni Eunice ang buhok ni Ryoran na pareho naming ikinabigla.
"Aray!" Reaksyon ni Ryoran.
"Nanggigigil talaga ako sayo. Ang tagal ko nang gustong sabunutan ka," nangigigil na saad ni Eunice.
"Aish! Naman oh! Bitiwan mo buhok ko! Kadiri yang kamay mo."
Kaso biglang hinila ni Eunice ang buhok ni Ryoran kaya halos mapasigaw si Ryoran.
"Pisten--- Ang sakit! Para lang sa mga sinabi ko, nananabunot ka na?"
"Oo! Kasi nabwebwesit na ako sayo noon pa!" At muling hinila ni Eunice ang buhok ni Ryoran.
"Eunice, tama na yan," saway ko.
"Bwesit kang babae ka. Sige. Kung ito ang gusto mo..." hinawakan naman ni Ryoran ang buhok ni Eunice.
"Huh. Makikipagsabunutan ka? Ma---" Hindi pa man natatapos sa pagsasalita si Eunice, agad na sumagot si Ryoran.
"Oo! Dahil ikaw itong nauna. Tsaka hindi porket babae ka, di kita papatulan. Ha!"
"U-Uy tama na yan. Baka may makakitang teachers. Ba-Baka bigyan tayo ng punishment na hindi sumali sa training," saway ko sa kanilang dalawa.
Nagpalitan muna ng masasamang tingin ang dalawa at saka binitawan ang buhok nila.
"Pwede ba, makabati na nga kayo. Parang lumala na away niyo," sabi ko habang nasa pagitan nila.
"Bakla. Nakikipagsabunutan," saad ni Eunice habang nakatingin ng masama kay Ryoran.
"Tss. Ikaw itong nauna e. Gumaganti lang ako."
"Aish. Shh. Tama na nga yan. Baka magsuntukan pa kayo e," saway ko. "Ganito na lang. Maghiwalay na lang tayo rito pa lang at deritso na tayo sa division natin."
"Sige. Ako na lang mauna. Baka kasi may gawin akong yelo diyan kapag hindi na ako makapagpigil," ani Eunice.
"Nye nye nye. Lechonin pa nga kita e," rinig kong pa bulong ni Ryoran.
"Sige, Altair. Mauna na ako," paalam ni Eunice sa akin at agad na tumalikod.
Hinayaan muna namin siyang maunang makapasok sa Trainee Section at saka naman kami ni Ryoran sumunod.
"Ryoran..." tawag ko sa kaniya.
"Oh ano? Pagagalitan mo ako kasi inaway ko kaibigan mong weirdo?" Dabog niya.
Napakamot ako sa ulo ko. "Nagkakapisikalan na kayo. Hindi iyon maganda."
"Hmp." Inayos niya ang buhok niya habang naglalakad kami.
Hindi na ako nag salita pa ulit dahil halatang bad trip na bad trip na si Ryoran at mukhang ayaw munang magsalita. Naging tahimik na kaming dalawa hanggang sa makarating na kami sa division namin.
***
"Alam niyo ba na pwede tayong gumamit ng chant para mas makontrol ang kapangyarihan natin?" Ani Ma'am Aurora.
"Woah. Talaga po, ma'am?" Nakangiting tanong ni Xander.
Tumango si ma'am.
"Uy. Parang yung mga napapanood ko noong mga pelikula," masayang komento ni Danilo.
"Ang chant ay ginagamit ng ilang Red Army or kahit ng ibang army group para ma-stabilize and mas maging focus ang isipan ng indibidwal sa i-imagine niya. Base sa kung ano ang gusto niyang resulta ng kapangyarihan niya especially sa porma nito."
Napatango kaming lima.
"Ibig sabihin kailangan naming magkaroon ng chant?" Tanong ni Agatha.
"Hindi naman sa ganoon. Nasa sa inyo pa rin kung gagamit kayo ng chant. Depende sa kung komportable kayo o kung makakatulog ito sa pagpapalakas. Tuturuan ko lang kayo kung paano gumawa at proper na paggamit ng chant. Pagkatapos ay bahala na kayo kung gagamit kayo nito o hindi para sa pagtatanghal ninyo. Nasa sa inyo rin naman kasi kung anong klase ng pagtatanghal at techniques ang ipapakita niyo. Okay?"
Tumango kaming lima.
Kailangan ko ulit magseryoso sa training na ito.
*****
BINABASA MO ANG
Elemental Gunji-teki Academy
Fantasía15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A story that all about magic. Magic that will truly exist here. Magic that controlled by Elemental Army. Elemental Army na binubuo ng tinatawa...