Chapter 73

308 10 0
                                    

EUNICE

Tapos na ang event. Tapos na ang moving up namin ngunit nananatili pa rin kaming lahat dito sa loob ng hall. Hindi pa kami pinapayagang umalis. Hindi ko alam kung anong meron pero hindi iyon ang main concern ko sa ngayon. Si Altair, hindi ko pa rin makita o mahagilap ng paningin ko. Nasaan na ba ang babaeng iyon?

Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad-lakad. Kaniya-kaniyang grupo ang mga estudyante rito.

“Pangit,” rinig ko.

Napahinto ako agad sa paglalakad at nilingon kung sino man ang nagbangggit nun. Mula sa ‘di kalayuan, nakita ko ang inaaasahan kong tao. Tumatakbo siya patungo sa deriksyon ko. Si Ryoran.

“Hays. Mabuti na lang nakita kita,” aniya nang makalapit na siya sa akin.

“Nasaan si Altair?” Tanong ko sa kaniya agad.

Napakunot siya ng noo niya. ”Iyan din ang itatanong ko sayo. Nasaan si idol?”

“Idol?”

“Aish. Si Altair nga.”

Napakurap ako. “W-Wala siya sa grupo niyo kanina?”

“Wala.”

“Hi-Hindi mo siya nakita?”

“Hindi. Hinahanap ko siya tapos nakita kita. Akala ko kasama mo.” Napalingon pa siya sa paligid namin na tila naghahanap pa rin kay Altair.

“Eh n-nasaan siya?” Lumakas ang kabog ng dibdib ko.

“Eh? Diba kaibigan kayo? Diba magka-dorm kayo? Hindi mo ba siya kasama papunta rito sa EAMC?”

Umiling ako.

Napahawak siya bigla sa dibdib niya. “Hoy, pangit. Wag ka ngang magpakaba ng ganiyan. Hindi ka nakakatuwa.”

“Boang ka ba? Kinakabahan na nga ako rito. Kanina ko pa siya hinahanap.”

Para kaming ewan na nagkakatitigan sa isa’t isa habang parehong kinakabahan dahil pareho naming hindi nakita si Altair.

“Bakit hindi mo siya kasama papunta rito?” Tanong niya sa akin.

“Nagkahiwalay kasi kami…” kabado kong sagot. “Hindi. Nandito lang yun for sure. Hanapin natin.”

Tumango siya.

Saktong magsisimula na kaming maglakad para hanapin si Altair nang saktong nakasalubong namin si Esdeath.

“Eunice,” tawag niya sa akin. “Nakita mo ba si Commander Toshiro?” Tanong niya sa akin.

Si Commander Toshiro ang commander namin.

Napaisip ako bigla. Wait… “Parang hindi ko siya nakita. Tama. Hindi ko siya nakita.”

“Parang hindi ko nakita ang ibang commander kanina. Parang lima lang ata ang nandito,” sabat naman ni Ryoran kahit hindi siya ang tinatanong.

“Bakit nga pala?” Tanong ko kay Esdeath.

“May kakaibang nangyayari sa marka ko sa pulso,” seryoso niyang sagot at ipinakita sa akin ang pulso niya kung saan makikita ang marka niya bilang representative.

Nabigla kaming dalawa ni Ryoran nang makita namin na nag-iilaw ang marka ni Esdeath. At tila humaba ito.

“Sa pagkakaalala ko 1 inch lang yung dapat na marka ng mga representative,” komento ni Ryoran kaya pareho kaming napatingin ni Esdeath sa kaniya.

Hindi pa kami nakakapagsalita nang may biglang umagaw sa atensiyon naming lahat. Biglang tinawag ni Lucius ang heneral na kababalik lang sa stage.

“General Lorcan.”

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon