THIRD PERSON
6:55pm"Oh! Pumasok na kayo sa mga karwahe para makaalis na tayo," utos ng isang army na mula sa Opaque Army sa mga estudyante.
Isa na sa mga estudyante ay si Eunice. Hindi siya mapakali sa kakalingon sa paligid niya.
"Asan na ba si Altair? Andito na ba siya?" Tanong niya sa sarili niya. "Aish. Esdeath kasi e. Sabing hindi na kailangan mga plano niya."
Natanaw niya ang ibang karwahe na sinasakyan na ng ibang estudyante.
"Bilisan niyo! Pasok na. Nagmamadali tayo," sigaw ng isang lalaking Opaque Army. "Oh ikaw? Pasok na," utos nito kay Eunice.
"P-Pwede bang tingnan----" Hindi na siya pinatapos pa sa pagsasalita.
"Hindi. Sige na. Nagmamadali tayo."
Napakamot na lang sa ulo niya si Eunice at sumakay na sa karwahe na malapit sa kaniya. Halo-halong pinanggalingan ng division ang bawat laman ng mga karwahe.
'Aish. Ba't kayo nagmamadali? Parang may naghahabol,' asar na tanong sa isip ni Eunice. 'Hays. Sa lagay namin ngayon, siguro ay pinasakay rin si Altair sa ibang karwahe kaya hindi ko siya nakita. Tama tama. Paniguradong nasa ibang karwahe siya. Makikita ko na lang siya sa Elemental Army Main Campus.'
Nakahanda na ang Opaque Army. Gagamitin nila ang kanilang mga kakayahan upang hindi sila mapansin ng mga Air Force na maaaring nakaabang. Gusto rin nila na makaalis ng mas mabilis ngayon. Mas maaga, mas mabilis, mas magiging ligtas.
Samantala, patuloy na ang pagpasok ng mga ipinadalang army sa EGA. Ipinapakita nila na nandoroon ang mga estudyante. Nililinlang nila ang Air Force. Dahil ang totoo ay papaalis na ang walang kamuwang-muwang na mga estudyante sa nangyayari.
ALTAIR
Tinanggal ko lahat ng mga gamit ko sa cabinet---ito yung mga gamit na hindi ko sana dadalhin pagalis. Itinago ko sila sa ilalim ng kama. May ilan akong itinira na mga damit ko sa cabinet. Ini-hanger ko sila. Lalo na yung mga mahahaba.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Dali-dali akong sumiksik sa cabinet.
Ini-expect ko ito. Lalo na at alam kong pinaghihigpit na hindi malaman naming mga estudyante ang totoong nangyayari.
Rinig ko ang nga yabag ng sapatos na naglilibot dito sa dorm. Hanggang sa naramdaman kong malapit siya sa cabinet. Halos di ako huminga.
Ilang sandaling nandito siya sa loob ng silid.
Ilang minuto ang lumipas, narinig ko ang mga yabag na papalabas na ng silid at pagbukas at pagsara ng pinto. Pero hindi muna ako lumabas. Naghintay pa ako ng ilan pang minuto. Baka nandiyan pa kasi.
Nang masiguro ko na wala nang ibang tao rito, dahan-dahan akong lumabas. Pinagpapawisan na ako nang lumabas. Ang init kaya sa loob.
Ito ang ini-expect ko na inspection sa bawat dorm. Buti na lang hindi nanghalughog ng mga gamit sa pangi-inspection.
Kinuha ko ang cellphone ko, matapos ang ilang buwan na hindi ko paggamit nito, nakita ko rin ito sa pinaka ilalim na mismo ng mga damit ko.
7:01pm
Hindi ko sure kung nagsisimula na silang maglakbay ngayon.
Matindi ang kabog ng dibdib ko. Alam kong isang napakalaking pagkakamali ang ginagawa ko. Ngunit gusto kung makaharap ulit si Jerson. Gusto kong gumanti sa ginawa niya kay papa.
BINABASA MO ANG
Elemental Gunji-teki Academy
Fantasía15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A story that all about magic. Magic that will truly exist here. Magic that controlled by Elemental Army. Elemental Army na binubuo ng tinatawa...