Chapter 41

6.6K 196 22
                                    

ALTAIR

"Tara na."

Lumabas na kami ni Agatha sa silid namin. Pupunta sana kami ng training field na dala ang mga napili naming sandata. Kaso paglabas namin sa building kung saan nandito ang kwarto namin, natigilan na lang kami dahil halos lahat ata ng estudyante ay nandito sa plaza.

May kinalabit si Agatha na kaklase namin. "Psst. Anong meron?" Tanong niya.

"Eh darating daw si Commander Shin ngayon kasama ang ibang Royal Army," sabi naman nung kaklase naming babae.

"So?"

"Eh di e we-welcome natin sila. Utos din ito ng ilang Red Army at ni Ma'am Aurora since may kasamang bisita nga ang commander natin."

Napatango ako.

Ilang segundo lang bigla na lang nagsigawan ng "welcome" ang karamihan kasabay ng pagbukas ng gate.

Nakita kong naglalakad na papasok si papa kasama ang ilang Red Army.

Napabuntonghinga ako nang makita ko si papa. Panay kaway at ngiti siya na akala mo naman ay artista.

Nakita ko na nakasunod  na si Commander Shin sa kanila at kung hindi ako nagkakamali, kasama niya ang commander ng Royal Army. Naalala ko pa kasi ang hitsura niya. Ano nga ulit pangalan niya? Video? Elyong? Ano nga ulit?

Ah! Hideo! Si Commander Hideo.

Nahuhuli naman ang natitira nilang kasamang red army at royal army.

Kaso sa iisang lalaki nadako ang aking paningin. Teka lang. Parang si… Bahagya akong tumingkayad para mas maklaro ko pa ang paningin ko sa kaniya dahil may ilang estudyante ang nasa harapan ko. Shemay. Si Lucian Imperial nga.

Bakit siya kasama? Close ba niya commander nila?

May isang katana sa kanyang tagiliran. Siguro yun ang sandata niya.

Samantalang ang dalawang commander ay pumasok dun sa building na nasa gitna at naiwan sa labas ang ilang army.

"Tara na," aya ni Agatha.

Tumango ako at naglakad na kami papunta sa training field at ganun din ang ibang studyante. Syempre pumasok kami dun sa building kung saan nandun ang commanders. Pero saktong pagpasok namin dun, umaakyat sila sa hagdan pataas.

Dumiretso na kami dun sa double door para lumabas papunta sa training field.

Naghintay-hintay muna kami dito sa training field dahil hindi pa lahat ng studyante ay nandito. May sinasabi si Agatha kaso hindi ako nakikinig. Puro lang ako oo, hindi, siguro.

Ilang minuto pa ata, nandito na lahat ng kaklase namin. Dumating na rin si ma’am at may mga kasama siyang iilang red army. Agad muna kaming nag-warm up at saka nag-form ng 10 lines.

“Dala na ba ninyo ang mga sandatang napili niyo?” Tanong sa amin ni ma’am.

“Yes, ma’am.”

“Okay. Pero karamihan diyan ay hindi pa natin magagamit sa ngayon. Ibig kong sabihin ay may mga piling sandata na hindi gagamitin sa pagtra-training ngayon. Halimbawa na lang diyan ang mga espada at katana. Gagamit lang muna kayo ng mga patpat para sa pagkatuto ng pinaka basic skills diyan. Delikado pa kasi sa inyo lalo na kung wala kayong background diyan. Baka masaksak niyo sarili niyo.”

“Paano po yung mga wand? Or yung iba pang sandata na hindi kapareho sa espada?” Tanong ng isa kong lalaking kaklase.

“Pwede na silang magamit agad ngayon sa pagsasanay. Ang mga sandatang hindi naman kagaya ng espada na maaaring maging self-harm, pwede na agad magamit ngayon.”

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon