Chapter 51

6.1K 182 8
                                    

ALTAIR

Ngayong araw, sabay kaming naglalakad ni Eunice papasok sa Trainee Section. Dala ko na rin ang sandata ko dahil magtrai-training kami ngayon sa sandata namin. Habang naglalakad, nagke-kwento si Eunice ng ilang mga nakakatawang nangyari sa kaniya sa Crystal Army Campus.

“Ang sakit kaya nung pagkakasipa niya sa akin. Sarap niyang isako tapos ihagis palabas ng campus,” aniya at may pa-hand gestures pa.

Nahinto lang kaming dalawa sa paglalakad at sa pagke-kwento ni Eunice nang marinig namin na may tumawag sa akin. Nang lingunin namin pareho, nakita namin si Ryoran.

“Morning, Altair,” nakangiting bati sa akin ni Ryoran nang makalapit siya sa amin.

“Morning din,” bati ko.

Bumuntonghinga si Eunice at tiningnan si Ryoran nang tila pagkairita. Si Ryoran naman, napalingon sa kaniya at napawi ang ngiti nito.

“Bigla akong nawala sa mood,” ani Eunice.

“Tss. Ano na naman ha?” Tanong ni Ryoran.

“Nye nye nye.” Hindi umayos ng sagot si Eunice at nag-cross arms pa.

“Ikaw talaga. Ano ba problema mo sa akin?”

“Tinatanong mo pa talaga? Hindi ko pa nakakalimutan pang-aaway mo kay Altair,” sagot ni Eunice.

“What? Hindi ka pa rin nakaka-move on diyan? Magkaibigan na kami ni Altair na siya itong naaway ko. Tapos ikaw na hindi ko naman inaano mas galit pa.”

“Ah basta. Naiirita ako sayo. Gusto talaga kitang sakalin.” Biglang itinaas ni Eunice ang dalawa niyang kamay na tila aabotin ang leeg ni Ryoran.

“Shh. Tama na yan,” saway ko.

“Tss. Bakit ka ba galit na galit? Bakit hindi ka maka-move on sa pangyayaring yun? Hmm...” Naningkit ang mga mata ni Ryoran. “Siguro crush mo ko.”

“Jusmeyo marimar! Ano? Crush kita? Pwe!”

“Aysus! Alam ko na yan. Crush mo ko kaya naggagalit-galitan ka para at least mapansin kita. Ah. Tama tama,” nagpatango-tango pa si Ryoran.

Napangiti na lang ako sa kanilang dalawa.

“Yuck! Kadiri! Hindi kagaya mo ang mga tipo ko. Pwe!”

“Sus. Aminin mo na lang kasi. Crush mo ko.”

“Ew. Ang pangit mo kaya.”

“Ano? Ako pangit? Hoy! Ang lakas ng loob mong sabihin yan sa akin.”

“Bakit? Saktan ka? Pangit!”

“Gwapo ako!”

“Ew ew ew. Pangit!”

“Pangit ka rin!”

“Pangit ka!”

“Mas pangit ka!”

“Pinakapangit ka!”

“U-Uy! Itigil niyo na yan,” saway ko sa kanila dahil nagsisigawan na sila. Kaso mukhang hindi ako napansin ng mga to.

“Pangit, pangit, pangit!”

“Pangit ka, pangit ka, pangit ka!”

“Mahangin!”

“Epal!”

“Tanga!”

“Shonga!”

Argh! Pinagtitinginan na kami ng iba pang estudyante sa ginagawa ng dalawang to.

“Tumigil na kayo.” Kaso hindi ako pinansin at tuloy lang sila sa laitan.

Nakakaasar na ha.

“Sabing tama na yan!” Napasigaw ako bigla. Di ko na rin na pigilan eh.

Natigil naman bigla ang dalawa.

Huminga ako ng malalim bago magsalitang muli. “Mas makakabuti kung papasok na tayo sa division natin. Okay?”

Tumango silang pareho pagkatapos ay nagkatinginan at umirap sa isa’t isa.

“Sige, Altair. Mauna na ako. Dito na kasi ang daan papunta sa division namin,” paalam ni Eunice.

“Sige.”

Napatingin siya kay Ryoran at umirap ulit. Saka siya umalis.

“Tara na,” yaya ko kay Ryoran.

Tahimik lang kami na naglalakad tungo sa division namin. Parang nagdadabog pa nga itong si Ryoran.

“Ano nga ulit pangalan nung kaibigan mo?” Bigla niyang tanong sa akin.

Natawa ako sa tono ng tanong ni Ryoran. Dadabog talaga e. “Eunice.”

“Ah. Eunice pala pangalan nung pangit na yun.”

Napailing na lang ako.

Nang halos nasa tapat na kami ng Green Army Division---sa gate, nakita ko si Lucas na nakatayo roon.

“Good morning, Altair,” agad niyang bati sa akin.

“Good morning,” nakangiti kong bati. “Ano ginagawa mo riyan? May hinihintay ka?” Napasilip pa ako sa loob ng division niya. Nandoon na ang ilan niyang kaklase.

“Oo. Si Lucius. May sasabihin kasi ako sa kaniya. Sya nga pala, congrats. Isa ka sa top 10 sa inyo.”

“Ikaw rin. Congrats.”

“Salamat,” nakangiti niyang sabi.

Biglang pumunta sa pagitan namin si Ryoran na halos ikabigla naming dalawa ni Lucas. “Talagang si Altair lang nakikita mo?” Tanong niya kay Lucas.

“Ah. G-Good morning, Ryoran,” nauutal na bati ni Lucas.

Napalingon sa akin si Ryoran tapos balik kay Lucas.

“Akala ko galit ka sakin,” sambit ni Lucas kay Ryoran.

“Psh. Sa kakambal mo na si Lucius ako galit. Nadadawit ka lang kasi sa tuwing nakikita kita, naaalala ko siya. Magkamukha nga kasi kayo. Tsaka magmo-move on na ako tungkol dun. Ayokong magmukhang si Eunice na hindi maka-move on.”

Dinawit pa niya si Eunice.

“Ahm. Lucas, mauna na kami,” singit ko.

“Ah sige sige.”

Yinayaya ko na si Ryoran na dumeritso na kami sa division namin.

Naging tahimik lang siya.

“Uy Agatha!” Tawag niya kay Agatha nang makapasok na kami sa division.

“Oh?”

“May lovelife na ata itong si Altair---or luma-lovelife,” sumbong ni Ryoran kay Agatha.

Aish.

“Talaga? Bakit? Pano mo nasabi?” Curious na tanong ni Agatha.

“Kasi kanina, siya lang talaga yung nakita ni Lucas. Siya lang kinakausap. Hindi nga ata ako mapapansin ni Lucas kung hindi ako sumingit. Tapos alam mo yung mga ngiti ni Lucas kay Altair, masasabi mo talagang kakaiba. Panay ngiti talaga e.”

“Si Lucas? Alam mo noong unang beses na ipinakilala sa akin ni Altair iyang si Lucas, akala ko boyfriend niya.”

Mayamaya, sabay silang lumingon sa akin.

Napakunot ako ng noo ko. “Ano yang mga tingin niyo? Uy. Kaibigan lang kami ni Lucas. Tumigil kayo.”

Ngumiti sa akin si Agatha. “Yiee. Basta support lang kami.”

Napailing ako. “Basta kaibigan lang kami.”

*****

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon