Chapter 25

8.3K 242 15
                                    

ALTAIR

"Oh? Ano bang meron sayo?" Takang kong tanong.

May kakaiba talaga eh. Kahapon pa mismo sa clinic ko napansin na kakaiba na siya kumilos.

Anong nangyayari sa kanya? Si Lucius ba talaga to? May sakit? Nagbabagong buhay?

Hindi niya ako sinagot. Tumingin lang ulit siya sa pisara.

Tss. Napatingin ako sa labas ng bintana at mukhang hapon na. May mga estudyante na sa labas. Eh wala namang estudyante dito sa may freshmaen section sa tuwing umaga kapag weekdays dahil nasa trainee section lahat.

Tiningnan ko ulit si Lucius. Wala pa ring kibo sa kinauupuan niya. Titig na titig lang siya sa pisara. Anong meron sa pisara? Wala naman akong makita. O baka may nakikita siya dun na hindi ko nakikita.

Napailing na lang ako at iniwan na lang siya dun sa classroom. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na magpaalam dahil mukhang wala siya sa mood na sumagot.

Napansin ko ulit ang suot-suot kong jacket ni Lucian. Habang naglalakad dito sa corridor, inaamoy-amoy ko yung jacket.

'Mabango. Nakaka-adik siyang amoyin,' komento ko sa isip ko.

"Tss. Pakipot ka pa," biglang may nagsalita sa likod ko kaya natigilan ako sa paglalakad at nilingon siya.

Seryosong Lucius na naman ang nakita ko.

"See? Panay ngiti ka habang inaamoy pa ang jacket ng kambal ko," sabi niya at tinuro pa ang jacket na suot ko.

Napahawak naman ako sa labi ko. At shemay nakangiti nga ako! Agad akong nagseryoso. Kasi naman! Nakaka inis na.

Bumuntonghinga siya. "Gusto mo ba si Lucian?" Tanong niya. Natigilan naman ako.

Gusto? Si Lucian?

Dahan-dahan akong umiling. Tapos humakbang siya ulit para makalapit sakin.

"Altair, hindi ko na kayang kimkimin to," aniya. Nakailang kurap ako. Ano ang kanyang ibig sabihin?

Huminga siya ng malalim na tila nag-iipon ng lakas ng loob. Tapos tingnan niya ako deritso sa mata.

"Altair, alam kong napipikon ka sakin dahil palagi kitang inaasar tungkol sa mga kambal ko especially kay Lucian. Ginagawa ko yun dahil noon pa man nung freshmen pa tayo, nagkagusto ako sayo. Di ko nga alam kung bakit eh. May kakaiba sayo at sa mga oras din na yun, nakikita ko na parang may gusto ka kay Lucian kaya inaasar kita sa ganung way para matanggap ng utak ko na hindi ka magkakagusto sakin at para hindi na rin kita magustuhan. Ang kaso habang tumatagal ang pangaasar ko sayo, mas lalo kitang nagugustuhan lalo na kapag napipikon ka na dahil ang cute mong tingnan. Pa-fall ka kasi.

Altair, gusto kita."

...

"Huh?" Ang dami niya kasing sinabi at tila nablanko rin ako.

"Tss. Gusto kita, Altair," pag-uulit niya na may diin sa bawat salita. “Gusto kita.”

Wait.

Processing...

"Pfft. Hahahahahaha," napahalakhak ako ng marealize ko ang ibig niyang sabihin.

Napakunot naman ang noo niya. "Anong tinatawa-tawa mo?" Tanong niya.

"Hahahaha. Gusto mo ako? Ahahahaha."

"Tss. Oo. Anong nakakatawa?"

"Hahahaha. Lakas ng trip mo Lucius! Ngayon lang ako natawa sa pang aasar mo ha! Hahaha."

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon