ALTAIR
“Haay salamat naman kung ganun,” nasabi ko na lang.
Natawa naman yung nurse. “So, yung dating dorm mo ay syang pupuntahan mo dahil yun parin ang magiging dorm niyo. Okay?” sabi ng nurse sakin.
“Opo. Salamat po. Mauna na ako,” paalam ko.
Lumabas na ako ng silid dala ang mga gamit ko dahil pinayagan na akong makalabas ngayon.
Pagkalabas ko ng clinic, deri-deritso na ang lakad ko patungo na sa dorm namin ni Eunice.
May nakakasalubong akong ilang estudyante. Mukhang hindi pa tuluyang ibinalik ang training.
“Mabuti naman at nakalabas ka na. Akala ko baldado ka na.”
Agad akong huminto sa paglalakad at nilingon ang nagsalita. Ahm... Imperial.
“Tss. Lucius. Kabwesit,” sabi niya. Okay. Siya si Lucius. Pero ano raw? Nabebwesit siya?
“Huh? Nabebwesit ka?” Tanong ko.
Umayos siya ng tindig at tiningnan ako ng seryoso. “Deny-deny ka pang nalalaman. Eh totoo naman pala eh!” Galit niyang sabi.
“H-huh?”
“Sinungaling ka. Nakakainis ka!”
Pabagsak kong inilagay sa may paanan ko ang bag at katana ko. “Teka nga. Huminahon ka nga. Ano ba kasi yang pinagsasasabi mo? Anong ginawa ko sayo?” Alala kong tanong. Galit na galit e.
“Tss. Wag ka na ngang magmaang-maangan pa! May relationship kayo ni Lucian,” galit niyang sabi at sabay tadyak ng kanang paa niya.
Ano raw? Relationship? What the!
“Huh?”
“Anong huh-huh-huh? Alam ko na Altair. Alam ko na, na kayo na ni Lucian. Tss. Sinasabi ko na nga eh. Dapat naniwala na lang ako sa sarili ko. Tsaka halata naman sa inyong dalawa. Bakit pa kasi ako umasa at naniwala sayo?”
Nakahithit na naman ba siya ng rugby kaya bumabalik ang kaartehan niya? Aish!
Gandang bungad niya sa akin matapos ang higit isang buwan na hindi pagkikita.
“Lucius, noon ko pa si---” pinutol niya ang sasabihin ko.
“Oo na. Alam ko yan! Sasabihin mong: ‘wala nga kaming relasyon like that’. Ano? Tama ako no? Ide-deny mo na naman,” sabi niya tapos parang ginagaya pa ako.
Napatampal na lang ako sa noo ko. Balik na agad sa dati.
“Luciu---” muli, pinutol niya ang sasabihin ko.
“Tama na, Altair! Sawang-sawang na ako sa mga dahilan mo. Sa mga palusot mo. Ayoko na. Sawang-sawa na ako,” sabi niya sabay pose na parang nasasaktan yung puso niya. Shemay. Ano ginagawa niya? Cringe.
Sa totoo lang, nahihiya na ako sa kaartehan ng isang to. Pinagtitinginan na kami ng iba pang estudyante at ilang army na malapit sa amin. Gusto kong maging invisible na lang.
Tss. Nakakahiya talaga. Nangdadamay pa siya sa kahihiyan.
“Mak---” pinutol niya ang sasabihin ko. Gusto ko na siyang hambalusin.
“Tama na, Altair! Tama na. Nakita ko kayo ni Lucian dun sa isang kwarto sa clinic na magkayakap.”
Natigilan ako sa sinabi niya. N-natakita niya?
“N-nakita mo?”
Jusmiyo.
“Oo. Nakita ng dalawang mata ko. Nakasilip ako dun sa pinto. Tatanga-tanga kasi kayo. Hinayaan niyong nakaawang ang pinto. So, ano? Aaminin mo na ngayon?”
BINABASA MO ANG
Elemental Gunji-teki Academy
Fantasy15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A story that all about magic. Magic that will truly exist here. Magic that controlled by Elemental Army. Elemental Army na binubuo ng tinatawa...