ALTAIR
Mag dadalawang linggo na rin kaming nag tra-training. Marami na sa section namin ang may kapangyarihan na.
Ang wala na lang magic ay kami nila Eunice, Daphne, Philip, Rex, at Miku.
Kasalukuyan kaming naririto sa classroom.
"Congratulations sa mga gising na ang kapangyarihan," pagbati ni sir sa amin at nagpalakpakan kami.
"Continue lang sa mga wala pang kapangyarihan. Hindi rin magtatagal at magigising na rin ang sa inyo. Siya nga pala, sa ating class president, kailangan mong mag meeting sa Saturday. Sa Conference Hall sa may west part ng campus. 8:00 am. Pumili ka lang ng makakasama mo," pagbabaling ni sir kay Lucian na tinanguan niya.
Si Lucian ang naging class president dahil sa boto ng mga kaklase namin. Si Lucius naman ang naging Vice-president.
Hindi ko nga alam kung bakit binoto ng mga kaklase ko si Lucius na maging vice sa kabila ng mala-hambog na awra niya.
"Dismiss." Agad naman na nagsialisan ang ilan sa classmates ko.
"Altair, mukhang hindi muna ako makakasabay sayo. May pupuntahan lang ako," pagpapaalam ni Lucas sa akin.
"Ayos lang." Nginitian ko siya.
Naging close na kami nitong si Lucas dahil nga sa magkapares kami sa training. Maamo at magaan sa pakiramdam kung siya ang kaharap ko. Yung dalawa niyang kambal, wala na akong pake. Di naman kami close.
"Ako rin Altair. Sasabay muna ako kay na Daphne para makapag usap kami about sa training dahil sa nag iinarte lang siya," biglang sulpot din ni Eunice sa tabi ko.
Tinanguan ko lang siya. Umalis na rin si Lucas na mukang nagmamadali.
"Okay lang?" Tanong ni Eunice.
"Oo naman," natatawa kong sagot sa kanya.
"Sige ha. Baka magtampo ka."
Natawa ako. Tapos nag paalam na kami sa isat-isa.
Pumunta ako sa cafeteria. Kakain muna ako. Pumwesto ako sa isang sulok.
Isusubo ko na sana ang pagkain ko ng may dumating na babae sa harapan ko dala-dala ang binili niyang pagkain.
"Hi. I'm Agatha from section 1-C. Pwede ba akong maki-share ng table? Wala na kasing ibang vacant," malumay na sabi niya.
Tumango naman ako. Kaya umupo siya agad na naka ngiti.
Maganda siya para sakin. Mahaba ang buhok niya na itim na umaabot halos sa bewang na naka pony tail. Maganda ang kanyang mga mata. Matangos ang ilong.
"Anong pangalan mo?" Tanong niya sakin.
"Altair from 1-A," sagot ko.
Ngumiti siya. "Ano ang kapangyarihan mo?" Sabay subo niya ng pagkain.
"Ahm... Di ko pa alam eh," pag aalangan ko.
"Ganun ba? Kasi ako fire."
Fire? Wala pa akong classmate na apoy ang kapangyarihan. Kasi ang karamihan lang sa kanila ay yung Emotion's letter. Yung mga letrang pumapalibot sa kanila.
"Wala kang ibang kasabay?" Tanong ko nang mapansin kong mag-isa siya.
"Wala. Di kasi ako napapansin dun sa room."
So, loner pala siya.
Kumain na kami. Friendly naman itong si Agatha.
"Aalis ka na?" Tanong niya ng nagpaalam na ako dahil tapos na akong kumain.
"Oo. Babalik na ako sa dorm."
"Teka. Sama na lang ako. Ayoko maiwan." Nagmadali siyang isubo ang pagkain niya at tumayo.
Natawa ako. "Ubusin mo muna kinakain mo. Wag mong madaliin. Oh sige, dito lang muna ako hanggang sa makatapos ka."
Umupo siya ulit at kinain ang natitirang pagkain niya. Nang matapos siya, saka kami sabay na lumabas ng cafeteria.
"Kung sakali na magigising na kapangyarihan mo, ano ang gusto mo?" Tanong niya bigla habang naglalakad kami.
Hmm. Ano nga ba? Parang gusto ko nung kidlat, pero parang gusto ko rin nung hangin, na parang mas gusto ko yung nakakapag-heal. Parang lahat gusto ko.
"Uhm... Wala akong maisip eh. Siguro kong ano lang ang bigay ng Diyos," sagot ko.
"Ahh.. Sana fire din para mag kasama tayo sa iisang army."
"Tek—" naputol ang itatanong ko sana kay Agatha ng may tumawag sakin.
"Altair!" Tumatakbong tawag sakin ni Eunice.
"Oh? Bakit ka tumatakbo?" Tanong ko ng makalapit na siya samin.
Hinabol niya muna ang hininga niya. "Tara na! May training daw ngayon sabi ni sir," aniya.
What?
"Pero diba katatapos pa lang kanina?"
"Malay ko kay sir. Hindi pa nga kami tapos mag-usap ni Daphne e."
Naman oh! Pagod ako at kakakain lang.
Napatingin naman si Eunice kay Agatha.
"Sino siya?" Pabulong na tanong ni Eunice sakin.
"Ah. Eunice, siya nga pala si Agatha. Agatha, siya si Eunice, roommate ko," pagpapakilala ko sa dalawa.
"Hi," nahihiyang bati ni Agatha kay Eunice.
Nag shakehands silang dalawa habang nakangiti sa isa't isa.
Nagpaalam na rin kami ni Eunice kay Agatha para pumunta sa training.
*****
BINABASA MO ANG
Elemental Gunji-teki Academy
Fantastik15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A story that all about magic. Magic that will truly exist here. Magic that controlled by Elemental Army. Elemental Army na binubuo ng tinatawa...