Chapter 13

9.6K 292 4
                                    

ALTAIR

Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad agad sa akin ang maliwanag na ilaw sa kisame. Gamit ang mga mata ko, chineck ko kung nasaan ako. Nasa clinic ako.

"Woah! Gising ka na! Salamat naman," kita ko sa mukha ni Eunice ang tuwa.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Nawalan ka ng malay kanina sa quadrangle."

Dahan-dahan akong umupo sa kama na hinihigaan ko at inalala ang mga nangyari kanina bago ako mawalan ng malay.

So, ganito: nainis ako kay Lucius tapos nagkaroon ng apoy sa paligid ko.

"Teka. Saan galing yung apoy kanina sa paligid ko?" Tanong ko kay Eunice nang maalala ko ang mga nangyari.

Natawa siya at umupo siya sa gilid ng kama.

"Wag kang magalala. Powers mo yun. Sayo galing yung apoy," aniya.

Napakurap lang ako. Mayamaya ay biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Lucas.

"Oh. Gising ka na pala, Altair," aniya at saka lumapit siya. "Dumaan ako rito para kumustahin ka."

"Ah. Ayos naman pakiramdam ko ngayon. Kagigising ko lang," sabi ko.

Ngumiti siya. "Mabuti naman kung ganun. Congratulations nga pala."

"Huh?"

"Gising na kapangyarihan mo," aniya.

Napatingin ako kay Eunice na nakangiti sa akin ngayon. At saka ako napatingin sa mga kamay ko.

"M-May kapangyarihan na ako?" Halos pabulong kong tanong sa sarili ko. "So, about sa apoy ang kapangyarihan ko."

"Yehey! Pareho na tayong may powers," masayang sabi ni Eunice.

Napangiti ako sa kaniya. Sa wakas! May kapangyarihan na ako! Hindi na ako maloloko sa kakaisip.

"Ngayon ko na realize na isa siguro sa mga rason kung bakit wala ka kanina sa mood ay dahil gumigising na ang kapangyarihan mo," ani Lucas.

Napatingin ako sa kaniya at naalala ang mga nangyari ulit.

Oo nga. Ang bilis kong naasar kanina at walang-wala ako sa mood.

"Baka nga. Lalo na't fire ang kakayahan ko," pagsang-ayon ko. "Pero teka nga! Si Lucius?" Tanong ko kay Lucas nang maalala ko na kasabay ko si Lucius sa pagtakbo nun.

Bahagyang natawa naman si Lucas sa tanong ko.

"Wag mo nang alalahanin yun. Nagkaroon lang siya ng mga kunting sugat pero ayos lang siya," sagot niya.

"Sugat?"

"Oo. Pero wag mo na alalahanin. Hindi naman malala."

Napatango na lang ako. Buti naman. Kahit nakakaasar yun, nag-aalala pa rin ako na may masaktan ako.

"By the way, 4:00pm na pala," biglang sabi ni Eunice.

"Huh?!" Gulat ko. Umaga kami nagtraining kanina e.

"Easy lang. Naubos kasi ang lakas mo kanina nung gumising na ang powers mo. Sobrang lakas ng apoy kanina. Diba, Lucas? Kahit yung teachers na kaugnay sa tubig ang powers, napapaatras sa tuwing lumalaki ang apoy," ani Eunice at tumango pa si Lucas.

Teka. Sa naaalala ko, may biglang mga tubig na parang sinasaboy papunta sa direksyon ko kanina. So it means na mga may kapangyarihan na kaugnay sa water ang may gawa nun? Wow. Kaso nagulat ako nun tapos lumaki pa yung liyab ng apoy.

Nanlaki ang mata ko at cheneck ko ang sarili ko nang may napagtanto ko.

"Oh? Bakit?" halos sabay na tanong nila Lucas a Eunice.

"K-kasi parang h-hindi ako nakaramdam ng init kanina nung m---" naputol ang sasabihin ko nang matawa si Eunice.

"Anong nakakatawa?" Taka kong tanong.

"Haha. Alam ko na iniisip mo. Huwag kang mag-alala, hindi ka nasaktan sa sarili mong powers," aniya. "Hindi ka na initan o nasunog kanina dahil sa powers mo nga iyon. Tsaka wag kang matakot baka biglang sumiklab apoy sa paligid mo."

Medyo kumalma ako.

Napalingon kaming tatlo sa may pintuan nang may biglang kumatok. Pumasok ang school nurse.

"Magandang hapon," bati nito sa amin. "Mabuti naman at gising ka na, Altair Chancelor. Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong nito at lumapit sa akin.

"Ayos lang po."

Cheneck niya ako at tahimik lang na naghihintay sila Lucas at Eunice.

"Mukhang maayos naman ang lahat sayo. Pwede ka nang makabalik sa dorm mo," sabi sa akin ng school nurse matapos niya akong macheck. "Doon mo na lang ituloy pagpapahinga mo."

Ngumiti ako at tumango. Pagkatapos ay iniwan niya ulit kami.

Inalalayan ako ni Lucas na makababa sa kama.

"So, balik na tayo sa dorm," nakangiting sabi sa akin ni Eunice.

Napatingin ako kay Lucas.

Inihatid kami ni Lucas sa labas ng clinic pagkatapos ay tumungo na siya sa ibang direksyon. Hahanapin pa niya raw si Lucius dahil wala raw sa dorm nila ang isang yun. Hindi niya alam kung saan napadpad ang kakambal niya. Tsk! Kawawang Lucas. Kung gaano siya kabait, kabaliktaran naman si Lucius.

"Sayang," biglang sambit ni Eunice nang nasa dorm na kami.

Nakaupo lang kami sa kama namin at nag papahinga na.

"Anong sayang?" Tanong ko.

"Hindi tayo magkapareho ng powers. Kaya hindi rin tayo magkapareho ng army," malungkot niyang sabi.

Oo nga. Gusto ko pa naman na magkapareho kami para hindi kami magkahiwalay.

"Ayos lang yan. At least may kapangyarihan na tayo," masigla kong sabi para hindi na siya malungkot.

Naging close ko na kasi siya. Siya at minsan si Lucas lang ang nakakasama rito na komportable ako.

Nagkaroon ng katahimikan sa amin.

"Dahil may kapangyarihan na tayo, ibig bang sabihin nito na mag-aaral na tayo ukol sa pagkontrol nito?" Basag ko sa katahimikan.

"Hmm. Siguro. Kasi mukhang ikaw na lang talaga ang nahuli sa paggising ng powers eh."

Ay. Ako na lang pala ang nahuhuli? Parang nakakahiya tuloy. Mala-special ako.

Napahawak ako sa ulo ko nang biglang kumirot ang ulo ko.

"Oh. Anong nangyayari sayo?" alalang tanong ni Eunice.

"Medyo sumakit lang ulo ko."

"Ganun ba? Uhm... Magpahinga ka lang muna. At saka may pasok pa tayo bukas."

Tumango lang ako at nahiga na.

Ipinikit ko na ang aking mga mata.

May kapangyarihan na ako. Tapos na ang mga araw na nagkakandaloko-loko ako sa kakaisip kung meron ba akong kapangyarihan o wala. Fire.

Ano naman kaya mangyayari sa susunod? Excited na akong matuto sa pag kontrol ng kapangyarihan ko.

*****

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon