ALTAIR
"Good morning," bati sa aming sampu ni Ma'am Aurora nang dumating na siya. "May nakalimutan akong sabihin kahapon. Magkakaroon kayo test."
"Test?" Halos sabay-sabay naming sambit.
Tumango si ma'am.
"Anong test ma'am? Yung may questionnaires? Yung may multiple choices?" Tanong ng lalaki kong kaklase.
"Hindi. Individual ang test. Bawat isa sa inyo, may kakalabaning isang Red Army."
Napatango kami.
"Tapos ano po mangyayari sunod?" Tanong ulit ng kaklase kong lalaki.
"Sa pamamagitan ng test na iyon, malalaman ang top 5."
"W-Wait. Top 5? Ibig sabihin... "
"Yup. Mula sa inyong sampu, may limang tatanggalin. At ang limang matitira, magpapatuloy sa training under sa akin. Sa limang matatanggal, babalik kayo sa dating guro niyo rito sa division at magpapatuloy sa training."
Nagkatinginan kaming sampu.
"At magaganap ang test niyo next week," ani ma'am.
"Luh."
"Next week agad?"
Biglang hinampas ni ma'am ang latigo niya sa damuhan kaya natahimik kami agad.
"Kumalma nga muna kayo. Higit isang buwan ang intense na training niyo sa Red Army Campus. Tapos kahapon sa training natin, alam kong kaya na ninyong lumaban. Na-ireport din na noong na-ambush kayo ay may ilang lumaban sa inyo sa Air Force. Alam ko na may sapat na kayong kaalaman sa pakikipaglaban ngunit kulang sa lakas ng loob.
"Sa natitirang araw bago ang naturang pagsusulit ninyo, gamitin niyo ang mga araw na iyan sa pagdevelop ng mga gagamitin niyong strategies at pag-build ng lakas ng loob sa pakikipaglaban. Alam niyo kasi, walang kwenta rin iyang kaalaman niyo sa pakikipaglaban kung takot din naman pala kayo sa kalaban. Para lang kayong nagbabasa niyan na hindi niyo naman iniintidi. Nagsasayang lang kayo ng oras.
"Alalahanin niyo rin na hindi lang kayo ang sampu na magiging Red Army, isa sa inyo ang magiging representative at commander balang araw. Kaya wag kayong basta-bastang chill and relax lang sa training. Seryosohin niyo ang bawat araw na pagtra-training."
"Yes, ma'am," sabay-sabay naming sagot.
Makapasok man ako sa top 5 o hindi, maging representative man ako o hindi, dapat magseryoso ako sa pagtra-training. Alam ko na kahit hindi man ako madala sa pinakamataas na posisyon, pagsasabihan pa rin ako ni papa na dapat magseryoso ako.
Tama. Dapat magseryoso ako sa training.
***
Focus lang kaming sampu sa naging training namin maghapon. Nang matapos kami ngayong araw, deritso na kami sa aming dorm. Pare-pareho kaming mga pagod.
Nang makauwi na ako, deritso ako sa pagpapalit ng damit at sumalampa sa kama ko.
"Kumusta araw mo, Altair?" Pangungumusta ni Eunice na nakaupo sa kaniyang kama.
"Okay lang na nakakapagod," sagot ko. "Ikaw?"
"Yiee. Heto na nga. May ichi-chika ako sayo. Ano kasi... Yiee. Kinikilig ako."
Napalingon ako sa kaniya. Napangiti ako dahil kita ko na kilig na kilig siya.
"May crush ako. Uhm... Kanina ko lang siya napansin. Ang gwapo niya."
EUNICE
"So yun. Nakita ko siya kaninang umaga, nagkabangga kami, dun ko lang napansin ang gwapo niya pala. Yiee. Alam mo, Altair, insp---" napahinto ako sa pagke-kwento nang lumingon ako sa gawi ni Altair at nakita kong tulog na siya.
"Tinulugan mo ko?" Tanong ko sa kaniya.
Walang imik, mahimbing lang siyang natutulog.
Tinulogan ako ng babaeng to. Kaya pala wala nang may sumasagot sa kwento ko. Pambihira talaga.
Sayang lang tuloy mga sinabi ko.
Tinitigan ko si Altair. Siguro ay pagod na pagod talaga siya. Paniguradong talagang intense ang training nila sa division nila. Maski sa division namin ay nakikita ko ang top 10 sa amin na mas mahirap training nila.
Napailing na lang ako.
Bukas ko na lang ikwento ulit.
"Goodnight, Altair. Sleep well," sabi ko at saka humiga na ako sa kama ko para matulog.
*****
BINABASA MO ANG
Elemental Gunji-teki Academy
Fantasy15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A story that all about magic. Magic that will truly exist here. Magic that controlled by Elemental Army. Elemental Army na binubuo ng tinatawa...