ALTAIR
Kabang-kaba na ako ngayon habang nakaharap sa salamin. Ready na ready na ako. Tinitingnan ko ang sarili ko na may pinaghalo-halong nararamdaman. Excited at the same time kinakabahan.
"Uy! Tara na. Baka malate ka!" Bigla akong hinatak ni Eunice palabas na ng dorm namin.
"Aray ko ha. Mas excited ka ata kaysa sa akin?" Tanong ko sa kanya.
"Aba syempre! Lalaban ka na kaya excited na ako. Tsaka dapat galingan mo ha," aniya sabay pulot ng katana ko at saka huminto sa tapat ng pinto ng dorm namin para i-lock niya.
Natawa na lang ako. "Oo naman. Gagalingan ko."
"Oh sya! Tara na nga."
Lumabas na kami ng building at deritso na sa trainee section. Nagderi-deritso kami hanggang sa may pinakahuling division. May isang malaking gate dito. Nakabukas na siya. Pumasok kami.
Bumungad samin sa loob ang arena. Nasa may pinakataas kami ng mga upuan ng mga audience. Nasa baba at nasa gitna ng napapalibutang audience ang pinaka stage. Siguro dun kami magtatanghal. Nakakalula ang luwag ng arena.
Pansin ko na marami nang mga estudyante ang nandito. May mga teachers na rin.
Hindi na kami makapagsalita at manghang-mangha kaming dalawa sa nakikita namin. Totoo nga. May arena nga rito. Sobrang luwag pa.
"Excuse me?" Napalingon kami ni Eunice dun sa nagsalita. Isang lalaki na siguro ay mga nasa 30s siya. "Ahm... Diba ikaw si Altair Chancelor? Isa sa mga kalahok?" Tanong nung lalaki sakin.
Tumango lang ako dahil hindi pa ako makapagsalita.
"Oh. Sumama ka sa akin. Kailangan na magtipon-tipon ang mga kalahok para sa nalalapit na pagsisimula ng seremonya."
Bigla akong natauhan.
Liningon ko si Eunice. Ngumiti siya sakin. "Basta ha. Galingan mo. Iche-cheer kita dito," sabi niya sabay abot sa akin ang katana ko na kanina pa niya dala-dala.
Ngumiti ako sa kaniya at kinuha ang katana ko.
Nagpaalam na ako sa kanya at sumunod dun sa lalaki. Dumeritso kami sa isang room. Dumaan kami sa isang hagdan na pababa. Hanggang sa pumasok na kami sa isang may double door na silid na mag nakapaskil sa itaas ng pinto na "RED ARMY DIVISION".
"Altair!" Bungad sakin ni Agatha na nandito na sa silid. Nandito na rin yung tatlo pang lalaki sa amin.
"O sya. Maghanda na kayo dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang seremonya," paalala sa amin nung lalaki.
Umupo lang ako sa couch. Habang yung iba ko pang kaklase, nag i-stretch. Talagang naghahanda sila. Hindi rin naman kasi ako makapag stretch-stretch dahil kinakabahan ako at baka mapagod lang ako imbes na magipon ng lakas para mamaya.
Ilang sandali ang lumipas, nababagot na ako dito kaya lumabas muna ako ng silid. Pero hindi ako lumayo. Hanggang sa labas lang ako ng pinto. Baka magsimula na eh.
"Psst!" Napalingon naman ako sa may kaliwa ko. Si Lucas. Nasa may kabilang pinto siya ng silid. Alam kong siya yan dahil nakapaskil sa itaas ng pinto don na "GREEN ARMY DIVISION".
Lumapit siya sakin. "Kumusta?"
"Heto, ki-kinakabahan," sagot ko.
"Ako rin. Kinakabahan na rin ako," nakangiti niyang sabi.
"Ikaw? Kinakabahan? Parang hindi naman. Nakakangiti ka pa nga e."
"Ngiting kinakabahan mismo. Sya nga pala, nasaan na mga kasabay mo sa top 5?"
BINABASA MO ANG
Elemental Gunji-teki Academy
Fantasy15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A story that all about magic. Magic that will truly exist here. Magic that controlled by Elemental Army. Elemental Army na binubuo ng tinatawa...