Chapter 54

6K 172 15
                                    

ALTAIR

Nakatayo sa aming harapan ngayon ang sampung lalaking Red Army na medyo may kalakihang katawan. May mga hawak silang papel at bawat isa ay may nakasulat na numero. 1 hanggang 10.

Sa gitna naman ng plaza, mayroong nakamarkang malaking bilog. Nakaupo naman sa isang tabi ang iba naming ka-division na hindi kasali sa top 10. Wala silang training ngayon at magsisilbi silang audience. Habang ang apat na guro naman ay nakaupo sa kani-kanilang upuan at may table bawat isa. May isa pang table na may mga nakalagay na bagay kagaya ng pito, maliit na orasan at iba pa. May upuan rin na walang nakaupo. May sapat na distansiya sila mula sa markang bilog sa plaza habang nakaharap dito.

Napahawak ako sa dibdib ko. Kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung makakampante ba ako o hindi sa naging paghahanda ko para sa test namin ngayon.

Tumayo si Ma'am Aurora sa gitna ng nakamarkang bilog sa gitna ng plaza.

"Magandang umaga sa inyong lahat!" Bati niya.

"Magandang umaga, ma'am," halos sabay-sabay na sagot ng ka-division namin na hindi kasali sa top 10. Halos hindi na kami umimik na sampu dahil pare-parehong kabado.

"Ngayong araw ay ang nakatakdang araw para sa pagsusulit ng ating sampung estudyante na pagmumulan ng magiging representative natin. Sasalang ang sampung estudyanteng napili sa pagsusulit upang makaabante sa top 5. Kaya sa kanilang sampu, lima ang matatanggal at lima ang magpapatuloy sa training para maging representative."

Nagpalakpakan ang mga kadivision namin habang nakangiti.

Humarap sa amin si ma'am. "Heto ang magiging pagsusulit ninyong sampu:"

Napahawak bigla si Agatha sa kanang kamay ko. Nanlalamig ang kamay niya.

Kinuha ni Ma'am Aurora sa bakanteng table ang isang pabilog at transparent na lalagyan. May laman itong naka-roll na mga papel. "Bubunot kayo rito. Mga numero mula 1 hanggang 10 ang nakasulat sa mga papel para sa pagkakasunod-sunod ninyo. At ang sampung male Red Army naman ay ang inyong makakalaban base sa mabubunot niyong numero."

"M-Makakalaban? S-Sila?" Kabadong tanong ng isa sa aming sampu.

Tumango si Ma'am Aurora. "Yeah. Ang pagsusulit na ito ay susukatin kung gaano kayo kaliksi, kalakas, at kung paano ang mga estratehiya ninyo sa pakikipaglaban. Sa loob ng labing limang minuto, ang kailangan niyo lang ay ang kalabanin ang isang Red Army at mapalabas siya sa markang bilog."

Napalingon kami sa gitna ng plaza kung saan makikita ang malaking bilog na marka.

"Napalabas man ninyo ang kalaban niyo sa loob ng bilog o hindi, kapag naubos na ang labing limang minuto, automatic nang ihihinto ang laban. Ngunit kung kayo naman ang mapalabas sa bilog, well, bawas points iyon at automatic din na ihihinto ang laban."

Shemay. Ang lakas ng kabog ng puso ko.

"Dalawang parte ang laban ninyo. Una: 15 minutes na laban without using any weapons. Sariling lakas, kapangyarihan, at diskarte niyo ang gamit dito. Pangalawa: 15 minutes din na laban ngunit gamit na ninyo ang inyong sandata. Sa pagitan ng dalawang parte ng pagsusulit, bibigyan kayo ng limang minuto para makabawi ng kunting lakas. In total, 35 minutes ang maximum na nakalaang oras bawat isa sa inyo. Maliwanag?"

"Yes, ma'am."

"Good. Ngayon naman ay nais kong sabihin na lima ang inyong magiging hurado. Ang apat na guro ninyo rito sa division na sila Ma'am Victoria, Ma'am Loida, Sir Leo, Sir Nelson---actually, alam kong kilala niyo sila. At ang pang-lima ay ako. So, may angal?"

Umiling kaming sampu.

"Mayroon din tayong kasamang limang Medication Army para sa kung sakali man ay kailangan."

Napalingon kami sa limang Medication Army na nakaupo malapit sa mga guro namin.

Shemay. Mukhang talagang bugbugan ang test namin.

"Oh sya. Alam kong kabado na kayo ngayon. Isantabi niyo muna ang mga sandata ninyo at bumunot na kayo rito."

Agad naming linagay sa designated na lalagyan ang mga sandata namin at saka lumapit kay ma'am para bumunot. Nang makabunot na ako, dahan-dahan kong tiningnan kung ano ang nakuha kong numero. Nang makita ko na, napabuntonghinga ako.

Lumapit sa akin si Agatha. "Anong number nabunot mo?"

"Uh. 1," sagot ko. "Ikaw?"

"10. Ibig sabihin, ikaw mauuna sa ating sampu."

Napatango na lang ako. Shemay. Ang malas. Bakit ako pa ang nakabunot ng 1? Huhu.

Hinawakan niya ako sa balikat ko. "Kaya mo yan, okay? Kaya natin to."

Napangiti ako sa sinabi niya pero sobrang kabado pa rin ako.

"Lahat na ba ay nakabunot?" Biglang tanong ni ma'am.

"Yes, ma'am."

"Kung ganun, sino ang nakabunot nang 1?"

Dahan-dahan akong nagtaas ng kamay.

"Ikaw, Altair?" Tanong sakin ni ma'am.

Tumango lang ako dahil hindi na ako halos makasalita sa sobrang kaba.

Liningon ni ma'am ang lalaking Red Army na may numerong 1 at saka sinenyasan ito. Tumango ang lalaking Red Army at saka tumayo sa loob ng markang bilog sa plaza.

"Ngayon, nais ko munang umupo sa isang tabi ang mga magta-take ng pagsusulit maliban kay Altair. Ikaw naman, Altair, pumunta ka na sa gitna upang makapagsimula na."

Tumango ako kay ma'am at saka tumungo na sa loob ng markang bilog na may saktong luwag para sa laban.

Nagpalakpakan ang mga kadivision namin na nanonood.

"Wohoo! Go, Altair!"

Napalingon ako sa kung sino man ang sumigaw. Si Ryoran. "Go, Altair. Go, Altair. Go, Altair," paulit-ulit niyang sambit habang nakangiti. Siya lang halos ang ganon kaingay. Napangiti na lang ako.

"Pumwesto na," biglang utos ni Ma'am Aurora sa amin ng lalaking Red Army kaya agad kaming dumistansya sa isa't isa habang nasa loob ng bilog. "Nasabi ko na sa inyo kung paano ang pagsusulit. Humanda!"

Nagkakatitigan lang kami ngayon ng lalaking Red Army na kakalabanin ko. Ang seryoso niya. Parang hindi ko siya kayang matalo. Aish! Kaya ko to. Kakayanin ko.

Tiningnan ni ma'am ang hawak na niya ngayong maliit na orasan. "You're 15 minutes starts now!" Kasabay nito ang paghampas niya sa kaniyang latigo sa damuhan.

Naging tahimik na rin ang mga kadivision namin.

Dahan-dahan na nag-pose ng tila handa nang umatake ang lalaking Red Army habang deritsong nakatingin sa akin.

Huminga ulit ako ng malalim upang ihanda na rin ang sarili ko.

*****

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon