Chapter 47

6.4K 187 0
                                    

ALTAIR

Kinabukasan...

"Altair," biglang tawag sa akin ni Eunice.

"Hmm?" Nakasubsob lang ako sa kama ko.

"Nagugutom ka ba?"

Tumihaya muna ako bago sumagot. "Parang hindi."

"Ako kasi oo."

"Diba kumain ka pa lang?"

"Hindi ako nabusog e. Hehe."

Napangiti ako sa kaniya.

"Tara sa cafeteria," yaya niya.

"Tinatamad pa akong lumabas."

"Sus. Lalo ka talagang niyang tatamarin niyan dahil kanina ka pa nakasubsob diyan sa higaan mo. Kailangan mo rin lumabas-labas para makalanghap ng fresh air."

Bumuntonghinga lang ako.

"Altair, alam kong tila wala kang gana sa lahat dahil nangyari sa papa mo," bigla siyang nagseryoso. "Pero hindi mo kailangan na palagi ka lang na nakasubsob diyan. Mas lalo ka lang mahihirapan niyan dahil wala kang ibang iniisip kundi ang nangyari. Magpapaulit-ulit lang sakit."

Napatingin ako ng deritso sa kisame. May point si Eunice.

Tumayo si Eunice sa kaniyang kama at saka lumapit sa akin.

"Altair, sige na. Tara na sa cafeteria."

Tiningnan ko lang siya.

Ngumiti siya. "Yiee. Alam kong um-oo ka na. Tara na kasi." Marahan niyang hinila isa kong kamay. "Bumangon ka na diyan. Tara na."

"Oo na. Heto na."

"Yehey!"

Bumangon ako at kumuha ng jacket at saka isinuot. Then agad akong hinila ni Eunice palabas. Nagpahila lang ako sa kanya.

Wala akong gana ngayon. Maliban sa trahedyang nangyari, dagdag sa nakakawalang gana ay ang inasal kahapon ni Lucius.

Nakasunod lang ako kay Eunice habang papunta kaming cafeteria. Nang malapit na kami sa cafeteria nakita kong may karamihan ang mga estudyanteng naroon.

Huminto muna sa paglalakad si Eunice at hinarap ako.

"Ano nga pala kakainin natin?" Tanong niya sa akin.

Nagkibit balikat ako. "Kung anong meron sa cafeteria. Pili ka."

"Ay? E ikaw?"

"Edi ipili mo rin ako," natatawa kong sagot.

Magsasalita ulit si Eunice nang biglang may nagflash na mga holograms sa ere. May sapat na lapad ang mga ito na saktong makikita ng lahat at nakakalat ang mga ito sa iba't ibang area at anggulo.

"Woah! Eunice! M-meron din niyan rito?" Tanong ko kay Eunice habang nakatingala sa mga holograms.

"Ang cool no? Upgraded na ang campus natin. Yan na ang technology dito. Kung sakali man na mayroong announcement, mag-aappear na lang na mga holograms sa iba't ibang bahagi ng EGA tapos magpapakita diyan ang mga nagsasalita para mag-announce at kung ano ano pa. Na shock nga ako nung unang beses ko yang makita nitong nakaraang araw e," aniya.

Ow. So hindi lang talaga ako yung nakakakita nung hologram na nasa kwarto. Buong campus na pala yun.

Mayamaya pa ay nagflash ang mga letra sa holograms. Natigilan naman ang ibang studyante na nalalakad-lakad rito at napatingin sa holograms.

Binasa namin ni Eunice ang mga naka-flash na salita---oh! Mga pangalan pala.

GREEN ARMY

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon