Chapter 59

5.9K 178 10
                                    

ALTAIR

Ala-una na.

Bumalik na kami da division. Sa loob ng building ng Red Army Division. Ang hall. Nandito rin ang ibang estudyante.

"Form a straight line," utos ni ma'am at sinunod naman naming sampu na sumalang sa pagsusulit.

"Harap sa kaliwa!" Utos ulit ni ma'am kaya sabay-sabay kaming humarap sa kaliwa. Ngayon, nakaharap na kami sa stage. Nasa paligid namin ang iba pang estudyante dito sa Red Army Division. Nasa stage naman ang mga teachers.

"Kaninang umaga ay sumalang na ang top 10 students natin sa pagsusulit. Ngayon naman ay iaanunsiyo na namin ang mga pasok sa top 5. At sa nakailang ulit ko nang sinabi, ang top 5 na ito ay magpapatuloy sa pagsasanay under sa akin para sa pagiging representative ng Red Army. Ang mga hindi papalarin ay babalik sa kaniyang mga guro rito sa division at magpapatuloy pa rin sa pagsasanay kasama ang ibang studyante."

Napatango ang karamihan sa amin.

Bigla akong kinabahan.

"Kanina sa laban, may dalawang napalabas ng marka ngunit bumawi sila sa ikalawa niyang laban. May isa namang naubusan ng oras sa unang laban niya ngunit bumawi rin sa ikalawa niyang laban. Magaling. Kung natalo man sa una, ginawa niyo naman ang lahat sa pangalawang pagkakataon para makabawi rin. Kaya ngayon, sisimulan ko na ang pagtawag sa top 5." Nagkaroon ng katahimikan ang lahat at hinihintay ang pagsisimula ni ma'am.

Nakita ko sa peripheral view ko sa may kanan si Ryoran. Nilingon ko siya dun. Nag thumbs up siya sa akin. Ngumiti lang ako at muling ibinaling ang atensyon ko sa stage. Gusto ko sanang lingunin si Agatha kaso nasa kabilang dulo siya ng line namin dahil naka-order kami kung sino ang una hanggang sa panghuling lumaban.

"So, heto na. Ang limang studyante na pasok sa top 5 ay sila..."

Grabe! Kinakabahan ako.

"Kian." Ang unang tinawag ni Ma'am Aurora.

Pumalakpak kami habang umaakyat sa stage si Kian.

"Xander."

"Danilo."

Bawat pangalan na binabanggit ni ma'am ay pinapalakpakan namin at umaakyat naman sa stage ang mga nababanggit na pangalan.

"Agatha."

Nakangiting umakyat si Agatha sa stage. Anim na lang kami na natitira rito sa baba.

Pawala na ang kaba ko kasabay nito ang pawala na ring pag-asa ko na madala sa top 5.

Ayoko na lang mag-assume pa. Masasaktan lang ako niyan.

"At si... Altair."

Narinig ko ang palakpakan ng mga kadivision ko habang ako, sandaling tila nablanko ang isip. Pero agad din namang nakabawi.

Napangiti ako at saka umakyat sa stage. Tumayo ako sa tabi ni Agatha.

"Sila ang top 5 natin dito sa Red Army Division."

Nagpalakpakan ang lahat. Habang kaming lima ay hindi mapigilan ang ngiti.

"Magtra-training ang top 5 natin simula bukas upang sa Martes, next week, ay magtanghal na kung sino man ang karapatdapat na maging representative at maging Commander sa susunod na panahon."

"Ha?!" Halos sabay-sabay pa kaming mga estudyante sa sinabi ni ma'am. Seryoso? Next week sa Martes na? Ang ikli ng oras! Ang bilis.

"Bakit? Magrereklamo kayo?" Tumaas ang kanang kilay ni ma'am at humarap sa aming top 5. Hindi kami nakasagot. "Alam niyo, bilang isang commander---dahil isa naman sa inyo ang magiging representative at commander balang araw---dapat hindi kayo basta-basta nasisindak sa ikli ng panahon. Dapat nga ginagamit niyo iyan para mas magpursigi hanggang sa makaabot kayo sa deadline. Dapat aktibo kayo. Sinabihan ko na kayo na huwag kayo aasa basta-basta sa tagal ng oras."

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon