ALTAIR
Nagising ako bigla. Madilim pa ang paligid. Nilingon ko si Eunice sa may kama niya. Mahimbing siyang natutulog.
Kinapa ko ang phone ko sa may side table at tiningnan ang oras. 12:00am.
Lumingon naman ako sa may bintana. Napabalikwas naman ako nang upo sa kama ko dahil sa gulat. May pigura ng isang lalaki ang nakatayo sa may bintana. Nakatalikod siya sakin.
"Sino ka?" Mahina kong tanong. Medyo inaantok pa kasi ako.
Humarap siya sakin. Kaso hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya. Madilim kasi. "Lucius," sabi ng lalaki.
Napababa ako sa kama ko. "A-anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.
"Psh," tanging narinig ko sa kanya tapos naglaho siya bigla sa dilim.
Anong ginagawa nun dito? Tsk. Ang sungit parin niya.
Napa-upo naman ako sa kama. Galit pa rin siya sakin.
"Altair, ayos ka lang?" Biglang tanong ni Eunice. Nagising ko ba siya?
"O-Oo. Kukuha lang ako ng tubig. Nauuhaw kasi ako," palusot ko.
***
Papunta na ako ngayon sa Trainee Section. May training ngayon kahit Sabado dahil sa walang training kahapon sa pagpunta ng mga commanders dito sa academy. Wala na rito ang mga commander. Ngayon, balik kami sa dati.
As usual, naiinip si Eunice sakin dahil maaga raw akong pumapasok. Eh wala naman akong magagawa.
Pagkapasok ko sa Trainee Section, sakto namang may tumawag sa pangalan ko. Kaya nilingon ko kung sino. Si Lucas pala. Alam ko kasi na siya yun. Nakangiti eh. Tsaka hindi na ako nag a-assume na si Lucius yan dahil siguro hanggang ngayon, galit pa rin yun sakin.
"Sabay na lang tayo," aniya na tinanguan ko. Tapos sabay na kaming naglakad papunta sa division namin.
Tahimik lang kaming naglalakad. Inaantok pa kasi ako. Hindi ako nakatulog kanina dahil kay Lucius.
And speaking of Lucius, naalala ko siya nung magtapat raw siya sakin tapos pinagtawanan ko. Paano ko hindi maiwasang hindi maalala, eh magkamukha sila nitong si Lucas at nagui-guilty ako.
"Naaalala mo si Lucius no?" Biglang tanong ni Lucas habang naglalakad kami.
"Huh?"
Liningon niya ako. "Kanina ka pa tingin ng tingin sakin at kanina ka pa nagbu-buntonghininga.”
Napaiwas ako ng tingin sa kanya. "Eh nasaan ba si Lucius? Galit pa rin ba?"
"Hmm. Hindi ko alam."
Napalingon ulit ako sa kaniya.
"Eh kasi nung pagkabalik ko sa dorm, nandoon na siya pero tulog. Nung paggising ko naman kanina, saktong paalis na siya para pumasok na sa division niya."
Nanlumo naman ako sa sinabi niya. Sa tingin ko, galit pa rin yun.
"Pero huwag kang mag-alala. Magkakausap rin kayo at mawawala rin yung tampo nun," nakangiting sabi ni Lucas.
Tsk. Bakit ba kasi ako naging tanga sa time na yun? Bakit ko pa kasi pinagtawanan siya? Aish! Akala ko kasi talaga bumabawi lang siya sa pang-aasar.
Naging tahimik lang kami hanggang sa nasa tapat na kami ng Green Army Division.
Huminto muna kami. Tapos humarap siya sakin. "Ang tamlay mo ngayon. Maliban kay Lucius, may iba ka pa bang prinoproblema?" Tanong niya.
"Ah. Inaantok lang. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos."
BINABASA MO ANG
Elemental Gunji-teki Academy
Fantasy15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A story that all about magic. Magic that will truly exist here. Magic that controlled by Elemental Army. Elemental Army na binubuo ng tinatawa...