ALTAIR
"Ang galing ng kapangyarihan mo, Altair!"
"Ikaw lang ang fire dito sa section natin."
"Astig."
Ilan yan sa sumalubong sakin dito sa classroom. "Salamat," nakangiti ko lang na tugon sa kanilang mga komento.
"Hahaha. Tuwang-tuwa kasi sila ng malaman na magic mo pala yun," paliwanang sakin ni Eunice ng makaupo na kami sa seat namin.
Hindi ko mapigilang ngumiti. Nakakatuwa.
"Kumusta pakiramdam mo?" Tanong ni Lucas na nasa kaliwa ko lang.
"Okay lang. Nagkaroon kasi ako ng sapat na pahinga," sagot ko sabay ngiti sa kanya.
"Tsk!" Napalingon naman ako sa gawi ni Lucius.
Nakatingin siya sakin ng masama. May mga band aid sa mukha niya.
Ginantihan ko rin siya ng masamang tingin. Sa totoo lang, parang automatic na lang ang reaction ko.
"Tss. Pasalamat ka nga sakin, Miss Altair dahil kung hindi kita ininis kahapon marahil ay wala ka pang kapangyarihan ngayon," biglang sabi ni Lucius.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Oo nga no? Dahil sa inis ko sa kanya, gumising ang kapangyarihan ko kahapon.
"Edi salamat." Nahihiya kong sabi.
Ngumiti siya. "You're welcome, Miss Altair," aniya at parang may pang-aasar ang tono niya.
Napairap na lang ako. Tsk! Sana na lechon na lang siya.
Biglang dumating si Sir Aaron. "Class, listen. Okay. Kahapon ay nakompleto na ang freshmen sa paggising ng kanilang kapangyarihan," pagsisimula ni sir.
"Kompleto na ang freshmen? It means na all in all na ay may kapangyarihan na?" Paninigurado ni Daphne.
"Oo. Kasabay sa paggising ng kapangyarihan ni Altair, nagising rin ang kapangyarihan ng ilan pang natitirang estudyante. Kaya napagpasyahan na ng principal na turuan na kayo sa pag kontrol nito --- na siyang nasa ikalawang taon ito itinuturo. Pero dahil sa mabilis ang paggising ng inyong kapangyarihan, mapapaaga ang pagsisimula niyo ng pag-aaral sa pagkontrol nito."
Napuno ng kasiyahan ang classroom namin nang marinig namin yun mula kay sir.
"Yiiee. Excited na ako," rinig kong sabi ni Eunice.
Excited din ako kaso nga lang hindi ko rin maiwasan na kabahan.
"Ngunit bago kayo mag-aral sa pagkontrol ng inyong kapangyarihan, kailangan niyo munang maghiwa-hiwalay," putol ni sir sa kasiyahan namin.
"Huh? Bakit?" halos sabay-sabay na tanong ng mga kaklase ko kay sir.
"Maa-under kayo sa mga advisers ng second year dito sa academy. Sa mga advisers na kapareho mismo ng inyong kapangyarihan para maturuan kayo ng mabuti at para makapag-concentrate kayo sa sarili. Para na rin makilala niyo ang ilan pang studyante rito na may kapangyarihan na kagaya sa inyo," paliwanag ni sir.
Nagpatango-tango kami.
"Sa ngayon, mas makakabuti kung magpapahinga muna kayo. Bukas ay magsisimula na kayo agad sa pag-aaral sa pagkontrol ng inyong mga kakayahan," pagpapatuloy ni sir.
"Hala sir! Bukas na? Eh hindi po namin alam kung sino ang magiging adviser namin at hindi po namin alam kung saan ang magiging room namin eh," reklamo ni Klein.
"Wag kayong mag-alala. Mamaya ay may magbibigay sa inyo ng liham at mapa. Gamit nun, magagawa niyo nang mapuntahan ang magiging respective classrooms at magiging adviser niyo."
Napangiti ang karamihan at bakas sa kanila ang pagka-excited.
"May tanong pa ba? Kung wala na, dismiss," sabi ni sir.
Kinalabit ako ni Eunice.
"Altair, hindi na tayo mag-classmate simula bukas," malungkot niyang sabi.
Natawa ako sa sinabi niya. "Ano ka ba! Dorm mate naman tayo eh. Tsaka, hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko na araw-araw mong nakikita?" Pagbibiro ko.
Biglang tumikhim si Lucas kaya napalingon kami pareho ni Eunice sa kaniya.
"Mauna na ako sa inyo," paalam niya.
Tumango kaming pareho ni Eunice.
"Balik na rin kayo sa dorm niyo. Sulitin niyo na rin oras ninyo dahil paniguradong hindi kagaya ng pinapagawa sa atin ni Sir Aaron ang training simula bukas. Hindi puro takbo sa quadrangle, push up at kung ano-ano pa," natatawa pang dagdag ni Lucas.
THIRD PERSON
Sa kabilang banda, nagpupulong naman ang mga sinasabing commanders ng bawat army kasama ang heneral ng buong Elemental Army.
"General Lorcan, nalaman namin na kinuha na ni Commander Hideo ang mga estudyante na under sa Royal army ang kapangyarihan," pag-uulat ng isang commander. "Nais din sana namin na kunin ang mga estudyante para para mas masiguro namin ang kaligtasan nila."
"Hmm... Yan ang wag niyo munang gawin dahil kapag ginawa niyo iyon, mas magiging pursigido ang Air Force na masaktan ang nga estudyante kung malalaman nila na tayo'y nababahala para sa mga kabataan. Kapag nakikita kasi nila na ang isa sa mga kahinaan natin, mas lalo nilang tatargetin ito," sabi ng matandang lalaki na may mahabang begote. "Kaya sa ngayon, mas makakabuti kung ikukubli muna natin ang ating pagkabahala para sa mga kabataan hangga't maaari upang isipin ng Air Force na walang kabuluhan ang naplaplanohan nilang kasamaan sa mga estudyante at lubayan nila ito."
"Ngunit kakagat kaya sila sa pagpretend natin na hindi tayo nababahala para sa kabataan?" Tanong ng isang commander na babae.
Napabuntonghinga na lang ang pinakamatanda sa kanilang pulong. "Sana."
Kahit na labing-apat pa ang army group sa Elemental Army, hindi pa rin maikakaila na maaaring mas malakas ang Air Force ngayon sapagkat gumagamit sila black magic.
*****
BINABASA MO ANG
Elemental Gunji-teki Academy
Fantasy15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A story that all about magic. Magic that will truly exist here. Magic that controlled by Elemental Army. Elemental Army na binubuo ng tinatawa...