ALTAIR
Makalipas ang ilang araw, heto't balik na kaming lahat sa training sa bawat division. Sabay kaming pumasok sa Trainee Section ni Eunice. Nagkasabay kami since hindi binuksan ang trainee section hangga't hindi pa inaanunsyo na pinapapasok na kaming mga estudyante. Kaya marami kaming nakakasabay ngayon na mga estudyante papasok. Hindi rin namin dala ang mga sandata namin.
Speaking of, may sandata na rin sila Eunice. Dagger ang pinili niya kaso hindi pa sila nakakapagsimula sa pagtrai-training kung paano gumamit ng sandatang pinili nila. Bago kasi sila umalis sa Crystal Army Campus, pinapili sila ng sandata nila. Yun ang pinaka-huling activity nila doon bago bumalik dito.
Ay wait. Si Ma'am Victoria na ba ulit magtra-training sa amin sa Red Army Division? Ah siguro since nandito na kami sa academy.
Nang magkahiwalay na kami ni Eunice para pumunta sa aming division, medyo nagdahan-dahan ako sa paglalakad at pinagmasdan ang paligid.
May mga pagbabago rito. Lalo na sa mga pader ng bawat division.
Hindi na siya gaya noon na halos hanggang bewang ko lang. Ngayon ay matataas na. Hindi mo na makikita ang building ng bawat division. Malalaman mo na lang na ibang division na dahil sa kulay ng pader at may mga flag din sa boarder ng division na kasing kulay ng renere-presentang army group. Ang flag ay may simbolo at pangalan ng isang army group.
May malaking double door din bilang gate. Halos lahat ng mga nadadaanan ko ay bukas ang mga ito.
Maliban sa isang division---ang Royal Army Division. Kulay abo ang ng pader nito at nakasara ang double huge door. Aish! English.
Naalala ko bigla si Lucian---yung araw na nandito sila at kinomfort niya ako.
"Hey!"
Medyo nagulat ako nang may biglang humawak sa isa kong balikat. Nang lingunin ko, isa siya sa mga Imperial.
Si Lucas 'to for sure dahil nakangiti. Shems. Nakakamiss ngiti niya.
"Lucas," sambit ko at hinarap siya.
"Namiss kita," nakangiti niyang sabi.
"Namiss din kita. Lalo na 'yang ngiti mo."
Mas lalo siyang ngumiti ngunit nagseryoso rin siya kalaunan.
"Uhm. Condolence nga pala," aniya.
Napawi ang ngiti ko at marahang tumango lang.
"Pasensiya na kung hindi kita nabisita nitong mga nakaraang araw."
"Ano ka ba. Ayos lang."
Bumuntonghinga siya. "Mga ilang araw kitang hindi nakita matapos ang nangyaring ambush sa inyo. Nang tinanong ko si Eunice, hindi ka pa raw dumadating sa dorm niyo. Nang pumunta ako sa clinic, kaka-alis mo lang."
"Sabi ko pa nga kanina, ayos lang. Tsaka ayos na ako."
"Sure ka? Sure kang ayos ka lang?"
Tumango ako. "Siguro ngayon mukhang hindi pero magiging maayos din ako."
Lumapit pa siya sa akin at yinakap niya ako. Medyo nabigla ako ngunit pinabayaan ko lang siya.
"Basta nandito lang ako at ang mga kaibigan mo," aniya habang nakayakap sa akin.
Napangiti ako. "Salamat." At yinakap ko rin siya.
Biglang sumagi sa isip ko ang last time na nakausap ko si Lucian. Ang time na yinakap niya rin ako. Aish! Bakit biglang sumagi sa isip ko yun? Si Lucas naman ito e. Tsk.
Biglang may umubo malapit sa amin kaya tiningnan ko kung sino. Si Ryoran. Nakatingin siya sa amin ni Lucas.
Shemay.
Nataranta ako kaya bigla kong naitulak Lucas.
"Uhm... Sorry. Mukhang naabala ko kayo," ani Ryoran at napaiwas ng tingin.
"Aray," rinig kong daing ni Lucas. Nang liningon ko siya, nakaupo siya sa lupa. Naku! Napalakas ko ata pagkakatulak sa kanya.
"Ay sorry, sorry, sorry." Agad ko siyang tinulungan na bumangon.
"Uhm... M-Mauna na ako. Bye!" Nahihiya kong paalam kay Lucas nang nakabangon na siya at agad na tumalikod sa kanya.
Nagmadali akong makalayo roon.
Shems.
Hindi na ako lumingon-lingon. Talagang dumeritso ako papunta sa division ko. Nakakahiya. Ano na lang iisipin ni Ryoran? Luh.
Nang makarating ako sa tapat ng division ko, nakabukas na ang malaking double door nito. Tiningnan ko ang mga flag na makikita rito na may kulay ng Red Army at simbolo.
Napalingon ako sa papalapit sa akin. Si Ryoran. Tumingon ako sa bandang unahan pa. Hindi ko na makita si Lucas. Mukhang pumasok na sa division niya.
Tila nag-hu-hum si Ryoran nang makalapit na siya sa akin at ngumiti. "Akala ko si Lucius kayakap mo. Pangit ugali nun. Mas approve pa ata ako kay Lucas," aniya.
Napakurap ako. "A-Ahm. Alam mo kasi, Ryoran, kaibigan lang kami ni Lucas. Kaibigan lang kami. Baka kasi kung ano naiisip mo."
Jusme. Nakakahiya naman.
"Kaibigan? So yung nakita kong magkayakap kayo is parang... Friendly hug ganun?" Tanong niya.
Agad akong tumango. "Oo. Friendly hug. Mga ganun."
"Ah. Akala ko talagang may something sa inyo."
"S-Something?" Bigla kong naalala si Lucius. Term niya yan e.
"Oo. Kasi noon diba magkasama kayo paminsan-minsan."
"Ah. M-Magkaibigan lang talaga kami. Siya kasi kapares ko noon sa freshmen sa pagtrai-training kaya close talaga kami."
Napatango siya. "Ah. Kaya pala."
"P-Pero, Ryoran, wag mong sasabihin kahit kanino yung nakita mo ha."
"Hindi ko sasabihin?" Paguulit niya.
Tumango ako. "Baka kasi kung ano-ano isipin nila. Nakakahiya kay Lucas."
"Ah. Okay okay. Sige sige."
Hay salamat.
Pagkatapos ay tuluyan na kaming pumasok sa division namin. Nandito na ang iba naming kaklase.
Inilibot ko ang paningin ko. Parang ganun pa rin naman dito maliban sa napapalibutan na ng matataas na pader. Hindi na namin nakikita ang kabilang division.
Nabigla ako nang may yumakap sa akin bigla. Agad naman itong kumalas sa pagkakayakap at humarap sa akin. Si Agatha.
"Ngayon lang ulit tayo nagkita after nung araw nang ma-ambush tayo," aniya. "Diba papa mo yung lieutenant ng Red Army? Condolence."
"Ay oo nga. Condolence, Altair," ani Ryoran.
Tumango lang ako at tiningnan ko silang dalawa. "Smile nga kayo riyan. Huwag na nating gawing malungkot ang araw na to. Dapat masaya tayo dahil babalik na tayo sa training matapos ang nangyari."
Ngumiti silang pareho.
"Oo nga. Sayang din kagwapohan ko kung magiging malungkot lang ako," ani Ryoran.
Napairap si Agatha. "Hay naku, Ryoran."
*****
BINABASA MO ANG
Elemental Gunji-teki Academy
Fantasy15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A story that all about magic. Magic that will truly exist here. Magic that controlled by Elemental Army. Elemental Army na binubuo ng tinatawa...