EUNICE
Matapos naming malaman ang tunay na nangyayari, pinabalik muna kami sa mga silid namin habang magpapadala pa ng ibang army sa EGA para malaman kung ano na ang nangyayari.
May ilang nagalit na mga estudyante dahil sa paglilihim ng mga rmy ng tunay na kaganapan. Pero mas marami naman ang nakaunawa.
Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ng silid ko. Hindi mawala sa isip ko si Altair.
Aish! Kaasar na babae kasi! Ano ba ang pinaggagawa niya? Bakit hindi niya ako sinabihan? Ano ba plinano niya? Paano kung may nangyaring masama sa kaniya? Kaasar ka talaga, Altair!
Napabalikwas ako bigla. Pinaghalong kaba, pagaalala, at pagkaasar ang nararamdaman ko para kay Altair.
Huminga muna ako ng malalim para mapakalma ko sarili ko. Mayamaya ay napagpasyahan kong magpalit muna ng damit.
Bumaba ako sa kama ko at kinuha ang bag na naglalaman ng gamit ko. Habang naghahanap ako ng isusuot ko, may napansin akong isang jacket. Kinuha ko ito mula sa bag ko at tiningnan.
"Wala naman akong ganito," komento ko.
Kulay abo ang jacket na ito. At may nakita akong nakaburdang mga letra sa isang bahagi nito.
"L-Lucian? Kay Lucian Imperial 'to?" Taka kong tanong nang mabasa ko ang nakaburda. Paano napunta ito rito?
Tiningnan ko pa ang bag ko kung may makikita pa akong iba. May papel na nakatupi at nakahalo sa mga damit ko. Kinuha ko ito at binasa agad.
Eunice,
Jacket to ni Lucian. Isiniksik ko na rin dito sa gamit mo. Pakibalik na lang sa kanya baka kasi tuluyan ko nang hindi maisauli e. Thank you.
-Altair
Napaupo ako sa kama ko habang hawak ko ang jacket at papel.
'Ibig sabihin talagang plinano niya? Alam na niya talaga ang nangyayari?' Tanong ko sa isip ko.
Ginulo ko bigla ang buhok na parang nababaliw at nagpagulong-gulong sa kama.
Jusmeyo, Altair! Ano bang pumasok sa utak mo?!
THIRD PERSON
Nagpadala ng isa pang hukbo ang heneral sa EGA. Nang dumating ang hukbo ng army, may naabutan pa silang ilang air force ngunit agad na nagapi ang mga ito. Tumakas na ang ibang kalaban.
Tinulungan nila ang ilang army na sugatan. Ngunit mas marami pa rin ang nasawi. Kalat sa buong campus ng paaralan ang mga katawan ng wala nang buhay na mga army at air force.
Maliban sa pagtulong sa mga sugatan at mag-reinforce, may isa pa silang importanteng gagawin: ang mahanap ang isang estudyante. Si Altair na representative ng Red Army.
"Tulong! Nandito ang commander namin!" Sigaw ng isang babaeng Red Army sa mga kadarating pa lang na grupo ng mga army.
Pagkarinig nun, agad na sinundan nila ang babaeng Red Army. Dinala sila nito sa quadrangle kung saan naman nakakumpol ang ilang survivor na Red Army.
"Commander Saori!" Tawag ng lieutenant ng Medication Army na kasama sa mga kadarating pa lang na grupo.
Nakita niya ang commander niya na nanghihina na habang nasa bisig nito ang walang malay na si Altair.
"Ako na po bahala sa representative ng Red Army," ani lieutenant ng Medication Army at agad na sinimulan ang panggagamot niya kay Altair. Nakasuot pa si Altair ng coat ng pang-Green Army. Halatang talagang pumuslit ito.
"Commander na siya ng Red Army," mahinang sabi ni Commander Saori.
Sandaling natigilan ang lieutenant at napalingon sa kaniyang commander.
Wala mang itinatanong ang lieutenant, may itinuro ni Commander Saori. Nang lingunin ito ng lieutenant, nakita niya sa malapit ang nakahandusay at iniiyakan ng mga Red Army na si Commander Shin. May ilang parte na ng balat nito ang naging kulay itim dulot ng black magic.
Agad na tiningnan ng lieutenant ang marka ni Altair sa pulso. Umabot na sa ikalawang pulgada ang marka nito. Ibig sabihin ay tuluyan na ngang naging commander ang walang malay na si Altair.
"Lahat ng me-medication army, gamutin niyo lahat n-ng mga sugatan," nanghihinang utos ni Commander Saori. "M-Magiingat pa rin kayo. B-Baka may ka-kalaban pa rin."
Nang ma-clear na ng ibang army ang buong academy bilang ligtas, dumating pa ang ibang army na galing sa EAMC upang tumulong. Sa pamamagitan ng Cyan Army, naibalita sa EAMC ang nangyari.
Napuno ng iyakan ang EAMC at ang mga army na dumating sa EGA. Tumindi ito nang mahanap at makompirma ang ilang commanders na nasawi sa labanan.
May ilang bangkay ng mga army ang hindi makilala dahil sa grabeng tinamo nito mula sa mga pagsabog.
Maski ang mga building ng academy ay hindi nakaligtas. Walang building ang hindi makakakitaan ng pinsala sa naganap na labanan. Ang pader na halos kalahati sa buong academy ay sirang-sira.
Ito'y pinagplanuhan. Ito'y kasama sa plano. Ito'y hindi maiiwasan. Ito'y inaasahan.
Kung nasaan ang may digmaan, doon ay may kamatayan.
*****
BINABASA MO ANG
Elemental Gunji-teki Academy
Fantasi15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A story that all about magic. Magic that will truly exist here. Magic that controlled by Elemental Army. Elemental Army na binubuo ng tinatawa...