ALTAIR
Unti-unti siyang natumba sa aking harapan at dun ko nakita ang nakabaong sibat sa kaniyang dibdib. Sa part na yun, unti-unting nagiging itim ang kanyang balat.
"Papa!" Sigaw ko nang matumba siya sa harap ko at magkaroon ako ng lakas na makasigaw.
Gumapang ako papunta kay papa dahil nananakit ang mga binti ko.
"Papa!" Tawag ko pa sa kanya. Nang makalapit na ako sa kanya, inilagay ko sa aking mga bisig ang ulo ni niya.
"Papa."
Tiningnan ako ni papa sa mga mata ko at pilit na inabot ang pisngi ko.
“Papa,” nanginginig kong sambit. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.
May pilit siyang gustong masambit ngunit naubo siya ng kunti kasabay ng paglabas ng dugo sa kaniyang bibig.
“W-wag ka munang magsalita, pa. Baka lumala kalagayan mo,” umiiyak kong sabi sa kaniya.
Unti-unti siyang ngumiti sa akin.
Mas lalo lang akong naiyak. Natatakot akong gumalaw-galaw pa lalo na’t nakabaon pa rin ang talim ng sibat kay papa.
Shit. Magagamot pa si papa diba?
Nakita ko sa peripheral view ko na handa ng ibato ulit sa akin ni Jerson ang isa pang sibat na may usok din kagaya kanina na nasa kanyang kamay.
"Don't cry, Miss Altair. Magsasama naman talaga kayo ng papa mo e," sabi ni Jerson at ibinato na niya ang sibat tungo sa akin.
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko habang nasa bisig ko si papa.
Hinintay ko na masaktan din ako.
“Aish! Kaasar!” Rinig kong bulalas ni Jerson.
Iminulat ko ang mga mata ko. Laking gulat ko nang nadatnan ko na napapaligiran kami ng holograms. Tila naka-shield ito sa amin.
Hinanap ko kung sino ang may gawa nito. Isang lalaking Cyan Army ang nakasuporta sa mga holograms.
Sunod-sunod na tira ang pinakawalan ni Jerson. Pero nasasangga ito ng holograms.
"Anak..."
Napatingin naman ako kay papa. Halos maging itim na ang mga kamay ni papa. Gumagapang kasi yung kulay sa buong katawan niya nang mabilis. Halos nakapikit na rin siya. "Papa. Tatawag ako ng tulong," sabi ko.
Agad akong sumigaw ng tulong habang nagkakagulo ang paligid namin. Pero halos walang mahihingan ko ng tulong sa sitwasyon namin. Mas bumuhos ang luha ko. Napalingon ako ulit kay papa.
May parang sinasabi pa siya na hindi ko marinig. Inilapit ko ang isa kong tenga sa bibig niya upang marinig ko ang sinasabi niya.
“…love you, nak,” rinig kong sambit niya habang nakapikit.
Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha na patuloy lang sa pagtulo. Umiling ako. "Papa. Di mo ko iiwan diba?"
Isang nanghihinang ngiti ang naging tugon niya sa akin habang nakapikit at unti-unting bumagsak ang kaniyang kamay.
Rinig ko ang sunod-sunod na pagsabog sa paligid dahil sa patuloy na paglalaban. "Papa? Papa? Papa!" Paulit-ulit kong tinap ang braso niya. Ngunit hindi na siya muling gumalaw pa.
Itinapat ko ang pisngi ko sa may ilong niya ngunit hindi ko na maramdaman ang paghinga niya.
Yinakap ko ang katawan ng papa ko ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit. 'Papa! Wag naman ganito! Sana ako na lang ang natamaan,' sabi ko sa isip ko habang yakap-yakap ang katawan ng papa ko.
BINABASA MO ANG
Elemental Gunji-teki Academy
Fantasy15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A story that all about magic. Magic that will truly exist here. Magic that controlled by Elemental Army. Elemental Army na binubuo ng tinatawa...