ALTAIR
Naglakad na kami papunta sa gate ng campus. Nang malapit na kami sa gate, tumago muna kami sa may mga bushes para makapag plano kung ano ang gagawin dahil may mga bantay.
"Tatlo lang sila," bulong ni Lucas sa akin na ang tinutukoy ay ang mga bantay.
‘Tatlo lang ba talaga? Parang hindi naman pala ganoong mahigpit kung ganun,’ sabi ko sa isip ko habang nagmamasid sa paligid. Baka kasi may iba pa diyan na bantay at hindi lang namin nakikita. Kaso mukhang tatlo lang talaga. Pero hindi pwedeng maliitin ang tatlong ito.
Napansin ko na ang isa dun sa mga bantay ay yung lalaki na sumundo sakin noong papunta palang ako rito sa academy. Naka-formal attire pa rin.
"Paano tayo makakalabas? Eh may mga bantay nga. Tapos sarado yang dambuhalang gate," tanong ko kay Lucas habang nakatingala sa malaking gate. Pero nagkukubli pa rin kami sa mga bushes.
Nag-isip muna siya. "Meron akong ideya kung papaano natin sila malalampasan at mabubuksan ang gate na yan. Pero hindi 100% sure kung gagana."
"Paano?"
"Ganito. Gagamitin ko kapangyarihan ko. At dahil ang kapangyarihan ko ay about nature, mula dito sa loob magpapatubo ako ng mga ugat sa labas ng gate na yan. Tapos gagawa ng ingay. Dahil sa ingay na malilikha ko sa labas, macu-curious sila kaya lalabas ang isa sa kanila. Kapag lumabas ang isa, bubuksan ang gate. Pagnabuksan na ang gate, aatakihin natin sila," paliwanag niya.
"Aatakihin?" Luh. Hindi ako ready sa ganiyan.
"Ahm... Papatulugin lang natin sila."
"Pero kaya mo magpatubo ng ugat mula rito dun sa labas ng gate?"
"Yun kasi ang isa sa mga nagagawa ng papa ko. So, I'll try."
Wow. Namana pala niya kapangyarihan niya sa papa niya.
Inilapat niya ang kanyang dalawang palad sa lupa at marahan na ipinikit ang kanyang mga mata. Pinagmasdan ko lang siya. Ilang segundo pa, iminulat niya ulit ang mga mata niya.
"Wow," bulong ko nang makita ko na tila nagi-ilaw ng kulay berde ang part ng lupa kung saan nakalapat ang mga palad ni Lucas.
Lumingon ako doon sa mga bantay na nag-uusap-usap sa may gate. Nag-observe lang ako kung ano ang mangyayari.
Ilang segundo ang nakalipas nakarinig ako ng ingay mula sa labas. Mahina lang. Yung parang linalatigo yung gate. Naalarma naman yung mga bantay sa may gate.
"Naririnig niyo ba yun?"---bantay 1.
Nakinig pa sila sandali at mukhang nilalakasan pa ni Lucas ang kapangyarihan niya.
"Uy! Dito ba yun?"---bantay 2.
"Teka lang. Baka may taga-Air Force sa labas."---bantay 3.
"Titingnan ko muna sa labas. Baka kasi mabangis lang na hayop. Baka mapahiya na naman tayo kagaya noon."--- bantay 2. Lumapit siya sa gate tapos ikinumpas-kumpas niya sa ere ang mga kamay niya.
Narinig ko naman si Lucas sa tabi ko na naghahabol ng hininga kaya nilingon ko.
"Oh? Anong nangyari sayo?" Alala kong tanong sa kanya. Hinihingal kasi siya.
"Hindi pa ako sanay ng ganito. N-Nauubosan ako agad ng lakas."
Hala. Anong gagawin ko?
“Pero kaya ko pa naman,” aniya. “Kulang pa ako ng training at kaalaman sa pagkontrol ng kapangyarihan kaya madali lang na nauubos ang lakas ko," hingal niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Elemental Gunji-teki Academy
Fantastik15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A story that all about magic. Magic that will truly exist here. Magic that controlled by Elemental Army. Elemental Army na binubuo ng tinatawa...