ALTAIR
Nagising ako sa napaka pamilyar na lugar. Sa clinic. Na naman.Dahan-dahan akong bumangon at umupo sa kama. Medyo mabigat pa ang pakiramdam ko.
"Gising ka na," napalingon ako sa nagsalita. Sa bandang kaliwa ko.
Napangiti ako nang makita siya. "Lucas," sambit ko sa pangalan niya. Nasisiguro ko na siya iyan. Nakangiti kasi siya habang nakatingin sakin. Nakahiga siya sa kama na katabi ko.
"Kumusta pakiramdam mo?" Tanong niya.
"Medyo mabigat pa pakiramdam ko. Ikaw?"
"Heto. Masakit pa rin likod ko," nakangiti niyang sagot at ibinaling niya sa photo album ang mga mata niya.
Teka. "Photo album?"
"Oo."
"Kanino yan?" Curious kong tanong.
"Amin." Ini-flip ang isang page ng photo album. “Pinadala ko rito kay Lucius kanina para kahit papaano ay malibang ako rito.”
Napalingon ako sa buong silid. Wala rito si Lucius. Sa pagkaka alam ko, kasama namin siya pabalik. "Asan nga pala siya? Di ba siya na injured?" Tanong ko kay Lucas na kasalukuyang nakatingin sa photo album na hawak niya.
"Nasa dorm. May injury siya pero hindi gaano ka grabe at pinili niya na doon magpahinga.”
Napatango naman ako.
Naalala ko na naman yung buong nangyari. Hindi pa rin niya ata ako napapatawad. Napakamot na lang tuloy ako sa noo ko.
"Magpahinga ka lang muna riyan," ani Lucas.
Humiga na lang ulit ako. Hindi ko na iisturbohin si Lucas. Ayoko naman na ma-distract siya sa moment niya.
Ipinikit ko na lang ulit ang mga mata ko.
Lumipas ang ilang sadali at parang hindi ako komportable rito na nakahiga lang at nakapikit. Kainis. Iminulat kong muli ang mga mata ko at umupo sa kama.
Nilingon ko si Lucas sa kama niya at ganun parin. Nasa photo album pa rin ang mga tingin niya.
Parang gusto ko tuloy makita yung mga larawan doon sa photo album na hawak niya.
"Lucas," tawag ko sa kanya.
"Hmm?"
"Pwede patingin?"
"Oo naman."
Agad akong bumaba sa kama ko at umupo sa tabi niya sa kama.
"Hihiga lang muna ako. Masakit pa rin likod ko e,” aniya.
"Haha. Okay lang."
Tiningnan ko ang photo album na siya parin ang nakahawak.
Nakita ko sa kasalakuyang page ang isang litrato ng tatlong bata na magkakamukha na siguro ay nasa 5 years old.
"Woah! T-teka nga! Kayo ba yang triplets?" Itinuturo ko ang litrato.
"Oo. Si Lucian ang nasa gitna na nakaakbay sa amin ni Lucius," nakangiti niyang sagot.
Ini-flip pa niya sa next page ng photo album.
"Ang cute!" Nasabi ko nang makita ang isang larawan kung saan nandon sila ulit. Nakaupo sila sa damuhan at kita ang kanilang mga ngiti. Ngiti na masasabi mong super close sila.
Narinig kong bumuntonghinga si Lucas sa tabi ko. Kaya nilingon ko siya.
"Oh? May problema ba?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Elemental Gunji-teki Academy
Fantasy15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A story that all about magic. Magic that will truly exist here. Magic that controlled by Elemental Army. Elemental Army na binubuo ng tinatawa...