Chapter 62

5.8K 150 2
                                    

EUNICE

"Altair, luto na ang pagkain. Ha---" Natigilan ako sa pagsasalita nang makita ko si Altair na mahimbing na ang tulog sa kama niya.

Napabuntonghinga ako. Ilang araw na naman siyang ganyan mula nang muli silang magtraining na top 5. Balik sa dati. Sa katunayan, isang araw na lang at kompitesyon na nila.

Napailing na lang ako. "Goodnight," sabi ko sa natutulog na si Altair at saka bumalik ako sa kusina.

Kaluluto pa lang ng pagkain at masarap ito kainin habang mainit-init pa. Kaso nakatulog na si Altair ngayon. For sure gigising yun mamayang hating gabi tapos kakain. Gumigising na kasi siya ngayon sa hating gabi para kumain. Minsan pa nga ay magigising ako tapos maririnig ko ang kalansing ng kutsara't tinidor.

Pero hinahayaan ko lang siya. Alam ko na talagang pagod siya sa training nila pagka-uwi niya. Tapos kailangan niya ng sapat na lakas kinabukasan kaya hindi ko siya ini-istorbo. Ang ginagawa ko na lang, maghahanda na lang ako ng pagkain para sa paggising niya.

As a friend ni Altair, naeexcite ako. Gusto kong siya ang manalo. Kaya susuportahan ko siya. Tutulungan ko siya.

Hindi ko na rin siya pilit na ginigising kagaya noon. Wala naman akong mai-chi-chika sa kaniya. Move on na rin ako doon sa crush ko.

Nakausap ko kanina si Lucas. Dala din siya sa top 5 nila. Pero parang hindi naman siya ganoong kapagod kagaya ni Altair na mukhang lasing dahil palaging natutumba sa daan kapag umuuwi na. Ngingiti-ngiti pa nga si Lucas eh. Parang hindi nag tra-training. Pero kung sa bagay, parang nag-training na ng kunti noon sila Lucas at ang mga kapatid niya bago pa siya makapasok sa academy.

Speaking of Lucas. Ano kaya ang status nila ni Altair? Hmm. Wala naman akong nasasagap na balita tungkol sa kanila. Tsaka hindi ko na sila nakikitang magkasama. Busy nga sa training itong si Altair.

Tsaka, hindi ko rin makita ang Ryoran the ugly orangutan ngayong week. Hindi sa nami-miss ko siya. Mabuti nga kung wala na siya. Mukhang busy rin sa kakatraining---ay hindi. Baka palaging nilalampaso sa training nila. Hahaha.

Tsk. Kakagigil talaga ang isang yun.

At kung tatanongin niyo ako kung ano na ang training ko, well, sakto lang. Oo, nakakapagod pero kaya pa naman. Mas lighter yung training namin kumpara sa mga top 5s.

Haist! Masyadong mabilis ang pangyayari no? Si Altair kasi! Palaging nakakatulog pagkakauwi niya---joke. Sadyang mabilis lang talaga ang panahon kapag busy ang isip ng tao sa ibang bagay.

Hays. Makakain na nga lang.

***

ALTAIR

Bukas na! Gosh! Excited na ako. Bukas na gaganapin ang kompitesyon.

Nandito ako ngayon sa division ko.

"So, good luck sa inyong lima bukas. Isa sa inyo ang magiging representative at magiging commander balang araw," nakangiting sabi ni ma'am. "Ngayon ang huling training ninyo sa akin. At kapag may representative na, araw na lang ang bibilangin at magmo-moving up na kayo sa ikatlong taon ninyo sa pagiging estudyante."

Nagpalakpakan kaming lima. Ang bilis. Hindi namin namalayan na magtatapos na pala ang aming ikalawang taon dito sa EGA. Kung sa bagay, maaga kaming napunta sa ikalawang taon dahil mabilis din kaming mga freshmen dati na magising ang kapangyarihan.

***

Nagtuloy-tuloy ang huling training namin kay ma'am ngayong araw.

Tanghali na at half day lang kami ngayon.

"Hanggang dito na lang din tayo. Magsibalik na kayo sa dorm niyo at magpahinga upang bukas ay may sapat na kayong lakas. Good luck sa inyong lima sa kompitesyon ninyo at advance congratulations sa paparating ninyong moving up," sabi ni ma'am.

Nagpaalam na kami kay ma'am at lumabas na sa division. Ganun din ang iba naming kadivision.

Sabay-sabay na kaming lumabas sa division nila Ryoran at Agatha.

"Excited na ako para bukas," biglang saad ni Agatha.

"Anong nakaka-excite bukas? Anong meron bukas?" Tanong ni Ryoran. Yung parang walang alam.

"Hay naku. Kung sa bagay, hindi ka top 5. Wala bang nabanggit sa inyo na may ganap bukas sa arena?" Tanong ni Agatha kay Ryoran.

"Hmm? May ganap? Sa arena? Huh?" Ang clueless niya talaga.

"Aish! May kompitesyon bukas sa aming mga top 5!" Inis na sabi ni Agatha.

Natigilan naman si Ryoran sa paglalakad. Kaya tumigil din kami. "Oww. Oo nga!" Bigla niyang sabi at napaturo pa sa amin. "Oo nga! Nasabi yun ni ma'am kanina! Muntik ko nang makalimutan dahil sa napagod ako ngayon sa training namin."

"Tss. Anong muntik? Eh nakalimutan mo na nga eh," napairap na lang si Agatha kay Ryoran. At naglakad na lang palayo.

Nilingon ko si Ryoran na nakakunot noo at tila naguguluhan sa inasal ni Agatha. "Pagpasensyahan mo na lang siya. Pagod lang yun," nasabi ko na lang.

"Hmm... Minsan talaga nakaka-sense ako na maldita talaga siya. Pero sige na nga. Sabi mo kasi pagod siya," ani Ryoran. "Sinabihan kami kanina ni Ma'am Victoria na walang training bukas. Pinapaderitso niya kami sa arena na nasa dulo ng Trainee Section. May arena pala rito?"

"Nagulat din kami nang malaman namin na may arena din dito sa academy. Wala kasi sa mapa noon yun e."

"Oo nga. Pero di bale na. Manonood kaming lahat sa inyo kasama na ang mga taga-ibang division. Sayo ang suporta ko bukas. Ayoko sa Agatha-ng mataray na yun," sabi niya at pabulong na ang mga panghuling salita.

Natawa na lang ako.

Napahikab siya bigla. "Pasensiya na. Napagod talaga ako sa training namin e."

Ngumiti ako. "Ayos lang. Naiintindihan ko naman e. Ganiyan ako ilang araw na." Pagkatapos ay yinaya ko na siyang umuwi na sa mga dorm namin.

Hindi na namin na habol pa si Agatha dahil nauna na nga siya.

Agad kaming nagkahiwalay ni Ryoran ng daan deritso sa mga dorm namin.

"Uy, Altair! Ang aga mo atang umuwi ngayon ah?" Bungad sa akin ni Eunice na mukhang kakauwi lang din.

"Half day lang kasi kami ngayon para may sapat na oras kami sa pagpapahinga. Paghahanda na rin para bukas," sagot ko.

"Ah." Nagpatango-tango siya. "Yung top 5 sa amin parang whole day pa rin ang training nila ngayon," aniya.

"Ganun ba? Mukhang matinding laban ang magaganap bukas sa top 5 ng division niyo," nasabi ko na lang.

Shemay. Bigla akong kinabahan. Marami nga pala makakakita sa performance namin bukas. Buong academy at may mga army na mismo.

"Pero mas excited ako na makita kung paano ka bukas magtatanghal," nakangiting saad ni Eunice.

"Kinakabahan ako."

"Ay sus. Ganito na lang. Wag mo munang isipin ang kompitesyon mo bukas. Relax ka muna. Kain tayo. Nagugutom na kasi ako."

Napangiti ako at saka tumango.

Sabay kaming kumain ni Eunice at saka nagpahinga na ako. Sulitin ko ngayon na makapagpahinga at saka maaga pa ako bukas para i-kondisyon ang sarili ko.

Hoo. Kinakabahan ako pero sabi nga ni Eunice, relax muna dapat.

*****

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon