Nakahinga ako ng maluwag nang mapatingin ako sa orasan ko. Alas-kwatro na, at isa-isa nang naglalabasan ang mga estudyante. Gusto ko nang tumayo sa aking kinauupuan pero itong si Ma'am Gamol ay marami pang habilin para sa next meeting namin.
"Okay class, you may now go." Hindi pa natatapos ni Ma'am ang kanyang pagpapaalam ngunit isa-isa nang nagtayuan ang mga kaklase ko. Agad ko namang niligpit ang aking gamit dahil siguradong kanina pa ako hinihintay nila Jen.
At tama nga ako, dahil pagkalabas ko sa classroom, isang nakasimangot na mukha ang bumungad sa akin. Pinagtaasan niya ako ng kilay ng makita niya ako.
"What took you so long? Ang tagal mo talagang kumilos!" Pambungad sa akin ni Jen. Si Jen ay isa sa matalik kong kaibigan simula pa noong high school kami. Palibhasa, family friend namin sila kaya mabilis kaming nagkasundo. Kahit na noong high school lang kami nagkakilala, kasi sa states siya lumaki.
"Sorry Jenny. Kanina ka pa?" Nagsimula kaming maglakad patungo sa parking area.
"Not really, kaya lang we need to be fast! May night out ang barkada and this time hindi pwedeng hindi ka kasama." Tumigil kami sa harapan ng kotse niya at saka ko ako tumingin sa kanya.
"Night out? You know me too much at alam mong hindi ako sumasama sa mga night out lalo na kung sa mga bar yan!" Pinatunog niya ang kanyang sasakyan at saka kami sumakay. Halata mong babae ang may-ari ng sasakyan na ito dahil sa amoy pa lang ay babaeng-babae na. Idagdag mo pa ang combination ng white at violet na kulay ng seatcover nito.
"Sabi na kasi sayo Jen, hindi papayag yan!" Halos mapatalon ako sa aking kinauupuan ng may magsalita sa likuran. Napahawak ako sa aking dibdib at nilingon ang nagsalita. Nakita ko ang dalawa ko pang malapit na kaibigan na sila Ara at Jana.
"You scared me!" Tumawa lang ang dalawa.
"Oh come on! Hwag ka namang KJ. Sobrang tagal ka nang inaaya ng barkada sa mga ganitong event pero napakailap mo." Ani Jana.
"You're so right, Jana." Sang-ayon ni Ara. "
"Sumama ka naman. First year college ka pa namin inaaya hanggang ngayong 4th na tayo ayaw mo pa rin! Ang buhay college hindi lang sa libro at pag-aaral umiikot. You need to relax and have some fun!" Dagdag pa niya. Laging ganito ang eksena tuwing inaaya nila akong mag night out. Hilig nilang tatlo na gawin ito lalo na kapag katapos ng examination. Pero sadyang wala akong time para sa ganitong event.
"Nape-pressure si Jessica. Alam niyo naman na busy siya palagi! Diba nga Student Association President siya at presidente pa ng iba't ibang organization?" Sarcastic na sabi ng aking bestfriend. Halata mo namang nagpaparinig siya. Sige, sabihin na nating curious din naman ako sa bar and such things, pero ewan ko ba! Hindi ko ata feel na pumunta sa mga bar.
Umirap ako sa kawalan at muli akong nagsalita bago ako bumaba sa kotse ni Jen. Napagdesisyunan kong pumayag na rin at sumama sa kanila. But this first time, will also be the last.
"Okay! Sige na sasama na ako! Happy?" Tinaasan ko sila ng kilay at unti-unting ngumiti. Matagal na nila akong nililigawan at inaaya na sumama sa kanila sa bar hopping nila, at ngayon lang nila ako napapayag.
"Finally, it's a yes!" Kanya kanya silang pagdiriwang dahil mapapasama nila ako. Nakita ko pang nag-high five si Ara at Jana samantalang si Jen naman ay masayang-masaya.
"Thanks best! I'll pick you up! Don't bother bringing your car, okay?" Sabi ni Jen.
"Just text me what time. I'll go ahead! Meeting in 15 minutes. See you around. Bye girl!" Kumaway ako sa kanila matapos kong isarado ang pinto ng sasakyan ni Jen.
BINABASA MO ANG
Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)
Romance(NOW AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE) Dalawang tao na nagkakilala sa hindi inaasahang panahon. Parehong umibig at nasaktan. Ito ang pag-ibig na sinubok nang panahon, sinubok nang tadhana. This story will make you, Be in love. Believe in forev...