Chapter 69

108K 1.8K 221
                                    

(Song title: Without You - AJ Rafael [play it] )

Walang tigil sa pagpatak ang aking mga luha. Sobrang saya ang nararamdaman ng aking puso. Hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakatitig lamang sa isang taong nakaluhod sa akin at inaaya akong magpakasal.

“Come on Jessica!”

“Say YES!”

“Hwag mong nang patagalin ang pagkakaluhod niyan! YES lang hindi mo pa masabi!”

Sigaw nang mga tao sa paligid ko. Muli kong tiningnan si Daddy at saktong nagpupunas siya ng luha niya. Tumango siya sa akin at bumuka ang bibig niya na nagsasabing ‘I love you, anak.’ Sunod kong tiningnan ang magulang ni Andrei. Si Tita Laila ay nakayakap kay Tito Gilbert samantalang nakaakbay naman si Tito Gilbert kay Tita Laila. Ngumiti silang parehas sa akin.

Sunod na hinanap ng mga mata ko ang mga kaibigan ko. Si Jen na naiyak habang nagpupunas ng luha, si Ara at Jana na parehas na nakatawa sa akin ganun din sila Luke at Sir Gelo. Kumindat pa sa akin si Luke.

Huli kong tiningnan ang bunga nang pagmamahalan namin ni Andrei, si Alexis. Ibang-iba ang ngiti nito, ngiting tila ngayon ko lang nakita.

“Mommy, don’t make daddy wait!”

Natawa ako at pinahid ko ang luha ko. Muli kong ibinalik ang aking tingin kay Andrei. Nakangiti ito sa akin na tila may binabalak.

“Jessica, will you be my wife forever? Marry me please.”

Tumango ako sa kanya.

“Yes, I’ll be your wife forever. And yes I’m gonna marry you –“ Hindi ko na natapos ang aking sinasabi dahil siniil agad ni Andrei ng halik ang mga labi ko. Pumikit ako at dinama ang bawat halik niya. Marahan ito at andun ang pagmamahal.

Minulat ko ang aking mata nang tinapos niya ang halik. Nakita ko ang isang luha na pumatak sa kanyang mata. Ngumiti siya sa akin habang hinahaplos ang aking pisngi.

“Nauna pa yung halik kaysa sa pagsuot ng singsing.” Mahina kong sabi sa kanya. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

“Sorry Misis, naexcite lang ang Mister mo.” Kinuha niya ang aking kaliwang kamay at dahan-dahan niyang sinuot sa aking palasingsingan ang singsing. Hinaplos niya ito matapos niyang maisuot.

“Perfect!” Hinalikan niya ang kamay ko bago tumingin sa akin.

“Are you ready for the wedding today?”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Like seriously? Ngayon? Agad-agad?

“What?” Singhal ko sa kanya. Tumawa lang siya at hinalikan ang noo ko. Anong akala niya basta-basta mag-ayos ng kasal? At isang araw palang kaming engage! Wala pa ngang isang oras!

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon