Tama nga sila, marihap matulog ng may mabigat na damdamin. Akala ko okay na ako since okay na kami ni Daddy pero after nyang lumabas ng kwarto, I feel empty once again. Alam kong sapat ng ako, ang anak ko, at si Daddy pero kulang pa rin talaga. At the end of the day, hahanap hanapin mo pa rin ang lalaking nanakit sayo.
Hindi agad ako nakatulog. Mulat na mulat ang mga mata ko kagaya ng diwa kong gising na gising. Hindi ko mapigilan ang lumuha. Andrei, what have I done to deserve this kind of hurt?
Isang paraan ang aking naisip kung paano pumayapa ang aking kalooban at nang makatulog na ako. Bumgangon ako at lumuhod sa kama.
‘Lord, whatever your plans are, I trust you. Pinagkakatiwala ko na po sa inyo ang buhay ko at buhay ng anak ko. Help me to overcome this. Help me Lord. I love you po. Amen.’ Tumulo nang isa pa ang aking luha pagkatapos kong manalangin. Nagbuga ako ng isang malalim na hininga tsaka pinikit ang aking mga mata. I need to rest because I’ll be attending the SA Election tomorrow.
Ginising ako ni Nay Nini nang maaga. Binilin ko kasi sa kanya na dapat nasa school ako bago mag start ang eleksyon. Hindi naman sa excited ako pero syempre ilang araw akong nawala, baka nawala na sa listahan ang pangalan ko.
Nagsuot lang ako ng simpleng white floral dress. Hindi pa naman malaki yung tummy ko pero nae-excite na akong magsuot ng mga pang preggy na outfit. Kelangan kong makausap ang tatlo kong kaibigan. Bilang bestfriend, para sakin dapat malaman nila ang kalagayan ko.
“Take care, honey. Don’t skip you meals. Dalawa na kayong nakain ngayon.” Paalala sakin ni Daddy bago ako lumabas ng kotse. Inihatid niya ako para daw mas mabantayan niya ako.
“Yes dad, take care too. I love you.”
Pumasok ako sa malaking gate ng school ng DMU. Karamihan ay nasa mga computer room na para bumoto. Mamaya kasi mas madami pa ang darating na estudyante. Agad na nahagilap ng mga mata ko ang tatlo kong kaibigan. Naglalakad sila papasok ng canteen. Siguro magbe-breakfast.
Sinundan ko sila at nang nasa likuran na nila ako ay ginulat ko sila ng isang ‘boo’.
“WTF! Ano ba naman Jess! Pagkatapos mong hindi pumasok ng ilang araw ganyan pa ang bungad mo. Halika doon tayo sa may dulo umupo at sabi sakin ni Tito Rafael na may problema ka daw.” Hinila agad ako ni Jen patungo sa dulong table. Walang tao masyado dun. Yes, Rafael po ang pangalan ni Daddy. Ang gwapo noh?
Nag order muna silang tatlo ng pagkain. Samantalang ako ay nagpaiwan na lang sa table namin. Nakapag breakfast na rin naman ako sa bahay kaya hindi pa ako nagugutom. Ang dami nga naming nakain ni baby.
Umingay ang paligid dahil sa pagpasok ng mga volleyball players. Mga players? Kinabahan ako na baka mamaya ay pumunta rin dito ang mga basketball players at kasama doon si Andrei. Hindi ko planong makipagkita sa kanya o makita man siya.
Ngunit kung sino pa ang iniiwasan mo at ayaw mong makita, ay siyang tunay na nagpapakita sayo. Pumasok ang basketball varsity ng school. Agad kong iniwas ang paningin ko sa daan kung saan sila nag lalakad. Yumuko ako at pinaglaruan ang aking mga daliri.
BINABASA MO ANG
Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)
Romance(NOW AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE) Dalawang tao na nagkakilala sa hindi inaasahang panahon. Parehong umibig at nasaktan. Ito ang pag-ibig na sinubok nang panahon, sinubok nang tadhana. This story will make you, Be in love. Believe in forev...