Chapter 8

225K 1.4K 38
                                    

Halos mawalan ako ng hininga nang makita ko ang schedule na binigay sa akin ni Jen. Napahawak ako sa sintido ko. Hindi na bago sa akin ang ganitong tagpo pero sumasakit pa rin ang ulo ko kapag nakikita kong sunod-sunod ang appointment ko.


"So you mean full tank ako till September?"

"Indeed!"

"Seriously? My goodness!" Binitawan ko ang planner na binigay sa akin ni Jen. Kaya sobra akong nagpapasalamat sa kanya kasi kung ako lang mag-isa ang mag-iisip ng mga meeting, events at appointments na dadaluhan at paghahandaan ko, sigurado akong may makakalimutan ako dyan. Hindi lang isa, marami!


Having this kind of schedule is not good. Lagi kong tinatanong sa sarili na "how can I keep my name on the dean's Lister with this hectic schedule?" Tao pa ba ako? Syempre naman. Hindi ko sinasabing nagkataon lang ito, dahil from the very start na inaccept ko ang mga position na ito, I know bigger resposibility is on my way.


Sabi nila through this, sumikat daw ako. Hell no! Never kong hinangad na sumikat kaya ko tinanggap ang mga posisyon na ito. Its just that na ang hirap umayaw lalo na kung alam mong may magagawa ka!


"Seriously Jess, kayang-kaya mo yan! Sisiw lang naman sayo ang mga Math at iba pang major subjects ng ECE. Magiging Dean's lister ka ba kung hindi madali para sayo?" Pagbibigay ng lakas ng loob saken ni Jen. God thank you for giving me a best friend like her.


Hindi madali ang engineering, kahit ano pang major mo. Pero maraming nagsasabi na kaming mga aspiring ECE daw ang may pinakamahirap na board exam. I don't know if that's a fact or bluff!





"Kakayanin! Salamat, Jen. I really don't know what will happen to me kung wala ka."


"Yan ang best friend ko, sobrang madrama! Nakakarumi ha!" Nagtawanan kami.


We part ways.I wish sana uwian na. Pero may klase pa pala ako - Electives. Isa sa pinakahate kong subject. Ewan ko ba sobrang init ng ulo ng prof. na ito sakin. Tipong pinapahiya ako sa klase pero hindi naman niya magawa-gawa, hindi naman sa pagmamayabang.


As I enter the room, all eyes are on me. Paano ba naman kasi 45minutes na pala akong late kaya pala halos tumagos ang mga titig sa akin ng mga kaklase ko.


"Sorry Ma'am, I'm late..."


"Get a whole sheet of paper! Keep all you notes. Ballpen and paper lang dapat kong makita sa table niyo!"


Nabigla ako sa biglang sinabi ni Ma'am. Hindi ko alam kung anong mangyayari. Baka may quiz? Shit! Dali-dali akong humarap sa katabi ko para manghiram ng notes.


"Hey, patingin naman ng notes mo kahit saglit. Mag scan lang ako ng madali. Salamat." pakiusap ko sa seatmate ko. Dali-dali kong binuklat ang notebook niya sa bandang huli para malaman ko at mabasa man lang ang recent topic namin.


"I said keep all your notes, now!" Biglang sigaw ni Ma'am Mendez. Pikit mata kong sinarado ang notebook at binalik din sa katabi kong si Elisa.


Wala na akong nagawa kundi ang kumuha ng papel at ballpen at magsulat. Nagstart ang long quiz nang parang wala lang. Oo wala lang, kasi wala akong maisagot number 1 palang! Hanggang sa natapos ang quiz, ang ilang wala kong sagot ay hinulaan ko na lang. Kaya naman napanatag na ako na agad ang number 1 ko. Pero kahit ganun ay may naisagot naman ako kahit papaano!


"Okay exchange your papers to you seatmate."


Gusto kong magmura dahil sa kahaharapin kong kahihiyan ngayong araw. Ayaw ko ng kami ang gumagawa ng dapat ay gawain ng teacher, katulad na lang nitong pagche-check ng papel. Lalo na ngayon, hindi ako sigurado kung makakakuha ba ako ng mataas na marka!


Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon