Chapter 64

86K 1.3K 286
                                    

Jen’s POV

Naging matahimik ang buhay ko for 8 months. Hindi ko na iniisip ang mga problema ko noon. Tila pumayapa ang aking isipan. Payapa ang paligid, payapa ang aking puso.

Isang malalim na hininga ang aking nagawa habang nakatitig sa bintana. Nakita ko ang mga taong may kanya-kanyang ginagawa. May ilang street vendors sa labas, nagtitinga ng ice cream kahit na malamig na ang panahon, nagtitinda ng mga lobo at mga laruan.

Ipinaling ko sa aking kanan ang aking paningin.

Nakita ko ang mga batang masayang naglalaro ng tagu-taguan at naghahabulan. Natigilan ako nang may mahagip ang aking paningin. Isang mag-ina. Tila tinuturuan nitong maglakad ang kanyang anak. Napailing ko at napangiti.

Kamusta na kaya sila?

Masaya ba sila?

Payapa rin ba ang buhay nila tulad nang natatamasa ko ngayon?

Maluwag ba silang nakakahinga ngayong…

Umiling ako. Hindi ko pala kayang aminin kahit sa sarili ko. Hanggang ngayon mahirap pa rin pala. Mahirap aminin at tanggapin.

Nabigla ako nang may sunod-sunod na kumatok sa kwarto ko.

Kusa itong bumukas at nakita ko ang maid namin. “Ma’am may bisita po kayo sa baba.” Tumango lang ako. Inayos ko muna ang aking sarili bago bumaba. Nakaramdam ako nang kaba habang pababa ako ng hagdan.

Tinungo ko ang living room at nagulat ako kung sino-sino ang aking nakita.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Ang tanging namumutawi sa aking damdamin ay galit! Ngunit unti-unting nawawala ang galit sa aking puso nang makita ko ang batang dala-dala ni Jess.

“What are you doing here?” Napatingin ako sa may pinto nang makarinig ako ng iba pang boses. Napataas ang kilay ko.

“I told you, we are not welcome here.” Ani Ara. Pinagtaasan ko siya nang kilay.

“Sit. Why are you here? After 8 long months Jess…” Hilaw akong ngumiti at umiling sa kanya.

“Yea, it’s been 8 long months.”

“So? Ano pang kailangan mo?” Tinaasan ko siya nang kilay. Naramdaman ko ang pagpasok nila Ara at Jana.

“Humingi ako ng oras para mag-isip at sa palagay ko sapat na ang –“

“Too late. You’re way too late!”

Natigilan siya. Nakita ko naman ang paglaki ng mga mata ni Ara at Jana.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon