“Your dad will be here. He’s excited for the baby. Sino ba namang hindi, two weeks na lang at manganganak ka na, apo.”
Masayang bati sakin ni Lola. Umagang umaga ay tila good vibes lahat ng tao. Kinakabahan na ako sa aking nalalapit na panganganak. Nung isang lingo ay inutusan na ako ni Lola na ayusin ang mga gamit ko at ng baby. Yung mga gamit na gagamitin sa ospital. Lagi na ring may nakahandang driver at sasakyan sa garahe ni Lola.
“Ano daw pong oras ng dating niya?” Tanong ko habang pinapaikot ikot ko ang aking palad sa aking umbok na tyan. Alam ko na ang gender ng baby ako. At katulad ng sinabi ko simula pa noon, mamahalin ko siya ng sobra sobra.
“Mamayang 4:35 daw ang touchdown niya.”
Tumango ako kay Lola.
Noong mga nakaraang buwan ko, lagi akong pinagsasabihan ni Lola na maglakad lakad para daw bumaba yung tyan ko. Pero sa sobrang katamaran ko, ayun lagi lang akong nakahiga. Pero may mga panahon naman na naglalakad lakad ako.
Sinilip ko ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa. Patuloy ako sa pagnguya ng hotcake habang tinitingnan kung may text kahit isa. Ngunit wala. Lagi kong hinihintay ang mga text ng mga kaibigan ko. Matagal tagal na rin kaming hindi nagkakausap. Simula siguro nung, nagfive months ang dinadala ko ay wala na akong alam tungkol sa kanila.
Bakit ganun? Tila isa isang naglalaho ang mga importanteng tao sa paligid ko.
Tila bula na, bigla na lang maglalaho.
Napabuntong hininga ako. Kamusta na kaya sila?
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam ako kay Lola na tatambay muna ako sa simple niyang garden. Umupo ako sa bench doon, nilasap ang masarap na hangin at pinagmasdan ang iba’t ibang kulay ng bulaklak.
“Baby, ilang araw na lang makikita mon a rin ang ganda ng mundo. Hwag mong pahihirapan si Mommy ha?”
Napangiti ako sa sarili kong sinabi. Tumataba ang puso ko kapag tinatawag akong Mommy. Mas lalo akong nae-excite.
Bigla akong natigilan sa sakit na aking naramdaman. Pinakiramdaman ko ulit ito, at sa ikapangalawang pagkakataon, naramdaman ko ulit ito ngunit mas masakit pa. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras. Sumigaw na ako. Natatakot akong tumayo dahil baka kung anong mangyari sakin at sa anak ko.
“Lola! Kuya Marcooooo! Ahhhh!” Rinig na rinig ko ang takbuhan nila. Agad akong binuhat ni Kuya Marco nang makalapit siya sakin.
BINABASA MO ANG
Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)
Romance(NOW AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE) Dalawang tao na nagkakilala sa hindi inaasahang panahon. Parehong umibig at nasaktan. Ito ang pag-ibig na sinubok nang panahon, sinubok nang tadhana. This story will make you, Be in love. Believe in forev...