This day will be my day. I have to do this. Kelangan tatagan ko ang aking loob na magsalita sa harap ng lahat lalo na sa harap ni Andrei. Kahit na kinakabahan ako, I have to deliver my speech. Wala man akong ready-to-read na speech, pero meron na akong nais sabihin na magmumula sa puso at isip ko.
While Luke, is rendering his speech, hindi ko maiwasang pumikit at damhin lahat ng sinasabi niya. Napapailing na lang ako sa lakas ng iritan sa kanya kapag nagpi-pick up line siya. Kahit ako ay natatawa sa mga pick up line niya. Kung wala lang ako dito sa stage, sigurado isa ako sa mga hihiyaw sa kanya.
“Hindi naman ako gwapo…” Nag iritan na naman ang mga babae. Halos hindi na siya makatapos ng isang sentence dahil sa napuputol ito sa kakahiyaw ng mga audience. Humble talaga itong si Luke, eh ang gwapo gwapo nga niya. Ang sarap niyang kurutin.
“…athletic at sikat pero binoto niyo ako.” Ngumiti siya nagpakatamis. Kitang kita ko ang paglubog ng kanyang dimple.
“Ibig sabihin nun, binoto niyo ako hindi dahil sa gwapo ako, athletic at sikat. Iyon ay dahil nagtitiwala kayo sa kakayahan ko upang maging isang leader ng school at upang matulungan ang ating presidente.” Lalong lumakas ang iritan at kitang kita ko ang pagkakilig ng mga tao. Tumingin sakin si Luke at ngumiti. Ngumiti rin ako sa kanya.
Hindi nawaglit sakin, ang pagkuyom ng kamay ni Andrei. Kitang kita ko ito sa aking peripheral vision.
“At ngayon, ibibigay ko na ang panahon sa kanya. Miss President?”
Tumango ako at tumayo sa aking kinauupuan. Huminga ako ng malalim bago pumunta sa gitna para magsalita. Pero bago ako makarating sa gitna ay niyakap ako ni Luke ng sobrang higpit at bumulong siya, “Be strong”. Nagtaka ako sa tinuran niya. Tila may alam siya sa lahat ng nangyari sa akin nitong nakaraan.
Yinakap ko din siya pabalik. Binitawan niya ako at nagdiretso na ako sa unahan.
“Dalawang taon. Dalawang taon na akong naglingkod bilang Presidente ng Student Association. Hindi ko inaasahan na sa ika-pangatlong pagkakataon, ako ay muling mahahalal. Sinabi ko noon sa sarili ko na, tama na ang dalawang taon na nagsilbi ako sa mga kapwa estudyante ko at naging boses nila. Ngunit, muli ay may kumatok sa aking puso para muling tumakbo sa parehas na posisyon.”
Tumigil ako ng saglit at tiningnan ko ang aking paligid. Kelangan kong memoryahin at tandaan ang pangyayaring ito. Ang pangyayaring, nagbago at putuloy na magpapabago sa buhay ko.
“Lahat ng sinabi ng mga nahalal, ay tutuparin ng Student Association. From the tiniest information to bigger ones, ay ihahatid namin sainyo.”
Nagpalakpakan ang mga tao sa gym namin. Kitang kita ko dito ang full support sakin nila Jen, Jana at Ara. May dala dala pa talaga silang placard.
“Ngayon, hindi ako manunumpa ngunit itataas ko ang aking kanang kamay.” Nakita ko ang pagtataka sa kanilang mukha. Dahan dahan kong itinaas ang aking kanang kamay bago bigkasin ang nais kong sabihin.
BINABASA MO ANG
Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)
Romance(NOW AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE) Dalawang tao na nagkakilala sa hindi inaasahang panahon. Parehong umibig at nasaktan. Ito ang pag-ibig na sinubok nang panahon, sinubok nang tadhana. This story will make you, Be in love. Believe in forev...