Chapter 54

115K 1.2K 150
                                    


Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Libre namang umimik pero hindi ko magawang magtanong kay Andrei kahit sa bestfriend kong si Jen. Alam kong sobra na pero hindi ko alam kung anong nagpipigil sakin. I know I have to know the both sides of the story.

Lumipas ang mga araw ay ganun pa din si Andrei sa akin. Aalis siya kasama si Jen nang hindi man lang magpapaalam sa akin. May mga gabi na hindi na niya ako naaabutang gising. Pero kapag naman naaabutan niya akong gising, ay sobrang sweet niya. Yung parang bumabawi siya sa mga pagkukulang niya.

Hindi ba kung ikaw ang nasa sitwsyon ko, malilito ka rin?

Kung ikaw yung nasa sitwasyon ko, pipigilan mo yung galit mo kasi somehow you’ll feel love kahit na madalang?

Kung ikaw yung nasa sitwasyon ko, matututo kang magtimbang ng sitwasyon!

Kaya ako hanggang ngayon ay nananatiling tahimik. Mas pinili kong hindi ito ipaalam kay Daddy dahil ayaw kong mag-isip pa siya nang masama tungkol kay Andrei. Sa tamang panahon, malalaman niya rin.

Alam kong katangahan na ang ginagawa kong pananahimik pero sa ngayon alam kong mas ikakabuti ito para malaman ko lahat ng mga nangyayari.

Weekend ngayon at inaasahan ko na mamamalagi si Andrei sa bahay. Pero nagkamali ako. Kinaumagahan ay hindi ko na siya naabutan sa bahay. Ang tanging tao lang sa bahay nila ay ako, si Alexis at ang apat na maid nito. Nanlumo ako at nanliit.

Naramdaman kong hindi ako importante sa pamilyang ito kaya okay lang na iwan nila ako nang hindi ko alam. Can I just go home? Aanuhin ko ang malaking bahay na ito, kung ganito naman parati ang mararamdaman ko? Wala.

“Ma’am kain na po kayo.” Anyaya sakin ni Manang. Umupo ako sa malaking dining table. Muli ay nakaramdam ako ng pangungulila.

“Pakicheck naman po si Alexis sa kwarto namin. Kapag po gising ay pakibaba na lang dito.” Sabi ko sa personal maid ni Alexis. Sumunod naman agad ito sa utos ko.

Akmang kakain na ako nang may napagtanto ako. Hindi masarap kumain ng ikaw lang mag-isa tapos ganito kadami ang pagkaing nakahayin. Kaya ang ginawa ko ay inanyayahan ko ang mga kasambahay nila Andrei na sumabay sa akin. Noong una ay ayaw pa nila. Pero nang tinakot ko ang mga ito ay sumabay na rin.

“Sige po, kapag hindi niyo ako sinabayang kumain wala akong gagalawin sa mga hinanda niyo sakin.” Kaya naman wala silang nagawa at kumain na rin kasabay ko. Hindi nga lang nakasabay ang personal maid ni Alexis.

Naging masaya ang aming pagkain. Puno sila ng mga kwento na sadyang nakakatawa. Si Manang Fely kahit may edad na ay ang galing galing pa ring magjoke. Si Ate Aimar naman ay ang lakas-lakas tumawa. Mas matatawa ka nga sa tawa nito kaysa sa mga sinasabi nitong jokes. At si Ate Cely, ay maypagka-green ang mga joke. Sasaktan ka talaga ng tyan sa kwentuhan namin.

Sana maging ganito rin ang pamilya namin ni Andrei. Sana ganito rin ang pamilya ni Andrei. Yung wala masaya at walang iniisip na problema. Yung sama-sama kayong kakain sa umagahan, tanghalian at hapunan. Yung sabay-sabay niyong dadamhin ang pinaghirapang luto ng mga kasambahay.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon