This chapter is full of flashback. Enjoy everyone!
**********
At bumalik lahat ang nakaraan sa aking isipan…
Nagpasya si Daddy na magpakonsulta sa doktor. Sinabi ko ang problema namin ng girlfriend ko na si Hazel. Halos dalawang taon na din kaming magkarelasyon at sa tagal na namin, inaamin kong may nangyayari na sa amin. Ganun naman ang mga kabataan ngayon, yun nga lang yung iba hindi kayang akuin ang responsibilidad lalo na ang mga lalaki.
Pero iba ako, simula nang makilala at naging magkarelasyon kami ni Hazel, alam kong siya na ang para sa akin kaya walang kaso sa aming dalawa kung mabuntis ko man siya, dahil aakuin ko lahat ng responsibilidad.
“Babe, what’s wrong?” Nakita kong tulala si Hazel sa may study area ng DMU. Alam kong may bumabagabag na naman sa kanya. Noong isang araw, nag-away kami nang dahil lang sa mga babaeng patuloy na nag-bibigay sa akin ng kung anu-ano.
“Babe, I think I’m pregnant.” Hindi maipinta ang mukha ni Hazel matapos niyang umamin sa akin.
“What? God babe, I love you. You made me so happy!” Samantalang ako naman ay tuwang-tuwa sa ibinalita niya. Wala na akong pake kung ano man ang iisipin at sasabihin ng iba. Basta ako pananagutan ko ang babaeng mahal ko.
Nakita kong walang ngiti sa mukha ni Hazel kaya natigil ang aking kasayahan. “What’s wrong? Are you not happy? Diba matagal na nating napag-uusapan ito? Na kahit maaga tayong magkapamilya, okay lang sa atin?”
Tumango siya ngunit hindi ako kontento sa simpleng tango lang niya. Alam ko, alam ko na may bumabagabag pa din sa kanyang puso.
“But I realize na ang bata pa natin. You see, kakatungtong lang natin sa college, first year college pa lang tayo. Babe, this is too early.”
Nayanig ang puso ko sa sinabi niya. Buong akala ko ay handa na kami parehas dahil nakikita ko naman yung sa kanya. Na handa na kaming bumuo nang sariling pamilya kahit na ganito kami kabata. At hindi na bata ang college. Yes! Maaaring bata para sa edad namin ang ganitong sitwasyon, but fuck! Who cares!
Sa huli, hindi naging maayos ang pag-uusap namin. Alam kong naguguluhan lang siya at natatakot but I’m still hoping na yung pangarap na binuo namin matagal na ay kaya nyang tuparin kasama ako at ang magiging anak ko.
“Dad?” Hindi ko kinaya lahat nang nararamdaman ko. I know I need someone who can listen to me.
Dahil iisa akong anak, sobrang malapit talaga ako kay Daddy at Mommy. Sunod sa luho at alam nila lahat nang kalokohan ko. Hindi naman sa kinukunsinte nila ako, pero sa tuwing gagawa ako ng kalokohan milyong-milyong sermon ang abot ko sa kanilang dalawa. Kaya nga hindi na ako nagdalawang isip pa nag magkwento tungkol sa sitwasyon namin ni Hazel. Legal naman kami sa both family namin.
“Hazel thinks she’s pregnant.” Hindi ko mabasa ang reaksyon ni Daddy kung galit ba siya o hindi.
BINABASA MO ANG
Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)
Romance(NOW AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE) Dalawang tao na nagkakilala sa hindi inaasahang panahon. Parehong umibig at nasaktan. Ito ang pag-ibig na sinubok nang panahon, sinubok nang tadhana. This story will make you, Be in love. Believe in forev...