"Aww! Ang sakit!" Napahawak agad ako sa aking ulo pagkagising na pagkagising ko ngayong umaga. Sobrang sakit nito at alam kong epekto ito ng alak kagabi.
Ano bang oras na? I looked at my side table, pero nagulat ko ng wala yung side table ko. Saan yun napunta? Di ko naman siya pinagbili. Di ko rin naman siya nililipat. Nakakapagtaka naman at bigla na lang itong naglaho.
I decided to look on the other side. Ngunit hindi pa ako nakakatingin sa kabila, napansin kong pati ang aking kisame ay nag-iba. Agad akong kinabahan at hindi agad nakalingon. Huminga ako nang malalim at saka tumingin sa kabilang side ng kwarto.
And to my surprise hindi isang side table ang nakita ko! Kundi isang lalaki! Napahawak ako sa aking bibig. Gusto kong sumigaw ngunit tila nawala bigla ang boses ko. Naguluhan ako at napuno nang tanong ang aking isipan. Hindi agad ako nakakilos dahil sa takot na nararamdaman ko. What the hell? Bakit nagkaroon ng tao sa kwarto ko?
Siguro panaginip ko lang ito. Dala lang ito ng sakit sa ulo. Kaya naman muli akong pumikit. Nagbaka sakaling panaginip lang ang lahat at pagkamulat ng mata ko ay wala na ang lalaking nasa tabi ko.
Ngunit pagka dilat ko andun ka rin siya. Hindi siya naglaho. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko! Hindi maaari! Anong nangyari?
"Aaahhh! Sino ka? Aaahh!" Sumigaw na ako sa sobrang gulat at kaba. Tili lang ako ng tili habang nasa kama. Sinilip ko kung nakadamit pa ako. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong nakadamit ako. Positive may tao nga akong katabi sa bed ko. at lalaki pa!
Jess naman! Kelan ka pa natututong mag-aya ng sleep over sa lalaki? Never ko pa yung nagawa.
"Shit! Why are you shouting? Ang aga aga pa. Magpatulog ka naman." Nagmulat siya at pasigaw din niya akong sinagot. Agad naman siyang humarap sa kabilang parte ng kama at tinakluban ng unana ang kanyang mukha.
Umupo ako sa kama. "Hoy mister, tinatanong kita! Bakit ka nandito sa kwarto ko! Bakit ka ba --"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang niya akong hinila pahiga at yinakap ng sobrang higpit na halos hindi na ako makahinga. Naramdaman ko na naman ang pagbilis ng puso ko.
"Sshh. Baby, let me sleep for a while. At nasa kwarto kita, wala ka sa inyo. Let's sleep, okay?" Nakapikit siya habang sinasabi ang mga katagang binitawan niya. Samantalang ako ay nakatitig sa kanya. Muli akong naestatwa at nawalan ng boses.
Baby? Tinawag niya akong baby. Akala siguro niya BABY ang pangalan ko. Teka nga, sino ba ito? Hindi ko nga siya kilala tapos pa-baby baby pa siyang nalalaman! At ang higpit pa ng yakap niya saken.
"Let's sleep first. It's too early baby. I'll explain later, okay? Matulog muna tayo. Hwag kang malikot."
Di na ako nakapagsalita. Tila may sariling utak ang utak ko at bigla na lang akong sumunod sa kanya. Pumikit ako at pinilit kong makatulog ngunit hindi mawala wala ang 'baby' na tawag niya sakin. This is bad! Really bad! God, I think I really need to go back to sleep.
Nagising ako ng maramdaman ko na lang na may humahawak sa buhok ko. Para niya akong inaamo sa paghawak ng buhok ko. Dinilat ko ng mata ko at tumambad saken ang isang nilalang na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala.
"Good morning."
"Good morning." Normal na bati ko pabalik sa kanya. Mas pinili kong kumalma para makakuha ako ng matinong sagot mula sa kanya. Ito na ata ang epekto ng paghawak niya sa buhok ko, nagiging mabait ako at tila napaamo niya ako.
"Hmn, pwedeng pakitanggal na nung yakap mo saken? Kasi you know, you are a stranger to me at ganun din ako sayo. Ang awkward lang."
"Hmn. Ayaw ko nga." Sagot niya saken. At lalo pa nyang hinigpitan ang yakap sakin.
"Anong ayaw? Hoy mister baka nakakalimutan mo hindi kita kilala! Sino ka ba? Magpakilala ka nga. At bakit AKO nandito sa BAHAY MO? Paano ako nakapunta dito? At anong ginawa mo saken? Ha?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya habang nagpupumiglas ako sa kanyang mga yakap. Ngunit sadyang malakas ang lalaking ito na kahit anong suntok at tulak ko sa dibdib niya ay hindi maalis ang yakap niya! Ang kaninang plano kong kumalma ay biglang nawala.
"Baby, you've got too many questions." Hinalikan pa niya ang ulo ko at ramdam ko na inaamoy niya ang buhok ko.
"Will you please stop doing that! Answer my freaking questions. Now!" Sigaw ko sakanya. Medyo lumuwag ang pagkakayap niya sakin kaya nakawala ako. Bumangon siya saglit at napanganga ako ng makita ko ang katawan niya.
"Wait okay! Maghilamos muna tayo at mag toothbrush. Sigaw ka ng sigaw saken, ang baho naman ng hininga mo!" Tumawa siya sa huli niyang sinabi. Lalo akong nainis. Mabaho ang hininga ko! Aba't walang hiya talaga itong lalaking ito!
"Hoy! Anong mabaho ang hininga! For your information, wala akong bad breath kahit morning! Tumira ka pa dito! HAAAAH!" Hiningahan ko talaga siya para bawiin niya ang sinabi niya. Ang kapal naman talaga ng mukha niya!
"Ang baho kaya! Ang sarap mong asarin." Tumawa siya nang walang humpay.
"Sinabi ng hindi mabaho ang hininga ko! Ano ba!"
Hinapas ko siya ng unan paulit ulit. Ngunit hindi pa rin siya tumitigil kakatawa.
"Sige nga! Let's try."
Try? Anong nais nitong ipahiwatig? May iba pa bang paraan para malaman kung mabaho ang hininga ng isang tao?
"Ha? Anong lets -"
Nanlaki ang mata ko at natigilan nang maramdaman ko ang mga labi niya sa labi ko.
-----
FB: Delphanie WP
IG: delphanie16
BINABASA MO ANG
Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)
Romance(NOW AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE) Dalawang tao na nagkakilala sa hindi inaasahang panahon. Parehong umibig at nasaktan. Ito ang pag-ibig na sinubok nang panahon, sinubok nang tadhana. This story will make you, Be in love. Believe in forev...