Chapter 11

217K 1.4K 16
                                    

Lumipas ang mga araw na hindi ulit nagkukrus ang landas namin ni Andrei. I'm not sure kung Andrei nga ang pangalan niya pero iyon kasi ang nabasa ko sa litrato. Hindi naman siya nag-disagree nang tawagin ko siyang Andrei.


Siguro nga, one night stand lang talaga ang nangyari sa amin. Why do I expect too much? Virgins are clingy, asik nang isang bahagi kong isip. Ngunit iwinawaksi ang nasa isip ko.


"Best! Engineering department meeting. You know naman diba?" Kakatapos lang ng isa kong subject at tamang-tama pagkalabas ko ng classroom ay nakasalubong ko si Jen.


"Yes, I remember. Can you still move it around 3pm? May aasikasuhin lang ako. Pwede pa ba?" Magkasabay kaming bumaba ni Jen. Wala pa kami sa first floor ay tumigil na siya at hinarap ako.


"Sure! Uuna na ako para maannounce ko na agad. See you later at lunch break." Nagdiretso siya intercom ng buong engineering building para maiannounce ang pagkamove ng meeting. Buti na lang laging andyan si Jen to help me with my busy schedule.


Sa ngayon, wala naman akong aasikasuhin. Gusto ko lang mag unwind sa matahimik at mahangin na lugar. Gusto kong mag-isip tungkol sa maraming bagay lalo na sa mga nangyari nitong nakaraan. Hindi ako maka-move on sa nangyari. Pilit ko mang kalimutan ay hindi ko magawa.


Dinala ako ng aking mga paa sa soccer field. Ito ang lugar na hinahanap ko. Wala namang masyadong tao dito. Wala rin namang nag-eensayo ngayon. I decided to sit under the tree para hindi masyadong mainit. I put my headset and music on.


Nagsimula ang isang pamilyar na kanta. Tamang-tama lamang ang tyempo nito para sa katahimikang nais ko.


Heart beats fast, colors and promises
How to be brave
How can I love when I'm afraid to fall.


Ang sinasabi nang kanta ay tama. Sa pag-ibig kapag nasaktan ka na ng minsan ay takot ka ng mahulog muli sa iba. Takot ka ng umibig. Ngunit, alam mo sa sarili mo na handa ka ulit sumugal.


Sa aking pagmumuni-muni ay naramdaman kong may tumabi sa akin. Maybe I am dreaming too much, kaya kung anu-ano na lang ang nararamdaman ko. Napamulat ako ng may tumikhim sa aking tabi. I open my eyes and I saw a very familiar person.


Kilalang-kilala siya ng mga mata ko, at alam kong kilala rin siya ng katawan ko.


Masyado siyang malapit sa akin na halos hindi ako makahinga. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Nagtitigan lang kami. His eyes focused on my eyes, and so did I. I wanna ask him kung bakit ngayon lang siya nagpakita sa akin, but no. I don't wanna sound so clingy!


Then suddenly, he touched my face. He caressed it like he's trying to remember every details of it. Naramdaman ko ang milyong-milyong boltahe na dumaloy sa aking katawan. Napapikit ako sa ginawa niya.


"Did you miss me?" Bulong niya habang dinikit niya ang noo niya sa noo ko.


Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon