Patay! Paano na si Andrei? Baka sumugod talaga yung dito. Bakit ba nakaligtaan ko na kaninang lunch ang flight nila, ika-apat na araw na pala namin dito sa Cebu.
"Hoy! tumigil ka nga dyan sa kakalakad mo ng pabalik balik. Hindi ako makatulog sayo eh." Sabi sakin ni Yassi, na ngayo'y nakahiga na sa kama at handa ng tumulog. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang nag-iisip ng paraan para makontak si Andrei o kahit man lang mahiram saglit ang cellphone ko.
Halata mong hindi makatulog si Yassi sa paulit ulit kong paglalakad. Tumayo siya sa aking pagkabigla pero hindi ko na lang siya pinansin. Busy ako kakaisip! Damn! Andrei, hindi ako makatulog.
Mas nabigla ako ng naghalungkat si Yassi sa maleta niya na kinuha pa niya sa walk-in closet ng room namin. Mas ikinagulat ko ang bagay na inihagis niya sa kama ko.
"Ayan! Nang matigil ka kakalakad at kakaisip, at para makatulog na ako. Binibigyan mo ako ng sakit sa ulo!"
Wait! An iPad? Sandali! Paano siya nagkaganito? Malamang hindi siya nagsurrender. Pero sa pagkakatanda ko hinalungkat lahat si Sir ang gamit namin para makuha ang lahat ng gadgets.
"Yas, paano, bakit na sayo itong iPad mo?" takang tanong ko sa kanya.
"Pwede ba! Gamitin mo na lang yan at bukas sasagutin ko lahat ng tanong mo. Antok at pagod na ako Jess. Get online at communicate with him!" At nagtaklob na siya ng kumot.
Ay! Whatever! Basta gagamitin ko ito. Get online Jess! Dali dali kong kinonek ang iPad sa wi-fi ng hotel. Agad din akong nag-in sa skype at facebook. Shizz! Ang tagal mag-in ng facebook account ko.
Pagkatingin ko sa home, sabog ang notifications at friend request ko. Seriosly! Wala pang apat na araw, akong hindi nakakapagbukas may 62 friend request na agad ako at 99+ notifications! Binuksan ko ang mga nag-add as friend sakin. Accept lang ako ng accept maliban sa mga profile na nakakatakot i-accept.
After the friend request, I open my notifications. Scroll down, scroll down. Syet! Halos kalahati ata ng noti ko ay puro requested games. Paano ba mawala ito? Meron din namang mentioned you in a comment, tagged you in a post. And boom! Ang pinaka-boom sa lahat, ANDREI write on you WALL and tagged you in a post!
Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at agad kong ini-click at notification na yun.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sa apat na araw na hindi kami magkasama, ngayon lang ulit bumilis ng ganito ang puso ko. Gusto kong mangiyak! Gusto ko siyang kausapin! Gusto ko na siyang makasama.
BINABASA MO ANG
Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)
Romance(NOW AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE) Dalawang tao na nagkakilala sa hindi inaasahang panahon. Parehong umibig at nasaktan. Ito ang pag-ibig na sinubok nang panahon, sinubok nang tadhana. This story will make you, Be in love. Believe in forev...